Chapter 40: Way To Move On

Start from the beginning
                                    

"You eat this burger na oh so that you'll move on. I don't want to see you that way pa naman." Kinuha niya ang burger at nilahad sa harap ko. Tamad kong itinukod ang kanang siko ko sa ibabaw ng lamesa at ipinatong doon ang baba ko. Sa tingin niya ba talaga ay makakamove on ako agad kapag kumain ako niyan. Masyadong nauuto ng commercial nito si Maggie.

"Let me clear things out, hindi ako naniniwala sa powers na meron ang burger na yan. I believe in free will instead. So, kung gugustuhin kong makamove on ay magagawa ko iyon but not now. Hindi ko pa kaya."

"Char! Ikaw na!" Bulalas niya at ibinaba na lamang sa tray ang burger. Isinubsob ko na lang ulit ang ulo ko sa ibabaw ng mesa.

Pinasama ako ni nanay sa pinsan kong alipin ng kaconyohan kasi gusto niyang pumasyal muna ako at wag magmokmok sa kwarto ko. Pero wala talaga ako sa mood e.

"Couz, eat ka na kahit little lang. We'll go and buy new clothes pa naman and of course we'll buy chuckie rin."

Inangat ko ulit ng bahagya ang mukha ko just enough to see her with my eyes tsaka pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Kahit isang box ng chuckie ang gusto ko?" I asked tempted by her offer. Ngiting tagumpay naman ang loka.

"I'll make it dalawa for you!" Masaya niyang tugon.

"Really? Make it three then." Panghahamon ko sa kanya.

"Na-ah. Don't push it."

Napabuntong-hininga ako at tumango na lamang.

"Okay fine."

☠️☠️☠️

"Couz naman, you're not happy parin after I make you bili all these?" Pagmamaktol ni Maggie nang mapansing nakasimangot parin ako.

Papalabas na kami ng mall at naglalakad na palapit sa kotse nila habang dala-dala ng driver nila ang pinamili namin. She really made her promise to buy me new clothes and stuffs pati narin yong dalawang box ng chuckie na hinihingi ko sa kanya at yakap-yakap ko ngayon yong isa. Nang matapos ko ng higupin ang laman ng maliit na lalagyan ng chuckie ay itinapon ko na iyon sa basurahan na malapit lang sa akin.

"Let's go home na nga lang. I'm gonna drop you at your place na."

Binuksan na niya ang pinto ng kotse sa backseat pero hindi pa tuluyang pumapasok dahil inaantay niya ako. Naglakad ako palapit sa kanya and extended my arms to hand her my box of chuckie.

"Take this home with you at yong iba pa. Pakiiwanan na lang sa amin. Thanks." Napasimagot naman siya sa utos ko.

"You're making me a yaya na ha." Nararamdaman kong gusto niyang magtampo sa akin bigla kaya bago pa mangyari yon ay inunahan ko na siya.

"Bisitahin mo narin si Tobbie sa kanila."

Her face lit up after hearing his name.

"Really? I should go na pala."

"Wait. Make sure to buy him and Tita Ellie boxes of pizza when you go there."

"Mga how many boxes ba you think he we'll like?"

"Dalawang boxes para sa kanya at isa para sa pamilya niya." Sigurado kong sagot sa kanya.

Mystic Club: The Paranormal DetectivesWhere stories live. Discover now