CHAPTER 20

899 27 0
                                    

Chapter 20
Hurt
XANDRIA VONIQUE CHUA

Palakad-lakad ako dito, kitang kita ko kung paano makipag laban ang mga kasamahan ko, kung paano sila mamatay at maging abo, at ang sakit nun para sa akin.

Nasaan na ba kasi si Francis? Hindi ko siya mahanap, sabi niya hindi niya ako iiwan.

Habang nag lalakad ako ay may nakita akong lalakeng naka upo sa gilid, agad ko siyang nilapitan, finally! I already found him.

"Francis?" tinignan ko siya at umupo sa harap niya, he's injured."Gumising ka" tinapik-tapik ko yung pisnge niya at buti nalang ay nagising siya.

"Vonique" I stop him, masyado siyang napuruhan.

"Don't talk, hahanap tayo ng paraan para makaalis dito" inilagay ko yung isang braso niya sa balikat ko at buong lakas ko siyang binuhat

"Vonique hayaan mo nalang ako dito"

"No! Hindi kita hahayaang mamatay Francis, hahanap tayo ng paraan para makalabas dito" nagpunta kami sa isang pintuan, first time ko itong makita, pumasok kami doon at sa pag pasok namin ay nasa ibang lugar na kami, may mga puno na katulad ng sa labas ng Mansion, tama baka ito na ang lugar kung saan kami pumasok noong unang apak namin sa Aviana.

"H-hindi ito Aviana" ibinaba ko muna siya sa may malaking puno at isinandal doon.

"Ito ang Aviana Francis kaya pwede bang huwag ka na munang mag sasalita?" ano ng gagawin ko? Paano na siya? kumakalat yung lason sa katawan niya at hindi ko naman kayang hayaan nalang siyang mamatay.

"Impyerno itong napuntahan natin Vonique" natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa paligid, tama nga siya, napapalibutan kami ng mga apoy, kaya pala ang init.

"Paano na?" inililibot ko yung paningin ko para maghanap ng pwedeng puntahan at buti nalang may kweba dito na malayo sa mga nagbabagang apoy, feeling ko tuloy ay nandito kami sa loob ng bulkan.

Ibinaba ko siya doon, kinapa ko yung pulsuhan niya, hindi na masyadong tumitibok.

"Isip! Mag isip ka Vonique"

Aha! Naalala ko na yung ipinangamot ko kay Brianne noon, yung dugo ko, tama. Naghanap ako ng matulis na bato at sinugatan ang sarili ko, masakit pero kakayanin ko ito.

Lumapit ako kay Francis at pinahiran ko yung labi niya ng dugo, I watch him until I passed out.

***
FRANCIS DALE GONZALES

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ko at saka sa mabigat na nakapatong sa braso ko.

Napangiti ako ng makita ko si Vonique na nahimbing na natutulog sa balikat ko, ang ganda niya talaga, tinanggal ko yung dahon na nasa mukha niya.

Dahon?

Napatingala ako at the heck is this, paano nag karoon ng puno dito eh nasa impyerno kami,ibinalik ko yung paningin ko sa kanya hanggang sa madako yung tingin ko sa kamay niyang dumudugo.

F*ck! She waste her blood just to save me.

Hinawi ko yung buhok niyang tumatakip sa mukha niya, she looks so pale, namumuti yung labi niya. kinapa ko yung pulsuhan niya para tignan sana kung okay lang siya pero sh*t! hindi siya humihinga.

"Vonique gising!" I tried to wake her but no responds, it can't be, binuhat ko siya na pang bridal style at nag hanap ng daanan.

Nagpasikot-sikot na ako sa lugar na ito at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakalabas, kung kaya tawagan ko si Fier? tama, I'm so stupid, ngayon ko lang naalala yung bwisit na yun.

Ibinaba ko muna siya sa gilid at kinapa yung holen na lagi niyang dinadala.

"Fier"

"Anong nangyari sa kanya?" nilapitan niya agad si Vonique at may something siyang ibinulong sa tenga niya.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" sinamaan ko siya ng tingin pero umiling lang siya.

"Kailangan niyo ng umalis dito" itinapon niya sa harap ko yung katulad nung ginawa niya pag papasok kami."Mauna na kayo" binuhat ko si Vonique at tumalon sa baba.

Pag apak ko sa lupa ay nasa harap ba kami ng bahay, gabi na pala dito. Lumapit ako sa door para kumatok pero bigla namang nag bukas at iniluwa nun si Althea na nakafacemask pa.

"Sino yan Althea?" nanlaki yung mga mata ni Brianne"Ghad!! OMO!! Anong nangyari sa kanya?! Nirape mo..aray!nagjojoke lang naman ako" ibinaba ko siya sa sofa at agad naman siyang tinignan ni Althea.

"S-she's not breathing"

"Patay na siya?" bago pa sila makapag react lahat ay nag salita na ako, I don't want to hear it. that she's dead because of me.

"No! She's not" sabay-sabay kaming napatingin kay Fier"Pagod lang siya—"

"Bakit hindi siya humihinga?" sabi ni Althea na may halong pagaalala.

"Let her be" lumapit ako kay Fier at kinuwelyuhan siya

"Kung may mangyayari lang sa kanyang masama, sa impyerno ang bagsak mo" itinaas niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko.

"Masyado ka namang nag aalala" hindi ko siya pinansin, bumalik nalang ako sa tabi ni Vonique, this is my fault, dapat hindi ko ipinakita sa kanya na mahina ako.

***
XANDRIA VONIQUE CHUA

Nagising ako sa isang lugar na sobrang dilim, sa malayo ay may dalawang pintuan, yung isa ay pula at yung isa naman ay puti, saan ako lalabas?

Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawang pintuan, lalapitan ko na sana yung puti pero biglang may lumabas na isang babaeng galing sa pintuang iyon.

"Anak"  napaluha ako dahil sa nakikita ko ngayon, si Mama.

"Ma"

"Sama ka na sa akin anak" inilahad niya yung kamay niya sa akin at parang inaakit ako ng boses niya"Halika na, alam mo bang miss na kita?" niyakap niya ako, yakap na sobrang hinahanap hanap ko, ito yung yakap na kailan man ay hindi ko naramdaman.

"Sasama na po ako sa inyo" ewan ko nga ba kung ano ang nangyayari sa akin, parang kusang pumapayag yung sarili ko na sumama sa kanya.

"Halika na" hinawakan niya yung kamay ko at nag lakad na kami papunta sa pintuang puti, nang aapak na sana ako papasok doon ay parang may tumawag sa akin kaya tumigil ako.

"Vonique! Gumising ka na" huh?

"Halika na" pilit akong hinihila ni mama papasok sa loob.

"I love you Vonique" by that, bumalik ako sa sarili ko at malakas siyang itinulak, hindi siya si Mama, isa siyang demonyo na kumopya sa itsura ni mama.

Thanks Francis.. dahil sayo ay nagising ako.

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon