H Y U N G - 29

1.2K 74 92
                                    

hyung - twenty nine -

Nakatulala lang ako habang iniisip pa rin yung lahat ng sinabi sakin ni jimin hyung. Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi ko pa rin yung makalimutan. Bukod sa sobrang kinilig ako ay naguluhan din ako sa kung anong ibig nyang sabihin.

"Mahal kita eunmi, noon pa."

Noon? Matagal nya na akong mahal? Eh?

"Mahal kita eunmi, noon pa."

Napapikit nalang ulit ako dahil paulit ulit ko talagang naalala yung mga salitang yan. Ewan ko ba. Laging pumapasok sa isip ko eh.

"Saeng."

"Ay mahal kita."

Nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot nya. Napahawak ako sa may bandang puso ko habang nakatingin sa kanya. Bigla bigla nalang akong tatawagin eh.

"Mahal mo 'ko? Talaga ba?" Nakangising sabi nya tsaka nilapit yung mukha nya sakin.

Tinulak ko lang sya ng marahan. "Nagulat lang naman ako. Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya tsaka umayos ng upo.

Nandito kasi sya sa tabi ko ngayon. Kakatapos lang ng photoshoot namin. Hindi ko nga alam kung bakit nandito na naman to eh. Hindi naman sya yung kasama sa pictorial haha.

"Dapat pala lagi nalang kitang gulatin para lagi mo ring masabing mahal mo ako." Hirit nya pa.

Napatawa lang ako ng marahan dahil sa kalokohan nya. Kung ano ano talagang sinasabi nito.

"Yoongi oppa talaga. Haha, ano pala yan? Yung nasulat mong lyrics?" Tanong ko sa kanya tsaka tinuro yung papel na hawak nya. Tumango naman sya at iniabot nya iyon sakin.

Kinuha ko iyon at binasa. May ilang bura dahil siguro pinalitan ng ibang word. Habang binabasa ko ay tumatagos sa puso ko. Ibang klase ang pinanghugutan dito ni oppa.

Tungkol ito sa isang babaeng minamahal ng lubos pero may ibang mahal yung babaeng yun. Ramdam na ramdam ko talaga yung lungkot eh. Pero sobrang ganda ng lyrics na yun. Alam kong maraming makakarelate.

"Ayos ba?" Tanong nya sakin.

"Oppa, bakit ang galing galing mo?" Tanong ko nalang sa kanya. Wala talaga akong masabi eh.

Marahan lang syang napatawa. "Hindi naman, sadyang meron lang akong inspirasyon." Sabi nya sabay kindat pa.

Napailing na lamang ako at napatawa din. Binalik ko na sa kanya yung papel na yun. Tinignan nya din iyon tapos bumalik din yung tingin nya sakin.

"Mas gaganda 'to kung may kakanta na." Sabi nya naman.

Tumango naman ako bilang pagsasang-ayon. Tama naman kasi si oppa eh. Mas mabibigyan ng buhay yung sinulat nyang kanta kung may kakanta nito.

"Gusto kong ikaw ang kumanta nito."

"Ha?"

"Ikaw ang kakanta nito, ikaw lang ang gusto kong kumanta ng kantang pinaghirapan ko."

Literal na napanganga ako sa sinabi ni oppa. Hindi ako makasalita. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Natauhan ako dahil sa biglang paggulo ni oppa sa buhok ko.

"Oppa, hindi nga? Weh? Talaga ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ni minsan hindi ko inimagine na magsusulat ang isang Min Yoongi ng isang kanta na ako ang magiging singer. Ang hirap paniwalaan nun! Isipin nyo ah, sobrang sikat na ni Oppa tapos maraming may gusto sa mga compositions nya, may mas deserving pa na kumanta ng kantang yun pero bakit ako?

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon