“Di ako papasok sa next subject. Sabihin niyo nilalagnat ako.” Sabi ko then I rest my head on the arm chair. Yes, I don’t feel like so productive this day. Nakakainis.

“Osige. Ikaw bahala. Alis na kami. Text mo kami kung nasan ka ah?” Being the concerned Erin, she said.

But before I could give them my nod, I suddenly felt a hand on my wrist. The next thing I knew, Luhan’s dragging me out of nowhere.

“Hey, san tayo pupunta?” Tanong ko sakanya habang hawak niya padin ako. Di ko alam saan kami pupunta, basta, nagpatianod nalang ako.

Imbes na sagutin niya ako eh tinignan niya lang ako. Pinagtitinginan na naman nila kami. Siguro mamaya hot item na naman kami ni Luhan niyan.

He was not talking to me nor looking to me, basta nalang niya ako hinihila. Napatingin ako sa kamay niya, napansin kong may maliit na tattoo pala siya.

Sa pagtakbo naming dalawa, nakarating kami sa rooftop ng isang building dito sa school. He continued dragging me tapos bigla niya nalang akong sinandal sa pader dito sa rooftop. Nagulat ako sa ginawa niya, pero mas nagulat ako nung nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Yung dalawang kamay niya nasa magkabilang side ko.

Ilang inch nalang yung layo niya sa mukha ko.. Yung tipong, hahalikan na niya ako? Kaya, pumikit ako. Mariin. Hinihintay ko ang pagdampi ng labi nyia sa labi ko.

Medyo nangangalay na ko. Ang tagal kasing lumapat ng labi niya sakin pero ayos lang, sabi nga nila, patience is a virtue. So, Frangeline, you wait.

Pero hindi eh, nangangalay na talaga ako bakit kasi ang tag—

*BOOG*

Napadilat ako nung narinig ko ang yabag na yon. Napatingin ako kay Luhan.. sinuntok niya yung pader! Napansin kong nanginginig siya.

“L-luhan…”

 

“Tngna! Sino ka?” Sigaw niya sakin. Natakot ako bigla. I can see in his eyes, he’s furious. Very furious.

Pero shems! Akala ko bang alam na niya pangalan ko? Bakit itatanong niya kung sino ako?

Napitlag ako nung sinuntok niya ulit yung pader, this time, his hand bleeds.

“Tngna Franj! Sino ka ba ha? Wag mo kong idaan sa titig mong yan! Sagutin mo nga ako. Bakit di kita matanggal sa isip ko? Bakit lagi kitang naiisip? Hah? Franj sumagot ka! Anong ginawa mo sakin?” he shouted at me in frustration.

Anong ginawa ko sa kanya? Ano, frustrate na ba siya dahil sakin? Teka, siya lang ba naffrustrate saming dalawa?

Tinitigan ko siya, yes he’s still furious at any time masusuntok na niya ako.

365 Days with EXOWhere stories live. Discover now