Special Chapter

17.5K 555 202
                                    

"Hey."

Napaayos ako ng tayo noong makita ko itong nasa tabi ko na. Paano ito napunta rito? Kunot-noo ko itong pinagmasdan samantala siya nakangiti lamang saakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" usisa niya sabay hila sa akin palapit sa kanya. He hugged me on back and I was a bit surprised by his sudden move kaya naman ay bahagya akong lumayo sa kanya at hinarap siya.

"Paano ka napunta rito?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Seryoso, hindi ko ito napansin o naramdaman man lang. He just chuckled and caressed my face.

"Am I not allowed to be here? Huh? Mahal kong reyna," sambit niya habang nakangiti parin saakin.

"Stop smiling, Timoth,." wika ko sabay irap sa kanya. Sa pagkakataong ito ay natawa na siya sa akin at muling niyakap ako.

"Kanina pa ako narito, Shanaya. Sadyang malalim lang ang iniisip mo at hindi mo ako napansin agad," he said as he hugged me tighter.

"Really?" tanong ko rito. Naramdaman kong tumango ito noong inilagay niya ang baba niya sa aking braso at mas lalong hinigpitan ang yakap niya. Lihim ako napangiti sa inaasal niya.

Madalas maparito si Timothy sa Xiernia. Simula noong natapos ang kaguluhang naganap, bumalik sila sa Lynus upang magpagaling mula sa mga natamong pinsala sa katawan. And after a week, bumalik sila dito sa Xiernia. I was on my bed rest that time. I was totally injured but with the help of the power I've gained, mas napadali ang pagpapagaling ko. I even went to Lynus to ask their approval to let  Timothy and his friends to visit our kingdom, Xiernia. Kaya naman malayang nakakapunta si Timothy dito saamin, tulad na lang ngayon.

"Mind telling me what's on your mind, Shanaya?" he asked.

"Just some random things," I answered. "Like?" tanong na naman nito. Gusto kong matawa sa kakulitin niya. Hindi talaga siya titigil hangga't di niya nakukuha ang nais niya.

"Paano kaya kong hindi ka napadpad dito sa mundo namin," panimula ko rito. "Siguro kasal na kayo ni Nathalie sa mga oras na to," bigla akong natawa sa sariling sinabi. Totoo naman iyon. Timothy and Nathalie were once engaged with each other!

"Not funny, Shanaya."

"What?" tumawa muli ako. "It was just what if, Timothy. Wag masyadong seryoso."

Nanahimik ito sa akin likod. I smiled to myself. I really love it everytime na napapatahimik ko siya. Like I won something against him. Napailing nalang ako.

"Kung hindi man ako napadpad dito noon, hahanapin parin kita."

Nawala ang ngiti sa labi ko noong magsalita ito.

"I don't love, Nathalie. Hindi rin naman ako magpapakasal sa kanya. She's like my little sister to me. That's all," he paused and sighed. "Noon pa man ay alam ko ng may kulang sa akin. Na dapat hanapin ko ang kulang saakin. At ikaw iyon. Napadpad ako dito sa Xiernia dahil iyon ang nakatadhanang mangyari."

"Really? Tadhana talaga?" komento ko sa mga pinagsasabi niya. Minsan talaga may pagkamadaldal din ang isang to.

"I'm being serious here, my Queen," hinigpitan pa niya lalo ang yakap niya saakin. Umiling na lang ako at humingi ng paumanhin sa kanya dahil sa pagsingit ko sa pagsasalita niya.

"Shanaya," he called my name.

"Hmmm?"

"I'm happy right now." he bluntly said.

"Ako rin naman, Timothy."

"Thank you," sambit niya na siya ikinatigil ko. Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at iniharap ako sa kanya.

"Thank you for coming to my life, Shanaya," wika niya na siyang ikinangiti kong muli.

"You came, Timothy. Not me," pabiro kong sambit at noong tatawa na sana ako ay natigilan ako noong biglang lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko.

He kissed me.

"Puro ka kalokohan," komento nito noong pakawalan niya ang labi ko. "You're being naughty again, my Queen."

"Am I?" I asked him and he nodded. "I'm sorry," I said as I hug him.

"For what?" he asked as he hugged me too.

"For the pain I've caused you, Timothy," sagot ko dito. Marami akong narinig tungkol sa kung anong nangyari saakin pagkatapos ng kaguluhan noon. Timothy was devastated on what happened to me. May pagkakataon pa ngang sinisisi pa daw niya ang sarili niya dahil iniwan niya ako sa silid noon. Na dapat ay di niya ako iniwan at sinamahan niya ako till the end of our battle.

"Will you promise me one thing, Shanaya?" Timothy asked as he releases me from his hug. Mataman niya akong tiningnan sa aking mga mata. Tumango ako rito at ngumiti. I'm not good at keeping my promises. Pero para kay Timothy, gagawin ko ang kung anong pangako ang nais niyang ipagawa saakin.

"Promise me na kahit anong mangyari, na kahit nasa malayo ako at wala sa tabi mo, lagi mong iisipin na I'm always here for you. Na dapat sa lahat ng pagkakataon ay kasama mo ako sa bawat laban na kahaharapin mo. Afterall, I'm your companion, your partner."

Kagat-labi ko itong pinagmasdan. Seryosong-seryoso ito habang binibigkas ang bawat katagang binitawan. Tumango ako rito at ipinulupot ang dalawang kamay sa kanyang leeg.

"Yes. I promise, Timothy." I whispered as I kissed him.

Shanaya: Queen of the FairiesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