Chapter 25.

1.9K 31 0
                                    

Date Published: June 15, 2017

Date Re-Published: October 13, 2021

~ AFTER ONE WEEK ~

HENRICKA

Isang Linggo na ang nakakalipas simula no'ng may nangyari ulit sa 'min at mas lalo siyang nagiging malambing.

Natutuwa naman ako sa pagiging malambing niya at talagang pinaparamdam niya sa 'kin na mahalaga ako sa kaniya.

Nandito ako ngayon sa isang kainan na malapit sa kompanya ng mga San Marquez at hinihintay dumating sila Gabbi.

Mga isang taon na din kasi kaming hindi nagki-kita dahil sa sobrang dami ng gawain namin ngayon kaya ngayon lang kami magki-kita ulit.

Pagkatapos ko dito ay pupunta ako sa HX Company para makipag-usap na kay Tito Vaughn dahil sa may mahalaga daw siyang sasabihin sa 'kin.

Nakapag-order na ako ng kakainin namin ngayon dahil gusto kong ipatikim sa kanila ang mga best sellers dito sa restaurant.

Maya-maya lang ay dumating na sila Gabbi at Cadiel, umupo na sila sa mga bakanteng upuan at ngumiti sa 'kin.

"Kumusta ka? Nasasanay ka na ba?" tanong ni Gab.

"Medyo nasasanay na din ako kaso, medyo kabado dahil kanila daddy," sagot ko naman. Agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha nila.

"Kaya nag-file ng restraining order si Tito Vaughn para lang hindi na sila makalapit sa mga namana ko eh."

"Kaso, ang kinakatakot ko naman ay baka may bayaran silang kung sino para lang siraan ang mga negosyo ko," pag-kuwento ko pa.

"Alam kong magiging lang din ang lahat, Jenny. Saka, alam kong tutulungan ka n'ong Nebriano," paniniguro ni Gab.

"Totoo ba 'yong narinig kong usapan noon na may nanira sa 'yong empleyado mula sa EA Company?" tanong ni Cadiel.

"Oo... Kaso, no'ng nahuli siya ng mga pulis ay agad siyang pinatay ng hindi pa nakikilalang tao kaya hindi din namin nalaman kung bakit niya ginawa 'yon," sagot ko naman.

"Ano ang sabi ng babaeng 'yon, Jenny? Narinig ko din ang usapan na 'yan kaso, hindi ko narinig ang buong kuwento," saad naman ni Gab.

"Napapalapit kasi kami ni Herald sa isa't isa at siya ang boss ko. Simula kasi nang may tumangkang kumidnap sa 'kin," paninimula ko.

"Kaya naman simula no'n ay binabantayan niya ako at sinisiguro na ligtas ako. Simula din nang nakuha ko ang mana ko ay tine-train niya din ako para mas matuto pa ako sa pag-handle sa susunod," dugtong ko pa.

Hindi ko na kinuwento pa ang tungkol sa nangyari sa 'min ni Herald noon dahil baka kung ano pa ang isipin nila o kaya baka asarin lang nila ako.

"Alam na ba ng mga empleyado ng mga San Marquez ang tungkol sa 'yo?" Tumango ako at bumuntong hininga.

"May usapan pa din ba tungkol diyan?" tanong ni Cadiel.

"Ang sabi ng iba ay baka ang tunay na dahilan kung bakit bigla akong yumamam ay dahil sa escort ako ni Herald," mahinang sagot ko.

"What?"

"Ano?"

Gulat nilang reaksyon sa sinabi ko at bumuntong hininga lang ako. Hanggang ngayon pa din kasi ay gano'n ang sinasabi ng iba.

Sa tuwing nahuhuli sila ni Herald at ng mga sekretarya nito ay sinu-suspend agad nila agad ang empleyadong 'yon at wala ding suweldo dahil sa suspension.

"Anong ginagawa ng boss mo? Alam niya ba?" tanong ni Gab at tumango ako.

"Alam niya. Sa tuwing nalalaman niya 'yon at ng iba niya pang sekretarya na huma-handle ng ibang business niya ay agad nilang sinu-suspend ang mga empleyadong 'yon," sagot ko.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon