Feel it too

297 9 1
                                    

--

" Sino yung babaeng nasa picture Pleum ? " tanong ni Porsche at tinuro ang frame na may picture ni pleum na may kasamang babae.

" a-ah si Cnan! "

" Ah, oy peter ano pala ikwekwento mo?"

"Kilala niyo yung babaeng sinasabi ko diba?"

"Oo, si Mind? bakit?"

"Hays! Parang kami kasi na parang hindi eh, ganito kasi nangyari..."

FLASHBACK...


*ppppprrrrrtttt*

tumunog na ang pito hudyat na para magsimula kami at sa huli ako pa rin ang pinakamabilis mag-swimming saaming mga nagt-training. Nagsilapitan agad ang mga fangirls ko, kukuha pa lang sana ako ng donut na dala ng isa sa kanila ng pumito ulit ang trainor namin at tinaboy ng tinaboy yung mga fans. Napailing na lang ako at natawa.

Siya si Mind, ang trainor namin at siya lang naman ang naga-assist at naga-alaga saamin.

Pagkatapos ko magshower ay pumunta ako sa locker room para magpalit ng damit dahil oras na rin ng kain namin kaso biglang nalaglag yung tuwalya na tumatakip sa kalahati ng katawan ko at nakarinig ako ng sigaw, si Mind nasa harap ko. Tinakpan niya agad yung mata niya at nagsisigaw na tumakbo. Kinuha ko na lang ulit yung tuwalya at naghanap na ng susuotin.

Pagkadating ko sa table kung saan kami kumakain, inaasikaso na niya yung ibang swimmers. Pagkaupo ko, ako naman ang nag-asikaso sa kanya. Inabutan ko siya ng inabutan ng pagkain pero tinatanggihan niya at nung inabutan ko na ng hotdog, bigla siyang napatingin saakin at nandiri. Nagmadali siyang umalis dun pero napansin ko na naiwan niya yung timer niya kaya sinundan ko na lang siya.

Nakita ko na kinakapa niya sa suot niyang jacket yung timer niya kaya nilapitan ko na siya, pagkaharap niya nagkatitigan kaming dalawa. Ang ganda niya talaga, malayo man o malapitan.

"Uyyy, kayo ha. Bagay kayo! yieee!" nagulat naman kaming dalawa na nasa likod pala namin yung swimmers at nakita yung scene namin na yun, agad naman akong tinulak ni Mind.

"Aalis na kayo?"

"Opo."

"Ingat kayo!" pagkaalis nila humarap ulit siya saakin at kinuha na yung timer niya.

Pinagmamasdan ko siya sa malayo habang nasa gilid siya ng pool pinaiikot-ikot niya yung timer hanggang sa nalaglag yun sa swimming pool kaya agad ako nag-dive at kinuha yun. Nung iaangat niya na ko, nagkaroon ng awkward scene. Natagalan ako sa paghawak sa kamay niya, natural lang ba sa lalaki ang kiligin?

the next day... kakatapos ko lang mag-shower at kukuha sana ako ng bagong towel sa locker ko ng may bumungad saakin. Isang bote ng home-made juice ni Mind.

"inumin mo yan ha? ako ang gumawa niyan kaya dapat inumin mo. Okay? -Mind"

Yan ang nakasulat sa sticky note na nakadikit sa bote. Napangiti naman ako kaya masaya akong lumabas ng locker room pero ang maabutan ko sa pool area? Inaabutan ni Mind yung ibang swimmers nung home-made juice niya. Nakita ko rin na kung ano ang ginagawa niya saakin, ganun din ang ginagawa niya sa iba. Akala ko pa naman may special treatment na saakin. Hays!

"Uy peter!" nakangiting sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

Hinintay ko na umalis muna ang lahat ng swimmers bago ako nagswimming. Naiinis ako kaya wala ako sa concentration magtraining. Mayamaya dumating si Mind at nilahad yung kamay niya saakin para umahon. Pero imbis na iangat ko sarili ko, hinatak ko siya dahilan para bumagsak siya sa pool at ako na ang umahon mag-isa. Aalis na sana ako ng hindi ko rin naman siya matiis, nilahad ko na rin kamay ko at hinawakan naman niya yun.

"Hindi ko alam kung manhid ka lang ba talaga o hindi mo maramdaman na gusto kita." atsaka ko siya iniangat, saglit kaming nagkatitigan pero hindi ko rin kinaya kaya umalis na ko.

"Peter, sandali!"

Hinabol niya ako at pumwesto sa harap ko, nilagyan niya ako ng towel sa batok ko at pinunasan niya ang tenga ko.

"Gusto rin naman kita, nagdrama ka pa dyan!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatanong ako. "Ano sabi mo?"

"Gusto rin naman kita!"

Binaba ko yung kamay niya nasa tenga ko at hinawakan ito, unti-unti akong lumapit sa kanya at kiniss siya sa noo.

END OF FLASHBACK...

"Hoy peter!" nagulat ako dahil ang lapit na pala ng mukha namin ni Porsche, si Pleum naman tawa ng tawa.

"hahaha! Oh tapos ano nangyari?"

"Syempre joke ko lang yung kanina! Baby ko na siya ngayon"

"Yun naman pala eh!"

"Huh ako naman ang susunod."

"Pinagsasabi mo dyan Porsche?"

Inilabas ni Porsche yung phone niya at pinanood saamin ang video ng isang babae na may binubugbog na lalaki.

"Seryoso ka?" tanong ni Pleum.

"S-si Angie?"

"Seryoso ka talaga?" tanong ulit ni Pleum at tinanguan lang siya ni Porsche at ang mokong kinikilig pa habang tinitigan si Angie sa video.

"Seryoso ka talaga?" tanong ulit ni Pleum at tinanguan lang siya ni Porsche at ang mokong kinikilig pa habang tinitigan si Angie sa video

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kamikaze presents (2017)Where stories live. Discover now