"Alam mo Matt masama ang masyadong judgmental."

"Hindi yon pagjujudge. Im just stating the fact." Giit niya.

"Okay." Sabi ko bago siya linampasan. Ayokong makipagtalo sa kaniya. Ang gusto kong gawin ngayon ay ang maligo. "Bagay kayong dalawa. Pareho kayong pangit." Sabi niya pa bago tumakbo papasok ng apartment nila

Napailing ako. "Anong problema ng batang iyon?" Sambit ko saking sarili na ikinakibit balikat ko lang.

Kinabukasan, tinanghali ako ng gising kaya nalate ako ng bongga sa school. Halos lampas kalahating minuto na akong late. 

"Hindi na ulit kita tatanggapin kapag nalate ka pa Ms. Martinez." Anang Math teacher namin.

"Yes, Ma'am sorry po." Nakatungo kong sabi. Kakahiya. Nasa middle pa ata sila ng seryosong usapan tapos ako itong agaw eksena ang dating.

"You may take your seat now." Nakayuko akong pumasok ng room at umupo saking upuan na katabi lang ni Nicole.

"Okay let's continue. Sino sa tingin n'yo ang pwede nating ilaban? Any suggestion?" Tanong ni Ma'am Pelayo. Bagong advisory teacher dahil nagleave si Sir Hans. Sobrang bait niya. Swear! Sana lahat ng teacher katulad niya.

"Anong meron? Tungkol saan ang pinag-uusapan n'yo?" Taka kong tanong kay Nicole.

"Naghahanap si Ma'am ng muse para ipanglaban sa intramurals next week." Bulong na sagot ni Nicole. Napatango ako.

"Yes Miss Jessica," napatingin ako kay Jess nung magtaas siya ng kamay. Siguro irereto niya si Nicole. Dati na kasing sumali yang si Jess sa intramural at naging first runner up siya.

"Irerecommed ko po si..." napatingin si Jess kay Nicole. Sabi na nga ba, eh. Kung ako din tatanungin kay Nicole din ako pabor.

"Venice Martinez po, Ma'am."

Huh!!?

Ano daw?!

Ako?!

Bakit ako!?

Ngumiti sakin si Jess. "Ako din Ma'am pabor kay Venice!" Sabi ni Nicole. "Tapos si Jibbson ang escort!" Sabi ni Francis na sinangayunan din ng mga kaklase ko.

"Okay, so si Venice na ang ating ilalaban at si Jibbson. Any violent reaction?"

"Maam, ayoko--" hinawakan ako sa bibig ni nicole. "Ma'am, okay na okay daw po kay Venice. 100% sure na daw siya ang lalaban." Sabi ni Nicole na ikinangiti ni Maam. AnoBai?!

"Okay. So, see you tomorrow class." Sabi ni Ma'am bago tuluyang umalis bago palang ako binitiwan ni Nicole.

Napatulala ako at hindi makapaniwala.

Bakit kasi ako??!!!

WALA na talaga akong nagawa. Ako na talaga ang lalaban. Bantulot akong lumabas ng office ni Ma'am Pelayo matapos ko siyang makausap. Akala ko papayagan niya akong magback out pero hindi siya pumayag na hindi ako ang lalaban sa Instramurals.

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now