Naabutan kong hinihintay ako sa labas nina Nicole, Jessica, Jibbson at Francis. Napasimangot ako pagkakita sa kanilang apat.

"Oh anyare sa'yo?" Sabi ni Jess. Nakangiti. Binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ikaw! Bakit mo naman ako nirecommend? Alam mo namang wala akong kaexpe-experience sa mga beauty pageant na ganiyan. Baka pagtawanan lang ako doon." Naiiyak kong sabi.

Lumapit si Nicole sakin at hinagod ang likod ko ng paulit ulit. "Okay lang 'yan May. Irerecommend ka ba ni Jess kung hindi mo kaya? Ibig sabihin may potential ka. At tsaka alam naming makakaya mo 'yan. Ikaw pa ba?" Sambit ni Nicole.

"Oo nga naman, May. May tiwala ako sa'yo kaya alam kong kaya mo 'yan." Pagsulsol pa ni Jess.

"Tsaka nandito naman si Jibbson na partner mo. Hindi ka pababayaan nito." Sabi ni Francis na tinapik si Jibbson. Bakit siya hindi nagcomplain eh wala din naman siyang experience sa ganito.

"Okay lang yan, May. Kaya natin yan. Pumuyag kana." Sabi ni Jibbson. May magagawa pa ba ako? Hindi ako pinayagang magback out so wala na talaga akong pagpipilian kundi ang sumali.

"Sige. Pero walang sisihan kung anong kakalabasan ha." Napangiti silang apat. "Yes naman! Suportado namin kayo." Masayang sabi ni Jess.

"Dahil pumayag na si Venice punta na tayong canteen para kumain!" Nakataas ang kamay na sambit ni Nicole. Nagsipagtanguan kaming apat bago naglakad papuntang canteen. Kakain muna ako at isasantabi ang nerbiyos sa darating na pageant.

"Alam mo, May. Wag kang kabahan sa pageant. Rarampa ka lang naman doon eh. Walang question and answer 'yon pagalingan lang ng ngiti, rampa, introduction at dala ng damit ang labanan kaya alam kong yakang yaka mo 'yan." Sabi ni Nicole habang kumakain kaming lima dito sa canteen. Nilibre ako ni Jess ng spaghetti. Pampalubag loob daw niya sa parerekomenda sakin kay Ma'am Pelayo.

"Eh, mahina ako sa rampahan." Nakanguso kong sabi.

"Nako. Ako nga dati hindi marunong rumampa natuto lang ako dahil tinuruan ako kaya alam kong kaya mo yan, May. " Sabi ni Jessica.

"Sisiw iyon sa'yo. Ikaw pa." Sabi ni Jibbson. Napatingin ako sa kaniya. "Bakit ikaw parang hindi kinakabahan?" Taka kong tanong.

Nagkibit balikat siya. "Alam mo kasi Venice nakakapangit iyang mamroblema ng problema. Hayaan mong ang problema ang maroblema sayo. Kaya kung ako sayo wag mo nang problemahin yang pageant na yan. Kaya natin 'yan." Buti pa siya positibo.

"Gayahin mo si Jibbson, Venice! Positibong mag-isip. Dapat ganoon ka din. Wag kang nega." Usal ni Nicole. Napabuntong-hininga ako. "Okay." Seryoso kong sabi at nabuhayan ako ng loob sa kanila.

"Kaya 'yan. Mananalo tayo." Sabi ko.

"Yan ganiyan dapat!" Sabi ni Francis.

"Mananalo tayo!" Sabi ni Jibbson. At linagay niya ang kamay niya sa harap namin. Pinatong ko ang kamay ko doon. Ganoon din ang ginawa ng tatlo.

"Mananalo tayo!" Sabay naming sabing lima. One for all, all for one. Bigla akong nagkalakas ng loob para bang bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko. Nagpasalamat ako dahil sa suporta ng apat sakin. Grabe nakakataba ng puso.

"Pa," sabi ko kay papa kinagabihan. Gusto kong malaman niya na sasali ako sa pageant.

"Bakit?" Tanong niya habang nanunuod ng balita. Lumapit ako kay Papa. "Pa, sinali ako ng adviser ko sa pageant para sa intramurals." Sabi ko na ikinalingon sakin ni Papa.

"Pumayag ka?" Tanong niya. Napakamot ako ng aking ulo. "Wala na akong nagawa eh. Ayoko ko sana kaso pinilit ako ng mga kaklase ko at hindi niya na ako pinayagang magback-out." Sabi ko.

Napatango si Papa. "Kaya mo ba?"

Napangiwi ako. "Kakayanin ko po."

Pinat niya ako sa ulo. "Kaya mo 'yan. Ang mama mo nga dati sumali din sa ganiyan." Sabi ni Papa.

"Talaga po?" Hindi ko alam na sumasali si Mama sa pageant dati.

Natawa si Papa habang nag-iisip. "Natatandaan ko pang nadulas siya ng rumampa siya sa stage nang unang beses siyang sumali ng pageant. Sobrang kinabahan kasi siya." Sabi ni Papa habang inaalala ang nangyari dati. Hindi maialis yung ngiti sa kaniyang labi habang iniisip iyon.

"Mahal n'yo po talaga si Mama Papa, noh?" Sabi ko na kinalingon niya sakin.

"Aba siyempre naman. Magkakaroon ba kami ng isang anghel na Venice kung hindi." Kinurot ni Papa yung pisngi ko.

"Aray!" Sabi ko sabay hawi sa kamay ni Papa. Ang sakit niyang kumurot. "Kaya ikaw galingan mo. Kaya mo 'yan." Nakangiting sabi ni Papa.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you Pa!" Naiiyak kong sabi. Napakasuportado niya talaga sakin.

Natawa siya at yinakap din ako pabalik.

~×~

Itutuloy...

Hoo! Anong tingin nyo sa mga sinabi ni Jared? Seryoso na ba talaga siya?

Anyways, yung pageant na matagal nyo nang inaantay. Next chapter siya. Hindi ko pa nasisimulan kasi wala pang tabulator. Any volunteer?? Hano daw?! Hahaha^^

MariaAyagil💕

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now