"Tamang-tama. Sinabihan ko din ang head ng eskwelahan kanina tungkol sa uniform ni Ken kaya hindi na kailangang problemahin pa 'yon," sagot ni Nebby.

"Ang galing talaga ni Nebby. Ang bilis mong nag-isip," masayang saad ko. Natawa naman sila Nick dahil doon.

"Advance po talagang mag-isip 'yan, miss. Tinuruan po ni Manong Sean noon," saad ni Nick.

"Nasabihan mo na din ba ang mga empleyado sa restaurant at café tungkol sa mga leftovers?" tanong ko.

"Opo, miss. Uumpisahan na daw po nila ngayon 'yon," sagot ni Nebby. Tumango-tango ako habang nakangiti at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

~ NEXT DAY ~

Nandito na ako sa opisina ni Herald at agad yumakap sa kaniya mula sa likod. Napalingon siya at ngumiti sa 'kin.

"I'm sorry kung hindi ako nakipag-date sa 'yo kahapon," bulong ko.

"No... It's fine. I understand that you're busy, jagiya." Hinalikan niya ako sa noo ko.

"So, mamaya na lang tayo mag-date? P'wede ka ba?" tanong ko. Ngumiti siya at tumango.

"Of course. Let's have a date later, jagiya." Hinalikan niya ulit ako sa noo. Hinalikan ko naman siya sa pisnge at napahiwalay ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wait lang." Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Carilo.

"Hello? May problema ba?" tanong ko.

"Miss, oumunta kami ni Dave sa may apartmemt kasi sabi ni Nebby ay bumili daw po kami ng mga damit para kanila Kuya Nico at Ken," paninimula ni Carilo.

"Naibigay na po namin sa kanila ang mga damit na kailangan nila pero, napansin namin na kulang ang school supplies na kailangan ni Ken kaya binilhan din po namin siya at naibigay na din po namin."

"Mayro'n pa po bang dapat ibigay sa kanila?" tanong niya.

"Tol, 'wag na daw ang mga groceries supplies dahil sila na daw ang bahala doon at tutulungan muna sila ni Miss Lopez sa ngayon," rinig kong saad ng isang lalaki mula sa kabilang linya.

"Mayro'n ba silang mga kagamitan diyan? Tulad ng mga utensils, pangluto, at iba pa?" tanong ko.

"Tanungin po namin, miss. Sabihan po namin kayo pagkatapos," sagot ni Carilo at binaba na niya ang tawg.

"Something wrong?" tanong ni Herald.

"Mayro'n kasi kaming tinulungan kahapon na homeless dahil sa nasunugan sila ng bahay," paninimula ko.

"Hindi kasi makapasok sa trabaho ng maaga si Kuya Nico dahil hindi niya alam kung saan niya iiwan ang anak niya kaya siya tinanggal ng boss niya," pag-kuwento ko.

"I see... May mga boss talaga na walang konsiderasyon sa mga empleyado niya kung wala naman siyang makukuhang benepisyo doon," komento niya.

"You helped them, huh?" Tumango ako.

"Hindi man ako naging homeless pero, alam kong mahirap ang buhay saka, mahirap ding kumita ng pera sa panahon ngayon kaya gusto kong tumulong," sagot ko.

"I aporove that. Just be careful, okay? Hindi lahat ng mga nasa labas ay mabait, may iba diyan na hindi. Naintindihan mo?" Tumango ako.

"Alam ko naman 'yon saka, lagi ko namang kasama sila Lay eh," paniniguro ko naman.

"Good girl." Hinalikan niya ako sa labi. Agad akong humiwalay nang hinawakan na niya ako sa bewang ko.

"Trabaho na ako. Baka kung saan pa tayo mapunta eh," saad ko. Nataw siya at binigay na niya sa 'kin ang mga gagawin ko sa araw na 'to.

THIRD PERSON

Dito sa H.X. Company ay nakarating na sila Ken at Nico sa lobby at agad silang lumapit sa front desk para magtanong.

"Hello, good morning po. P'wede po ba kay Miss Henricka?" tanong ni Nico.

"Ay, Miss Henricka... Wala po siya ngayon pero, sabihan ko na lang po si Sir Nebriano dahil sa siya po ang secretary ni Miss Henricka." Tumango si Nico.

Kinuha na ng babaeng nasa front desk ang telepono ang tinawagan na si Nebby tungkol kay Nico.

"Hell, sir... May naghahanap po kay Miss Henricka dito sa lobby," sabi ng babae. Napatingin ito kay Nico.

"Sir, sorry po... Ano po ang pangalan niyo?" tanong ng babae.

"Nico po, ma'am." Sinabi na ng babae ang pangalan ni Nico sa kausap nito sa telepono at binaba na ito pagkatapos.

"Punta po kayo sa fifteenth floor at nandoon po ang office ni Sir Nebriano. Siya na daw po ang kakausap sa inyo," saad ng babae.

"Thank you po, ma'am." Naglakad na papunta sa elevator sila Nico at umakyat na papuntang fifteenth floor.

•*•*•*•*•*

Nakarating na sila Nico sa fifteenth floor at agad kumatok sa may pintuan. Nagsalita naman mula sa loob si Nebby at pumasok na silang mag-ama.

"Good morning po, sir," bati ni Nico.

"Good morning." Umupo si Nico sa upuan na nasa harap ng lamesa. Umupo naman si Ken sa sofa at tahimik lang doon.

"Ano po ba ang kaya niyong gawin maliban na lang sa pagli-linis?" tanong ni Nebby.

"Ang kinuha ko pong kurso ay accountancy noong college kaso, hindi po ako nakapag-tapos dahil sa isang dahilan kaya namasukan na lang po ako bilang janitor," sagot ni Nico.

"I see... Okay po... Sa ngayon po ay sa housekeeping deoartment po muna kayo at kapag nagawa na ang eskwelahan kung saan tumatanggap din ng college ay ipapasok po namin kayo sa scholarship at ililipat ko po kayo sa Accounting Department. Ayos lang po ba 'yon?" tanong ni Nebby.

"Opo, sir. Maraming salamat po. Kapag nakabawi na po kami at babawin din po kami sa inyo." Umiling si Nebby.

"Ang mas magandang gawin niyo po kapag nakabawi na po kayo ay tulungan niyo din po ang ibang taong nangangailan din," sagot ni Nebby.

"Opo, sir. Naiintindihan ko po," sagot ni Nico. Binigyan na ni Nebby ng kontrata si Nico para maging opisyal na siyang empleyado sa komoanya.

••••• END OF CHAPTER 28. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin