Chapter 4: Awake

11.9K 486 29
                                    

Pinagmasdan kong mabuti ang kalagayan ng dayong sinasabi nilang taga Tereshle.

Sugatan nga ito at walang malay. Ang sabi pa nga ni Lady Lou, na siya ding tagapamahala ng Sacred Temple dito sa Xiernia, ay isang milagro pa nga na humihinga pa ito. Bugbog ang buong katawan nito at halos wala na itong buhay noong matagpuan nila ito sa may lagusan.

I looked intently at him.

What happened to this guy? Kung tama ang tantya ko ay mukhang mas matanda la ito saakin ng ilang taon. He's on his twenties, I guess.

"Kailan kaya siya magigising?" I asked while still looking at him.

Naramdaman kong lumapit saakin si Ara sa gawi ko. Ngayon nasa tabi ko na ito.

"Who knows?" she aswered. "Sa kalagayan niyang iyan? Mukhang matatagalan pang bumalik ang buong lakas niya. He was beaten up so badly."

"Hihintayin pa ba nating magising siya bago simulan ang imbestigasyon?" tanong ko habang hindi nilulubayan ng tingin ang walang malay na lalaki. Naawa ako sa kanya. I need to help him right now. Pero alam kong di maaari iyon. I can't use my healing power to him.

"No."

Napatingin ako kay Simon noong magsalita ito. Himala at nagsalita ito! Kanina pa kasi siya tahimik. Simula noong dumating kami dito sa Sacred Temple ay hindi ito nagsalita. He remain silent. And cold.

"Gagawin natin ngayon ang imbestigasyon para matapos ito agad," ani Simon.

"But this man," Ara said tas tinuro yung lalaki. "will be a greater help kung makakausap natin siya."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ara. She's right. Afterall, itong lalaki naman talaga ang sentro ng imbestigasyon.

"With or without him, we'll do the investigation," Simon said with finality then walk out the room.

Napanganga ako sa inasal niya.

"What's wrong with him?" Ara whispered.

I looked at Simon's back. Kanina ko pa rin napapansing wala talaga ito sa mood. Nilingon ko si Ara. "You think ayaw niya sa pinag-uutos ng reyna?" I asked.

"That's insane. The Queen's word is our rule." Sagot ni Ara. "Maybe he just woke up on the wrong side of his bed," biro pa nito. She's right. Baka wala lang talaga sa mood si Simon ngayon. Bahala nga siya!

Napailing nalang ako at nagsimulang lumabas. We need to start the investigation, just like what Simon wants. Nakasunod lang si Ara saakin habang palabas na kami ng temple.

Maya-maya pa ay natigil ako sa paglalakad dahil nakaramdam ako ng konting sakit saaking braso. Damn it! Mukhang nakalimutan kong may mga pasa pala ako dahil sa training namin kahapon.

"What's wrong?" Ara asked. Umiling lang ako at ngumiti sa kanya. I took a deep breathe and continue walking. Ininda ko ang sakit ng aking katawan. Maybe after the investigation, I'll reward myself enough rest!

Pagkalabas namin ng Sacred Temple ay naghihintay na saamin si Simon at anim na mga kawal. Napakunot ang noo ko dahil sa nakikita ko. What is this? I thought tatlo lang kami? No guards!

"Lorenzo wanted them to join with us," Simon said. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na magtanong! Seryoso parin ang pustura nito. What the hell is wrong with this guy?

Naramdaman kong lumapit si Ara saakin at may ibinulong.

"Wag mong sabayan. Mainit ulo niyan," she whispered. "Let the guards tagged along with us."

And that's it.

Wala na akong nagawa. Tanging tango nalang ang naging sagot ko dito.

"Dito po mahal na princesa," Ani ng isa sa mga kawal na kasama namin. "Dito po nakita yung dayong duguan at halos wala nang buhay."

Inilibot ko ang aking paningin. Nasa malapit kami lagusan. Lagusan patungo sa labas ng mundo namin. Ang Tereshle.

"Wala ba kayong napansing kakaiba? Maliban sa kanya? Wala ba kayong nakitang ibang tao?" Ara asked.

Yun din ang kanina pang gumagambala sa akin. What if may kasamang iba ang lalaking ito? What if kung hindi lang siya ang narito at ngayon ay nasa ibang parte na nang Xiernia? That would be a trouble for us! Dahil kung mayroon man, dapat ay makita at mahanap na namin iyon. Sa lalong madaling panahon.

"Have you searched the whole area?" tanong ni Simon sa mga kawal na kasama namin.

"Opo. Nagsimula na rin kaming maglibot sa sentro ng Xiernia. Maging mga kagubatan ay nagtalaga na rin kami ng maglilibot," sagot noong isa.

Napatango nalang ako. Lorenzo and his skills with this matter. Hindi ko pa nga naiuutos ang mga iyon ay nagawa na pala ng mga tauhan niya.

Nagsimula akong maglakad patungo sa gawing kanan ko.

Nabobothered talaga ako sa sitwasyon na meron kami ngayon. Mula noong magkaisip ako ay ngayon lamang nagkaroon ng ganito, may dayo. I looked at the crystal blue portal and the boundary between Xiernia and Tereshle. What is it now? Anong meron ngayon? Bakit?

Natapos ang buong araw na yun ang laman ng isip. At noong sumapit na ang gabi ay napagdesisyonan kong puntahan ang dayo ng aming kaharian. Tanging mga kawal at tagabantay ko lang ang aking kasama ngayon. Nagtungo si Ara sa kanyang ama na si Lorenzo samantalang si Simon naman ay nagpaalam saakin na magtutungo muna siya sa sentro.

"Goodevening, Princess." Bati ni Lady Lou saakin pagkapasok ko sa Sacred Temple. "What brought you here? Gabi na ah." Tanong pa nito sabay tingin sa mga kasama kong kawal. "And where's Simon? Ba't hindi mo siya kasama ngayon?"

Ngumiti ako sa sunod-sunod na tanong ni Lady Lou. Sanay kasi itong makita kaming magkasama kami ni Simon. We're childhood friends, afterall. And Lady Lou consider us as her children, too.

"Nagpaalam siya saakin. May aasikasuhin daw po siya sa sentro," sagot ko dito. "And I'm here to visit our visitor," I smiled.

Nagsimula na kaming maglakad ni Lady Lou patungo sa silid ng dayo. Nasa likuran lamang namin ang mga tagabantay ko.

"After all the chaos that man brings, you consider him still our visitor, " nakangiting ani ni Lady Lou. "I've heard what you've done and said to the ministers earlier, Princess. And I must say, you've done the best decision for him."

Pagkarating namin sa silid ay si Lady Lou na ang nagbukas ng pinto para saakin. She motioned me to enter the room kaya naman ay pumasok na ako. Pagkapasok ko ay isinara na niya agad ito. Tanging ako lamang ang nasa silid. Mukhang nais ni Lady Lou na mapag-isa ako kasama ng dayo rito sa silid.

Nilingon ako ang wala paring malay na lalaki.

"What happened to you?" I whispered to myself. "It looks like you've suffered alot of pain."

Naglakad ako palapit sa kanya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya.

He's pale. He looks like a dead one.

Akmang tatalikuran ko na siya noong mahagip ng paningin ko ang daliri niya. Bahagya akong lumapit sa kanyang muli para kumpirmahin ang nakita. It took me a few seconds para makita itong muli.

Gumalaw ang kanyang mga daliri!

I stay still at naghintay ng susunod na mangyayari. He moved his fingers again. And again. And minutes later, he slowly open his eyes.

He's awake!

Shanaya: Queen of the FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon