CHAPTER 25

855 25 0
                                    

Chapter 25

Hinihintay kong mag salita siya, he need to explain every part of the story dahil gulong gulo na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"I j-just"

"I-isa ka na ba sa kanila Francis?" tanong ko sa kanya"Silent means yes, so totoo nga ang hinala ko, Francis naman, ikaw lang itong pinakapinagkakatiwalaan kong kaibigan" naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang, ayaw kong mag mukhang mahina sa harap niya.

"I'm sorry" hinawakan niya ako pero tinabig ko lang yung kamay niya, nakipag kampi siya sa demonyo, hindi na siya yung lalakeng pinagkakatiwalaan ko at yung lalakeng minahal ko.

"Huwag ka nang mag papakita" sabi ko at tumalikod na,doon narin bumuhos yung mga luha ko.

I love him but it seems like he is forcing me to do the things that I don't like. I don't like to lose him but he is part of my enemy now.

"Vonique bakit ka umiiyak?" naramdaman ko yung yakap niya kaya napayakap narin ako sa kanya.

"R-russel wala na si Francis"

"WHAT? patay na siya" humiwalay ako sa yakap at hinarap sila.

"He is a demon now, I saw it" mukhang nagulat sila sa narinig nila, maging ako naman ay ganun rin eh pero kailangan kong tanggapin na hindi kami para sa isa't isa.

"What to do?Ano ng gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Brianne, we are only four now, at tanggalin pa natin doon si Althea dahil nga pati siya ay pinaghihinalaan ko.

"Are you sure that he is a demon?" tanong ni Russel, that hit me! hindi ako sigurado pero ang nakakasigurado ko lang ay ang pakikisama niya Kay Abaddon at ayaw ko iyon.

"He is in our side" napatingin kami sa nag salita, si Fier.

"Fier si Abaddon na iyon" he just smirk, I'm crying right now in front of my best friends, I'm so hopeless.

"Abaddon is in our side kaya huwag kang mag alala" naguguluhan ko sa sinasabi niya

"What do you mean?"

"Sa totoo lang, Tito ko si Abaddon at gusto niya ring matapos na ang lahat ng nangyayari dito sa Aviana kaya siya nakisama kay Francis, maintindihan mo na sana" sabi niya at pumalakpak saka siya na wala.

Naramdaman ko yung yakap ni Russel, hinagod-hagod pa niya yung buhok ko para patahanin.

"Ssshh!! Nagkamali ka lang ng akala, don't worry, okay naman yun na may nakikikampi sa atin" niyakap rin kami ni Brianne.

"Tama si Russel" rinig kong sabi niya"I think, you should go and find him" humiwalay na ako sa yakap at tumango, napatingin pa ako kay Althea na nanonood lang ng TV, hindi manlang niya kami napansin."Hayaan mo na siya Vonique, ako ng bahala" tumango naman ako at tumakbo na palabas ng bahay, hinanap ko si Francis sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina at nandoon nga siya.

"F-Francis...I'm s-sorry " tumayo siya at nilapitan ako, he hug me na mas lalong nag paiyak sa akin"Sorry for not trusting you" humiwalay siya sa yakap at tinignan ako sa mga mata ko, punong puno ng pag aalala at takot.

"You don't need to be sorry, ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo dahil itinago ko ito" hinawakan niya yung pisnge ko at pinunasan yung luha ko.

"F-Francis" he look at me."I...I Think—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang may sumabog mula sa malayo, sa may bahay namin iyon.

***
BRIANNE FRANCES VELILA

Pagkaalis ni Vonique ay nilapitan ko si Althea, nakatunganga siya hanggang ngayon.

"Althea may problema ka ba?—"

"Kayo? Kayo ang problema ko! ang laki niyong argh!!" tumayo siya at pinag babasag yung mga flower vase na malapit sa kanya.

"Althea! tama na!" lalapitan ko sana siya kaso pinigilan ako ni Russel, he sign to me na hayaan lang siya"Pero paano na? anong gagawin natin?"

Bigla namang lumindol ng sobrang lakas kaya mas lalo kaming nataranta. maya-maya pa kahit tanghali palang ay dumilim yung palagid, napuno ng kadiliman yung paligid.

"Russel anong nangyayari?"

"Ewan ko, dito ka lang sa tabi ko, ako ng bahala sayo" hinawakan niya yung kamay ko.

"Si Althea?" hinahanap ko siya pero wala na siya, tanging yung cellphone lang niya yung naiwan"Althea!!" natatakot na ako sa pwedeng mangyari.

"We need to find Vonique, tara na" hinila na ako ni Russel palabas ng bahay, I can't look back dahil nga nakikita ko na sila, yung mga nilalang na hindi ko pinaniniwalaan noon.

Nagkagulo narin yung mga tao, marami ang nasugatan at namatay sa harap namin, waahh!! babangangutin ako sa mga nakikita ko.

"Liam!" si Liam tumatakbo siya palapit sa amin"

"Anong nangyari?"

"I'm sorry"

"Bakit ka nagsosorry?"

"I'm a demon...and It's my duty to take the two of you" napaatras kami dahil sa sinabi niya, nag iba narin yung itsura niya, may lumabas na itim na pakpak sa likod niya at naging pula na yung mga mata niya.

"waahh!! Russel! halika na!! Mamamatay tayo kapag hindi pa tayo umalis" tumakbo kami pero nasundan rin niya kami, he is really a demon.

Nag tago kami sa may abandonadong bahay, hinihingal akong napaupo sa gilid, I look at Russel, may sugat siya, nilapitan ko siya at tinignan yung sugat niya.

"Russel—"

"Don't worry, I'm okay, just...please don't leave me" napangiti ako, I think this is the time to confess, It is better kung sasabihin ko na kaysa naman yung mahuli di ba?

"I will never leave you 'cause, I Love You" napangiti siya sa sinabi ko at ganun din ako, hinila niya ako palapit at hinalikan ako sa labi ko, pumikit nalang ako.

"Nandito lang pala kayo" lumayo kami sa isa't isa at nakaamoy nalang ako ng kakaiba, parang humihina yung katawan ko dahil doon.

"Liam why are you doing this to us?" hindi na ako makahinga, napatingin ako kay Russel, he is unconscious, what should I do? hindi ko alam kung paano lumaban.

"Vonique nasaan ka na? we need you my friend" napahiga ako sa lupa at unti-unti akong nilamon ng dilim.

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon