Chapter 38: Suffer

7.7K 333 8
                                    

"Damn you!"

Nanghihinang mura ko kay Sandrus habang pumipiglas sa sakal niya sa leeg ko. Kanina habang nagpapalitan kami ng atake ay bigla akong nanghina at halos mawalan nang malay. Kumirot rin ang sugat na natamo ko kay Bernie kanina kaya lalo akong nanghina. I knew it! May kung anong epekto ng sugat na natamo ko kanina sa atake ni Bernie.

"Your power will be mine," nakangising wika niya at lalong hinigpitan ang hawak sa aking leeg.

Damn this man!

I need to do something to stop him! Ang kapangyarihan ng aking ina na lamang ang meron ako. Hindi maaring pati ito ay makuha niya! Pilit akong nanlaban kay Sandrus. Akmang itataas ko na ang aking kanang kamay noong bigla niya akong bitawan at napahawak sa ulo niya.

"Ahhhh," sigaw niya sabay luhod.

Nakahawak parin ito sa ulo niya at tila may nararamdamang masakit.  Bahagya akong napailing noong biglang nanlabo ang paningin ko. Napaubo rin ako at humugot ng malalim na hininga. That was close. Really close.

Napahawak ako sa leeg ko at napangiwi noong maramdaman ang sakit mula roon. Mukhang napasama ang sakal ni Sandrus saakin. Kahit nanghihina, pinilit ko parin tumayo. Mataman kong tiningnan si Sandrus habang nagmumura habang nakahawak sa ulo niya.

"Fuck!" malutong na mura nito.

What the hell is happening to him? I have a hint kung bakit nagkakaganyan siya pero ayaw ko munang magconclude. If it was him, that's a relief on my part.

"Stop it!" sigaw niya sabay suntok sa sahig na nagpayanig sa buong function hall.

Mariin akong napapikit noong bigla akong nawalan ng balanse dahil sa pagyanig na nangyari. Damn it! I feel so weak!

Dahil sa kawalan ng lakas ay wala akong nagawa noong matumba ako. Ngunit bago pa man tuluyang bumagsak ang buong katawan ko sa sahig ay naramdaman ko nang may humawak sa magkabilang balikat ko at inayos ako sa pagtayo.

"You okay?" tanong nito na siyang ikinalingon ko sa kanya.

"Timothy," mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"You asshole!"

Napabaling ako kay Sandrus noong magmura ulit ito. Nakatingin ito ngayon sa gawi namin. He kept on cursing and cursing.

"Finish him."

Natigilan ako noong magsalita si Timothy sa tabi ko. Seryoso itong nakatingin kay Sandrus. Alam kong siya ang may pakana kung bakit nagkakaganyan si Sandrus. I've already seen this scenerio. Yung kay Simon, noong unang araw niya noon dito sa Xiernia. He can control pain, I know that.

"Kill him already, Shanaya. I can't hold it any longer," he said as he step backward. Binitawan niya ang pagkakahawak saakin at iginaya niya ako patungo sa nanghihinang si Sandrus.

Ito lang ba iyon? Ito lang ba ang magiging katapusan niya? Lahat ng kasamaang ginawa niya sa Xiernia, ito lang ba ang magiging kabayaran niya?

Pero bakit hindi naman diba? Once mawala na nang tuluyan si Sandrus, matatahimik na nang tuluyan ang kaharain ipinaglalaban ko hanggang kamatayan. Magiging payapang muli ang Xiernia at iyon ang mahalaga!

Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay.

Kill him now, Shanaya. At pagkatapos nito, maisakatuparan na ang pangako ko sa ina ko!

I summoned my twin swords. Humakbang ako ng isang beses patungo sa kinaroroonan niya. I can feel my body tremble each time I take another step towards Sandrus. I can feel the overwhelming power inside me. Nais nilang lumabas na. Nais nilang matapos na ang lahat. And when I've reach Sandrus, itinutok ko ang isa sa espada ko sa kanya.

"This will be the end of your betrayal, Sandrus," mariin wika ko at noong itatarak ko na sana ang espada ko sa kanya noong biglang may humawak sa kamay ko at pumigil saakin. Agad akong napalingon sa gawi nito at laging gulat noong makitang si Simon ito.

"Simon," sambit ko sa pangalan niya.

Kita ko ang pag-iling nito at hinila ako palayo sa kanyang ama.

"What the hell are you doing!" bulyaw ni Timothy kay Simon sabay hawak ng kwelyo nito. They're facing with each other with deadly stares. Parehong nakaigting ang kanilang mga panga.

