CHAPTER 15

1K 28 0
                                    

Chapter 15
Francis Identity

Nagpunta kami ni Russel sa centro na tinatawag nila, nag lakad lang kami kaya eto kami ngayon nag papahinga sa gilid.

Pansin ko lang ah, sa tuwing may makikita akong street lights ay may napapansin akong parang simbolo, ang creepy talaga ng lugar na ito.

"Ice Cream!!" napatingin ako sa dumaan sa harap namin.

"Gusto mo?" tumango lang ako at ningitian siya."Manong dalawa nga po"

Pag katapos niyang bumili ay ibinigay na niya agad sa akin iyon, chocolate flavor yung akin samatalang yung sa kanya ay vanilla, alam na alam niya talaga yung paborito ko.

Habang nilalantakan ko yung ice cream ay nakikinig lang ako sa ikinekwento niya, nakatitig nga siya sa akin eh, I mean sa mga mata ko. Naku! Baka mauna pa akong malusaw kaysa sa ice cream ko dahil sa pag titig niya

"About sa panliligaw ko sayo, seryoso ako doon, sa totoo lang kaya kita inaya dito para sa first date natin, yung tayong dalawa lang" napatigil ako sa pag kagat sa ice cream dahil sa sinabi niya, inilapit niya pa yung mukha niya sa akin kaya napapikit nalang ako, don't get me wrong, hindi ako nag eexpect ng something, naduduling lang ako dahil sa ginagawa niya, saka duh! hindi rin ako makahinga noh"Tsk! You're expecting something huh?" may naramdaman akong nag punas sa may bibig ko kaya napamulat ako"Sabi ko na nga ba, may gusto ka sa akin" nag smirk pa siya, which is I find it hot! what? Did I just said?! waahh!! Nababaliw na ako.

"Tigilan mo nga yan Russel, nag mumukha kang manyak! yak!" tumayo na ako at sumunod naman siya.

"Wait lang!! " ayun tinakbuhan ko na siya, haha bahala siya sa buhay niya

***
XANDRIA VONIQUE CHUA

"Anong ibig sabihin ng sinasabi mo?" tanong ko kay Fier, nakahawak parin ako sa libro.

"Fallen Angels are all around, hindi mo alam kung sino-sino ang mga ito, sa totoo lang hindi rin niya alam ang tungkol sa katauhan niya, ang alam lang niya ay isa siyang normal na tao" mas lalo pa akong napakunot noo dahil sa sinabi niya, hindi pa niya alam? so it means pareha kami ng sitwasyon."I met him last night, I saw his eyes, malapit na siyang mamatay" nang hina ako sa sinabi niya.

"Don't joke around, hindi ka nakakatawa" naiinis na sabi ko,aba! baka niloloko lang niya ako."Ano ba talaga ang sikreto ng Aviana?—"

"I'm serious, he is dying and you are the deypse that destined to kill him, he is a prince of darkness and you shall not fall in love with him" hindi ako makahinga sa mga pinagsasabi niya, akala ko nalaman ko na lahat ng tungkol sa kanya pero hindi pa pala, may mas nakakatakot pa.

"No! I will help him to change"

"If there's a time, remember? time is running tick tock" nag smirk pa siya.

"Fier!! Don't leave me hanging—"

"I forgot! About sa sikreto ng Aviana? Ikaw mismo ang mag hahanap non, bye" tuluyan na siyang nawala, paano na? hindi ko naman hahayaang mamatay si Francis ng dahil sa akin, I love him so much and I can't take it if he will be one of the dark that is longing to kill me, what should I do? This is so complicated.

Napaupo ako at tumulo nalang ng kusa yung mga luha ko, I'm so helpless, I didn't know what to do, I have no power to defeat darkness, I have nothing but a ability to see unimaginable things and peoples emotions nor future.

Pumasok kami sa lugar na ito na ang alam lang namin ay makakapag enjoy kami pero hindi pala, sadyang nakatadhana na akong makapasok dito, na mapahamak ang mga kaibigan ko ng dahil sa akin, sa akin, this is all happening because of me, then now! what should I do?

Magpakamatay nalang kaya ako—No! Yan na ang pinakatangang naisip kong paraan, argh! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Mamamatay ka" napahawak ako sa ulo ko, yan na naman yung boses na nanggagaling sa pinakaloob ng lupa.

"Tama na!!!" nanatili lang akong nakapikit hanggang sa may naramdaman kong yumakap sa akin."Bitawan mo ako!! " Mamamatay ka..

"Vonique wake up!!" napamulat ako ng marinig ko yung boses niya"okay ka lang ba—" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita dahil agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit."Vonique?"

"Please...don't die...huwag mo akong iiwan" naramdaman ko yung pag haplos niya sa buhok ko.

"Hush! ano bang sinasabi mo? that will never gonna happen, hindi ako mamamatay" lumayo ako sa yakap at hinawakan naman niya yung pisnge ko sabay punas sa luha ko gamit ang thumb niya."Ano bang nangyari? Bakit ka nandito?"

"Ikaw? Paano ka nakapunta dito?" tanong ko at napailing naman siya

"I just saw it" totoo nga yung sinasabi ni Fier, isa siyang fallen angel, how come na ngayon ko lang nakita yung itim niyang pakpak, yeah, I saw it, it is invisible to the eyes of normal people but for me, makikita ko siya kung gugustuhin ko man, dapat ba niyang malaman?

"May dapat kang malaman" napapoker face siya, inilahad ko yung kamay ko pero tinabig lang niya.

"I already know it"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Sa totoo lang, sa una, gusto kitang patayin pero nanaig yung dugong deypse ko, mas pinili kita dahil nga mahal kita" sabi niya at napaiwas ng tingin, malamang, alam niya rin na nakikita ko ang emosyong ipinapakita niya, emosyong may halong pagmamahal, pag kaulila, pighati at takot..."Takot akong mawala ka at layuan mo ako kaya itinago ko ang lahat sayo"

"So sa una palang, alam mo na ang tungkol sa lugar na ito?" tumango siya, still hindi parin tumitingin sa akin"Look at me"

"Ayaw ko" napabuntong hininga ako.

"Please" buti nalang tumingin na siya sa akin"If I will gonna love you back, maipapangako mo bang hindi mo ako sasaktan?"

"S-seryoso ka ba sa sinasabi mo?" tumango lang ako"Do you love me?"

"I don't know..." nang hinayang siya sa sinabi ko"...but I will try"

***

AVIANA'S SECRET: Mystery of the Forbidden CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon