H Y U N G - 21

1.5K 103 65
                                    

hyung - twenty one -

Nakatingin lang ako ng masama kay gayoung. Bakit nya ginawa to?! Anong ginawa nya para mapapayag si Pdnim na idagdag sa group namin?

"P-pd n-nim, nagbibiro ka lang d-diba? w-wala...Walang idadagdag d-diba?" Nauutal na sambit ko tsaka tumingin kay pdnim, hinihintay na bawiin ang sinabi nya kanina.

Tumawa naman si pdnim atsaka inayos ang salamin nya. "Mukha ba akong nagloloko, eunmi?" Tanong nya.

Umiling naman ako at tumingin muli kay gayoung na nakangiti na nakakaloko. Napakagat nalang ako sa lower lip ko atsaka nagsimula ng maglakad palabas. Bago ako tuluyang lumabas ay nagbow muna ako kay pdnim para magbigay galang.

Tuluyan na akong Naglakad na ako palabas. Padabog akong lumabas ng building.

Hindi ko alam kung bakit sobrang nagagalit ako ngayon. Aish. Bakit kasi yung babaeng yun pa?! Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko sya.

Pagkalabas ko ng building ay agad akong umupo dun at binato yung batong napulot ko.

Napatigil naman ako dahil sa biglang paglagay sa leeg ko ng malamig na can.

"Aish! Taehyung naman eh!" Sigaw ko sa kanya kaya naman sinamaan nya ako ng tingin tsaka pinitik yung noo ko.

Napahawak ako sa noo ko dah sa sakit at sinamaan din sya ng tingin.

"Bat wala ka na namang galang?" Sabi nya tsaka binuksan yung softdrinks na dala nya. Binigay nya sakin yung isa at tumingin sakin dahil hinihintay nya yung sagot ko.

"Si gayoung..." sambit ko tsaka tumingin sa kanya para malaman kung ano ang reaksyon nya.

Hindi naman nagbago ang expression nya pero alam kong nagulat sya ng banggitin ko ang pangalang iyon.

"Anong meron sa kanya?" Tanong nya at ininom yung softdrink.

"Dinagdag sya sa sparkles, hyung" mahina kong sambit.

Naibuga nya naman yung ininom nya tsaka tumingin sakin. Nanlaki din ang mata nya. "Mwo?!" Di nya makapaniwalang tanong.

"Nagulat ka rin diba? Biglaan kasi. Hays, hindi ko alam kung anong naisip ni PdNim kung bakit nya dinagdag si Gayoung sa sparkles eh! Aish." Naiiritang sambit ko.

Sp5rkles nga diba? ano na ang mangyayari sa 5 kung anim na kami diba?

Bigla namang tumahimik si taehyung kaya pinagmasdan ko sya. Nakatulala lang sya dun sa bato na naibato ko kanina. Sa nakikita ko ngayon ay affected pa nga talaga sya— tama nga ang sabi ni gayoung, hindi pa sya nakakamove on.

Inakbayan ko si hyung tsaka ngumiti para mapagaan ng konti yung loob nya.

"Don't worry hyung. Hindi ko na hahayaang saktan ka pa ng babaeng yun! Tsk, subukan nya lang ulit na kaawaan ka. Masusuntok ko talaga yun" sambit ko.

Tumawa naman si hyung tsaka ginulo yung buhok ko. "Wag ka ding mag-alala kasi hindi ko din hahayaang saktan ka nya." Sambit nya at ngumiti— this time, hindi na fake.

Pagkatapos naming magkwentuhan tungkol dun ay tumayo na kami para pumasok muli ng building. Ngunit papasok pa lamang sana kami ay nakita ko si yoongi oppa na nakatingin saming dalawa.

hyung || jiminWhere stories live. Discover now