"You can't hurt him," mariing wika ni Simon na siyang lalong ikinagalit ni Timothy.  Anong pinagsasabi nito? Magsasalita na sana ako ngunit agad na sinuntok ni Timothy si Simon sa mukha na siya ikinabigla ko.

"Bullshit!" sigaw ni Timothy at noong akmang susuntukin na niyang muli si Simon ay natigilan ito noong may tumutok sa bandang leeg niya na espada. Napatingin ako kay Ara noong tinutukan niya ito.

"Stop it already, Timothy," seryosong sambit ni Ara. Hindi niya inalis ang pagkakatutok ng espada niya hanggat hindi binibitawan nito si Simon.

"What is this? Pipigilan mo din kami?" -indi makapaniwalang tanong ni Timothy sabay bitaw sa pagkakahawak kay Simon. Napahilamos ito sa mukha dahil marahil sa galit.

"Calm down, Timothy."

Napalingon ako sa gawing kaliwa ko at laging gulat noong makita ang magkakapatid, kasama si Kate na binagsak ang walang malay na si Bernie.

She freaking beat him! She freaking beat Bernie! I'm so happy for Kate. Nagawa niyang talunin si Bernie pero agad nawala ang tuwa sa loob ko noong makita ang uri ng titig nila sa akin. May kung anong nais iparating ang mga titig nila saakin.

"Timothy."

This time, si Nathalie naman ang nagsalita upang pigilan si Timothy. "We can't hurt him physically," mahinahong sambit nito sabay tingin kay Sandrus patungo sa akin. And the way she looks at me, alam kong may mali talaga. "

Because Shanaya will be the one who will suffer if we hurt him."

Bigla akong nanlamig sa sinabi ni Nathalie. Binalingan ko si Sandrus at nakita ko ang bahagyang pag-ngisi niya. Nakahandusay parin ito sa sahig. Gusto ko siyang lapitan pero wala akong sapat na lakas para gumalaw.

"What the fuck are you saying, Nathalie?" nagtitimping tanong ni Timothy sabay lapit sa akin. He held my hands and pull me closer to him. Ramdam ko ang madiing paghawak nito sa akin. Tila ba'y ayaw niya akong bitawan na.

"Yung sugat mo, Queen Shanaya. Hindi po iyan isang ordinaryong sugat lamang," wika ni Kate na siya ikinatingin ko sa sugat ko sa braso. Maging si Timothy ay napatingin rin doon. I heard him cursed. Maybe he doesn't know that I was wounded.

"What happened? Ba't ka nagkaroon nito?" mahinang tanong niya saakin habang nakatuon ang buong atensyon sa sugat ko.

"Bernie," yun lamang ang lumabas sa bibig ko. Totoo naman, siya ang nakatama saakin ng pana kanina!

"Anong meron sa sugat na to?" I managed to asked them. Gulong-gulo na ako. Kanina, akala ko matatapos na ang lahat. Mapapaslang ko na si Sandrus! But what the hell is happening right now?

"He put something on the arrow that hit you, Shanaya," Simon said as he walk towards his father. Kita ko ang kawalan ng emosyong tingin niya sa kanyang ama. Nais kong lapitan si Simon. I can feel his pain, his anger. Siya at ang kanyang ama ay malapit sa isa't-isa. Noon, nong mga bata pa kami, naaalala ko pa kung paano puriin ni Simon si Sandrus. He's his role model. He became my personal guard because his father reccommended him to our king, my dad. But looking at him right now, wala na ang pagkamanghang meron siya noon sa kanyang ama. All I can see is his hatred towards his own father.

Nanlaki ang mga mata ko noong biglang itinutok nito ang espada sa kanyang ama. Simon! What the hell is he doing?

Bahagya niyang inilapat ang dulo ng espada niya sa braso ng kanyang ama at laking gulat ko nalang noong makaramdam ako ng sakit sa aking braso. Para itong tinutusok nang kung anong bagay.

"Damn!" mura ko noong makitang dumudugo na ito ngayon.

"Shanaya!"

"See?" ani ni Simon at tinanggal ang espada niya sa braso ng ama. "Yan ang mangyayari kung saktan natin siya. Shanaya will suffer, not him! Damn it!" malutong na mura ni Simon sabay bagsak ng espada niya na siyang ikinabigla ko.

No freaking way.

Shanaya: Queen of the Fairiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें