H Y U N G - 5

2K 131 65
                                    

Hyung - five -

"Lumabas ka na nga jan, V hyung! Halatang halatang nandyan ka eh" - sabi ko kaya nakarinig ako ng footsteps na papalapit na sakin.

Umupo sya sa tabi ko. "Bakit ka kasi nagdradrama, EunMi-ssi?" - tanong nya tapos tumingin pa sakin.

"kasi magkakajams na si hyung huhuhuhu" - sabi ko kaya binatukan nya naman ako.

"Aray ko naman bwi!" - sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Mas matanda ako sayo, Kaya oppa itawag mo sakin!" - sabi nya pero ngumiti lang ako nang nakakaloko.

"ayoko nga! isang linggo lang naman pagitan natin eh!" - sabi ko pero pinitik nya yung ilong ko.

"pero mas matanda pa rin naman ako." - sabi nya naman kaya napatawa ako.

"Oo na, hyung" - sabi ko at kaya tumingin ulit sya sakin.

"Oppa sabi eh" - maktol nya naman kaya napatawa ulit ako.

"kasi naman hyung, alam mo naman ang dahilan kung bat sanay akong tinatawag kayong Hyung diba?" - sabi ko naman kaya napatango sya.

Sya kasi yung 'pinakaclose' ko sa bangtan, bukod sa parehas kaming alien ay marami rin kaming similarities tsaka magaan talaga ang loob ko sa kanya.

Sya din ang nakakaalam ng mga tinatago kong secrets, isa na dun ang dahilan kung bakit sanay akong tawagin silang 'hyung' at 'noona' at kung bakit medyo 'boyish' ako noon.

"Pero bakit si Yoongi- hyung, tinatawag mong oppa? Madaya!" - sabi nya at nagpout pa. Ang cute cute.

"Kasi gusto nya?" - sabi ko naman kaya mas lalo syang nagpout.

"Eh bat ako? Gusto ko din naman ah? Madaya ka talaga! May favoritism!"- sabi nya at nagcrossed arms pa kaya napatawa ako at inakbayan sya.

"mas gusto kong tawagin kang Hyung 'no! kaya huwag ka nang magtampo, mas mahal kita dun!" - sabi ko naman sa kanya.

Bilang kaibigan lang, wag kayong ano. Hehe.

Umakbay din sya sakin. "mabuti yun" - sabi nya at ngumiti.

Napangiti nalang din ako tsaka tumayo na. Malapit na rin kasing mag'gabi.

"Lakad lakad muna tayo?" - alok nya kaya tumango ako. Tumayo na ako tsaka tumayo ba rin sya then may kinuha sya sa may bulsa nya.

"Facemask?" - tanong ko. Imbis na sagutin nya ay sinambit nya na yun sa tenga ko.

"para safe haha. Tara" - sabi nya tsaka naglakad na kami. Inilagay nya na rin yung facemask nya.

"Angas mo dun sa MV teaser nyo ah" - sabi nya kaya napatigil naman ako.

"bwo? nakita mo na?" - tanong ko sa kanya, halatang ngumiti sya dahil naningkit ang mata nya.

"yep. pati teaser photos nyo, angas mo rin dun. mukha kang lalaki" - sabi nya naman kaya pinalo ko yung braso nya.

"yah! ang ganda ko kaya dun" - sabi ko naman pero tumawa lang sya.

"gwapo mo dun, aba!" - pinalo ko ulit sya sinabi nya yun.

"hyung, ang ganda na ng make up ko dun tapos tingin mo pa rin sa kin lalaki? Ibang klase!" - sabi ko naman at nauna nang maglakad.

Sinundan nya naman ako tsaka inakbayan tapos ginulo yung buhok ko. "joke lang naman HAHA. Nagbago ka na talaga, dati kapag sinasabihan kitang 'gwapo' tuwang tuwa ka eh" - sabi nya.

"past is past, hyung" - sabi ko naman tsaka inalis yung akbay nya. Ang bigat nya eh.

Napatigil ako sa paglalakad nang bigla syang humarang sa may harap ko. "Wae?" - nagtatakanh tanong ko sa kanya.

"wag mong sabihing, inlove ka na? Or may nagugustuhan ka na kaya ka nagpapaganda?" - tanong nya kaya napatawa ako tapos sinuntok ng marahan yung tyan nya.

"baliw! kailangan yun kasi magiging idol na ako! alangan namang pangit or boyish ako diba? magisip ka nga" - sabi ko naman.

Tumango naman sya. "mabuti yun, bawal ka pa sa love love na yan ah" - sabi nya tsaka pinitik ilong ko.

Trip talaga nitong pitikin ilong ko jusq. Hindi naman to malaki kagaya nung kay jungkook ah?

"hindi yun nakakain, hyung haha. teka nga, tatay ba kita para pagsabihan mo ako nyan? " - sambit ko naman at nagpatuloy na sa paglalakad.

"hindi, kasi ayokong masaktan ka" - sabi nya naman kaya napatigil ulit ako tapos tumingin sa kanya.

"don't worreh hyung! magfofocus muna ako sa career ko bago yang lab lab na yan haha" - sabi ko namna kaya nakita ko na naman ang pagsingkit ng mata nya.

"good!" - sabi nya.

Napangiti nalang din ako tapos naglakad lakad na ulit kami.

Naisipan na muna naming umupo dun sa may gilid kasi nakakapagod din. Nang bigla akong may naalala.

"hmm, hyung... yung nililigawan mo ba. sinagot ka na?" - tanong ko sa kanya.

Kami lang ata ng bangtan ang nakaka'alam sa isyu na 'to eh. May nililigawan si Hyung, pero palihim lang kasi ayaw nyang kumalat ang issue tsaka baka saktan din yung babae.

"ah yun haha. wala, nireject ako. Tsaka ginamit lang daw ako haha" - sabi nya naman kaya napatigil ako.

"hala hyung? di nga?! Ang swerte nga nya kasi nililigawan sya ng isang KIM TAEHYUNG. Tapos may  gana pa syang ireject ka ha? sino ba yan ah? Gusto no resbakan ko n--" - sabi ko ngunit napatahimik ako dahil nagsalita sya.

"si gayoung. Park Gayoung" - sabi nya tapos ngumiti din pero ibang ibang yun sa ngiti nya kanina.

"hyung naman! bakit hindi mo sinabing si Gayoung pala nililigawan mo ah? Bakit sa dami ng babae-- si Gayoung pa?" - tanong ko kaya napailing sya.

"hindi ko din alam. hindi ako nakinig sa bangtan, hindi ako nakinig na sasaktan nya lang ako. Kaya eto, nasaktan talaga" - sabi ni hyung tapos kitang kita ko ang pagkalungkot nya talaga.

Hindi ko alam kung bakit lumapit ako sa kanya tsaka niyakap sya. Gustong gusto kong resbakan yung Gayoung na yun pero alam kong ito lang ang kayang gawin ko para mabawasan yung sakit na nararamdaman ni Hyung.

Ramdam ko na rin ang luhang tumutulo sa damit ko.

Ang swerte mo Gayoung, iniiyakan ka ng isang lalaki. At ang matindi, si Kim taehyung pa.

"hyung, h-huwag ka ng umiyak. Wag mong sayangin luha mo sa maling tao" - sabi ko naman tsaka tinapik tapik yung likod nya.

Naisipan ko na rin na kumalas sa yakap pero napatigil ako ng may makita akong isang tao na nasa harap namin ngayon.

"sorry kung naistorbo ko kayo pero hinahanap na kayo, lalo ka na Lee EunMi" - sabi nya kaya napalunok naman ako.

"jimin hyung.." - mahinang sambit ko nang makita ko ng lubusan kung sino ang taong yun

-----------

hyung || jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon