CHAPTER 22

898 21 0
                                    

Chapter 22

BRIANNE FRANCES VELILA

Nakaupo ako dito sa may maganda at malambot na sofa ng palasyo ni Vonique, nag iisip ako ng pwede naming gawin para mahanap si Vince.

Kanina pa nga ako nag iisip eh kaso walang pumapasok sa isip ko dahil nahihilo na ako sa pabalik balik na pag lalakad ni Althea, kanina pa siya ikot ng ikot sa harap ko na tila ba mas malaki pa yung problema niya, like hello? crush ko kaya yung nasa panganib at kailangan ko siyang iligtas noh.

At saka kaya ko naman na siyang iligtas dahil nga sa gumagaling na yung sugat ko, ang galing rin kasing manggamot si Adley, parang katulad siya ni Vonique pero mas better naman si Vonique.

"Pwede bang tigil-tigilan mo na yang kakalakad mo diyan?" naiiritang sabi ni Russel, buti naman sinuway na niya,.

"Si Vince? Wala na ba tayong gagawin para sa kanya? huh?"

"Kung makapag react ka diyan, bakit mahal mo ba siya?" omo! yung bunganga ko ang kulit talaga.

"Oo...bilang kaibigan" sabi niya at inirapan ako, sus! alam ko bamang may gusto siya kay Vince my loves ko, todo tanggi pa siya.

Alam niyo bang nakamove on na ako, ano yun? nag move on kahit hindi naman naging kami? hay! Ang ibig kong sabihin ay tanggap ko na, na hanggang pag kakaibigan nalang kami ni Vince, na silang dalawa ni Althea ang para sa isa't isa.

As in TANGGAP ko na, basta si Althea ayos lang pero kapag ibang babae, aba! Tutusukin ko ng malalaking karayom yung mukha nun pag nag kataon at saka susunugin ko pa siya hanggang sa wala na siyang maiharap na mukha kay Vince, oo brutal, ganon talaga.

"Nagaalala ako" hinatak ko siya paupo sa tabi ko.

"Lahat naman tayo nag-aalala at saka di ba sabi nga ni Vonique, walang mangyayari sa ating maganda kung mag mamadali tayo" sabi ko.

"Tama si Brianne, I trust Vonique, she will save Vince , all you have to do is just wait" napatango naman siya.

I hope magiging okay lang si Vince at sana makita na namin siya...

***
XANDRIA VONIQUE CHUA

Nagmumukmok ako dito sa harapan ng malaking libro, remember? Ito yung nakita ko noong pangalawang punta ko dito.

I force my self to read this but it has no use, hindi ko siya mabasa. Si Francis kaya? Tama.

Lumabas ako ng library at nag lakad sa mahabang hallway, habang nag lalakad ako ay may napansin akong kakaiba sa isang kwarto, dahan-dahan kong pinihit yung doorknob at binuksan iyon.

"Ikaw lang pala Adley, ginulat mo naman ako" akala ko kung sino na 'yon, si Adley lang pala"Ano bang ginagawa mo diyan?" umiling lang siya.

"Lalabas nga pala ako, pupuntahan ko lang si Liam, you know? Baka nag aalala na yun" tumango nalang ako at hinintay siyang makaalis bago ako pumasok sa kwartong pinanggalingan niya.

Something is not right, may kakaiba sa ikinikilos niya, tinitignan ko naman siya sa mga mata niya pero isa lang ang nakikita ko, iyon ay ang trust.

Kaya napakaimposibleng may kinalamam siya sa mga nangyayari sa aming mag kakaibigan.

Pag pasok ko sa loob ay sinindihan ko agad yung kandila na nasa gilid, madilim kasi dito, walang bintana.

Naglakad-lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang malaking tela, ewan ko nga ba pero may nag udyok sa aking tanggalin iyon at tumambad sa akin ang kabinet na hinahanap ko noon pa man.

Binuksan ko iyon at isang damit lang ang nakikita ko, kinuha ko iyon at tinignan, damit ito ng mommy ko, suot niya ito noong itinapon niya ako para protektahan.

Paano ba makakapasok?

Pumasok ako sa loob at isinara yung pintuan, nag hintay ako ng ilang segundo bago ko binuksan ulit at napanganga nalang ako sa nakita ko, yung mundong nakita ko noon, ito iyon, parang kalawakan yung nasa itaas.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa pinakadulo, sa mga gilid ay may nakita akong mga simbolo.

"Scorpio?" tinignan ko yung pulsuhan ko, tama, pareha kami ng simbolo."Dapat itong malaman ni Fier"

Bumalik ako sa loob at mukha agad ni Francis ang nakita ko pag labas ko, grabe! Trabaho ba nila ngayon na gulatin ako.

"Nandiyan ka pala, anong ginagawa mo sa loob?"

"Ah w-wala, tara" kailangan ko munang isekreto sa kanya.

Bumalik kami sa library at ipinakita ko sa kanya yung librong hindi ko mabasa, hahayaan ko nalang na siya ang mag basa.

"Aalis muna ako" paalam ko pero pinigilan niya ako.

"Dito ka muna, sabay nating babasahin"

"Ikaw nga lang ang makakabasa niyan" sinamaan niya ako ng tingin kaya wala narin akong nagawa kundi ang sundin siya.

Magkahawak kamay kaming tumuntong sa tungtungan at binasa yung nasa libro, nababasa ko na siya, ang galing, kailangan ko lang pala ang presensya niya

"You can read it right?" tumango ako at ipinagpatuloy ang pag babasa.

Dito nakasulat kung paano mapatay ang mga reapers at kung saan sila takot, nakakatuwa man isipin pero takot sila sa Asin, parang aswang lang ang peg nila.

At saka may iniwan daw ang hari na isang pana upang gamitin ko sa pag patay sa kanila, ang tanong? Nasaan iyon?

"Saan natin mahahanap yung gamit nayun?" binitawan niya ako at napahawak siya sa baba niya na parang nag iisip.

"Parang familiar sa akin yang pana na iyan, saan ko nga ba nakita?" malalala mo sana."Aha! Alam ko na, let's go" tumango ako at sabay na kaming lumabas ng library.

***
Someone's POV

"kumusta?" tanong ko sa isang alalay ko na nagbabantay sa kawawang binata na nadamay lang ng dahil kay Voniche.

"Gising na po siya—" hindi ko na siya pinatapos pa at tumungo na agad ako sa lugar kung saan ko itinali at pinahirapan si Vince.

"Hello there my dear!!" napatingin siya sa akin ng sobrang sama, malamang hindi na niya ako kayang makita pa dahil sa malabo na yung mga mata niya, kawawa naman, punong puno na siya ng pasa, sayang ang kapogian.

"Isa kang demonyo!!"

"Thank you!" ngumiti ako ng malademonyo.

"Huwag kang mag alala, malapit mo ng makita ang mga kaibigan mo, mag hintay ka lang"

"T*ng*na!! Huwag mo silang sasaktan!!"

"Oopps! sorry nasaktan ko na sila, gusto mo patayin ko na si Althea?"

"Please.." yan! yan ang hirap pag nag mamahal! Lumalambot,parang ang isang tigre nagiging pusa pag ang mahal na niya ang pinaguusapan

Kung kaya patayin ko na siya.. Sounds great. Kating kati narin itong kamay ko eh.

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon