CHAPTER 19

981 24 0
                                    

Chapter 19
The Banquet

Naghahanda ako ngayon para sa banquet, parang nag dadalawang isip nga ako eh kung tutuloy pa ba ako o hindi na.

Nakaharap ako ngayon dito sa malaking salamin, tinitignan ko ang kabuuan ng kasuotan ko ngayon. Well, naka pulang long ball gown lang naman ako na tinernuhan ng malalaking earings at ng itim na maskara, ginawa ko lang simple ang make up ko at ang kwintas ko ay nakasuot na sa akin.

All in all, bagay ko naman, mas lalo akong naging maganda at yung puti ko ay bumagay sa gown na suot ko ngayon, ewan ko nga ba kung saang lupalop ng mundo ito nakauha ni Fier.

Maya-maya pa ay may kumatok, nag lakad ako patungo sa pintuan para pag buksan kung sino man iyon.

Si Francis lang pala at talagang nag pagwapo pa ah, bagay niya yung tuxedo niyang may kulay pula na necktie, parang isa tuloy kaming couple, oopps! sana nga dadating tayo diyan.

"Ready ka na?" tanong niya ng walang kaemo-emosyon, what's with him? Parang bad trip siya.

"Tara na" hinawakan ko yung braso niya at sabay na kaming nag lakad patungo sa event ng pag dadarausan ng banquet.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, sobra akong kinakabahan, as in parang sasabog na ako, first time akong makakaranas ng ganitong kaba, parang may mangyayaring masama.

Nang hawakan ko na yung door knob ay natigilan ako, nakaramdam ako ng kakaibang pwersa, naramdaman ko rin na may mangyayari talagang masama, na marami ang mamamatay

"Vonique ayos ka lang?" napatingin ako kay Francis, his eyes, it's black means, death, no, this can't be real, mamaari siyang mamatay kapag tutuloy kami, ito na ba ang sinasabi ni Fier na panahon upang mapatay ko si Francis"Stop crying" Hindi namalayang umiiyak na pala ako, I'm so stupid to think negatively, dahil lang siguro iyon sa sobrang kaba ko.

"S-sorry, tara na" I fake a smile bago ko binuksan na ng tuluyan ang pintuan.

Tumambad sa amin ang napakagarang ballroom, marami naring mga tao dito, nag kakasiyahan, may mga kinakabahan, may mga excited, at karamihan ay masaya.

Nagpunta nalang  kami sa may pinakagilid, yung malapit sa parang stage na may tatlong malaking upuan na tila trono ng hari at reyna.

"Welcome! Ladies and Gentleman, we are here...." hindi ko na pinakinggan yung sinasabi ng emcee, nanatili lang ako sa pag pakiramdam ng nasa paligid ko, ang mga taong nasa paligid ko ngayon, lahat sila ay mamamatay ngayon at wala akong magagawa para iligtas sila" I would like also to call Miss Gabrielle Vonique Scariot to seat in the throne" tama ba yung narinig ko? ako pauupuin nila sa trono? nababaliw na ba sila.

"Pumunta ka na, hinihintay ka na ni headmaster" bulong ni Francis sa akin"Don't worry nandito lang ako" so ayun nga wala naman akong choice kundi ang umakyat doon at umupo.

Dahil sa ginawa ko ay nag bulong-bulungan ang mga tao, malamang magugulat sila kung bakit ako umupo dito eh wala naman akong korona.

"How dare she seat on that throne!"

"She's not the princess!!"

"She better get a punishment!!"

Napalunok ako, ayaw nila ako?

"Quiet! She is the only one princess of this forbidden city and no one can replace that, she has this ability that no one can have, she got it from her mother and father, the most powerful of all" paliwanag ni Headmaster at natahimik naman sila"Humingi kayo ng tawad sa empress" ayun nag siluhuran sila sa harap ko except kay Francis na nakatayo lang sa gilid at sa babaeng nakatingin sa akin ng masama, her eyes, it's quite familiar, Parang nakita ko na iyon dati pa, hindi ko lang alam kung saan at saka yung aura niya, napapalibutan siya ng itim.

Pinaupo na nila ako, still, hindi parin nawawala ang tingin ko sa babaeng iyon, nang bumalik na yung mga tao sa kanya-kanya nilang ginagawa ay bumaba ako para harapin yung babae, pero ng makarating ako sa kinaroroonan niya ay nawala na siya na parang bula, kasabay nun ang pag sabog.

*bogsh* nag kagulo ang mga tao dahil doon, nag sitakbuhan sila at yung iba naman ay nakipag laban sa mga reaper.

Doon ko lang rin napagtanto na hindi sila pngkaraniwang tao kundi isa silang mensahero, lumabas yung mga pakpak nila at may kanya-kanya silang mga armas para patayin ang mga libo-libong reaper na umaatake sa amin.

Si Francis? I need to find him.

***
Someone's POV

H

indi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan na nag dudusa at nauubos ang mga mensahero, paunti na ng paunti ang lahi nila at ang tanging matitira nalang ay ang deypse.

Ang Deypse na aking kalaban at ang susi sa aking pag tagumpay, kailangan ko lang namang makuha ang buhay niya para masakop ko na ang mundo ng tao, at magiging mas makapangyarihan na ako.

Vonique is the deypse huh? dapat hindi ko na siya niligtas noon, hinayaan ko nalang dapat na mamatay siya kung alam ko lang, but it's okay, I'm her friend kaya madali ko nalang na maisasakatuparan ang mga plano ko.

Nag lalakad ako ngayon dito sa hallway nang may mensaherong umatake sa akin at dahil sa malakas ako, sinakal ko siya hanggang sa naging abo nalang.

"Itigil mo na ito" napatingin ako sa kasama ko ngayon.

"Why would I do that? give me an acceptable reason" tinaasan ko siya ng isang kilay.

"I love her, please patayin mo nalang ako kaysa ang patayin mo siya" nilagpasan ko lang siya

"Kailan man ay hindi ko magagawa iyan, yan ang masama sa pag mamahal eh, nagiging mabuting tao ka, iniisip mo lang yang nararamdaman mo, ni ako ba? minsan mo bang pinahalagaan?" umiling siya kaya nag lakad na ako palayo sa kanya.

Isa rin sa dahilan kung bakit ko ginagawa ito, para mabigyan ko ng hustisya ang pag kamatay ng mga magulang ko at ng pag agaw sa taong minamahal ko.

Yeah! Mahal ko siya at hindi ko hahayaang masira lang iyon ng dahil sa pesteng Vonique na yan, makikita niya, ito na ang simula ng pag hihiganti ko.

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon