Blend in

291 15 5
                                    

--

* sa video na nasa phone ni Porsche na pinapanood nila Pleum at Peter *

" Hoy, ikaw sinusundan mo ba ko? Hindi mo ba ko titigilan "

at binugbog nung babae yung lalaking stalker niya.

" Ikaw? gusto mo isunod kita? " maangas na tanong niya sa lalaking nagv-video at dun na nahinto yung video.

* end ng video *

" S-seryoso ka? " tanong ni Pleum.

" Sigurado ka talaga Porsche? " tanong naman ni Peter at tumango lang ako sa kanila. Hays! Ang ganda talaga ni Angie, my baby.

kinabukasan... sinamahan ako ni Pleum at Peter sa soccer field at nakita namin na nandun si Angie, nagdadalawang-isip pa ako kung ibabato ko sa kanya tong papel na eroplano na ginawa ko sa kanya, pero sa huli binato ko rin siya at tumama sa mukha niya bigla siyang napalingon sa direction namin kaya nagmadali kami magtago at ang akala ni Angie na bumato nun ay yung nagv-video sa kanya nung nakaraan kaya ayun binugbog niya yung lalaki. Kawawa naman! Bakit ba kasi ang boyish neto ni Angie? pero nakakainlove pa rin.

Pauwi na si Angie nang maisipan namin na sundan siya at itong mokong na si Peter tinuruan ako sa houverboard at pinakasakay nila ako para raw mas mabilis ko mahabol si Angie.

Kaso epic failed lahat na ng pagpapansin ko kay Angie wala at ang masaklap pa rito, hinarangan niya ko gamit yung bike niya kaya bumagsak ako sa lupa. Ang sakit! Bakit ka naman ganyan, Angie baby?

the next day... nasa court kami nila Peter at Pleum habang nag-iisip kami ng next na gagawin para sa pagpapapansin ko kay Angie, nang bigla may naisip si Pleum at nagkasundo kami na gawin yun. Bumili ako ng strawberry cake at sakto na pumunta kaming coffee shop na malapit sa school na nandun si Angie.

Iniwan nila kong dalawa dun habang nangangatog at kinakabahan. Biglang humarap si Angie kaya nataranta ako at dinakot ko yung cake at kinain ko, bigla naman binaba ni Angie yung iniinom niyang kape at aakma ng susuntukin ako kaya nagmadali akong umalis.

Umuwi ako sa bahay na dala-dala yung cake at inubos yun habang pinapanood nung aso ko nang dumating naman ang dalawang kumag.

"Oh ano nangyari?" tanong ni Pleum pero buntong-hininga lang ang sagot ko, alam naman na niya siguro yun.

"Okay lang yan bro! May naisip akong next plan" at binulungan naman ako ni Peter.

"Galing mo banda dyan ha! Tara pagplanuhin natin mabuti"

the day... nagsesenyasan kami nila Peter at Pleum kung dadaan na ba si Angie, nasa corridor kasi kami at balak namin na tatalisudin siya at ako ang sasalo.

"P, nandyan na!"

"okay okay!"

Tinalisod na nila si Angie pero imbis na ako ang sasalo sa kanya, siya sumalo saakin. Nataranta kasi ako, pero nagkatitigan kaming dalawa. Ang ganda niya talaga kaya ito ako nagpacute pero bigla ba naman akong tinulak, akmang manununtok na naman siya kaya tumakbo na kaming tatlo pero hinabol niya pa rin kami. Bakit ba kasi magkakagusto na lang ako sa boyish pa? Yung babaeng mas lalaki pa saakin!

Huminto na kaming tatlo dahil hiningal na kami ng makita ko na papalapit si Angie saamin pero paglingon ko iniwan ako nung dalawang kupal.

"Hoy! Ikaw! Akala mo hindi ko napapansin na sinusundan mo ko?" maangas na sabi niya saakin at tinulak ako.

Lumapit siya saakin at sinubo niya yung papel na eroplano na ginawa ko nung nakaraan at pinat pa ang ulo ko tsaka siya tumakbo paalis. Pagkaalis niya agad naman lumapit saakin yung dalawa.

"P? okay ka lang? wala ka bang sugat?" nagaalala tanong ni Pleum at chineck pa kung okay lang ako, inilingan ko na lang siya.

"Kakaiba talaga si Angie! Ang gandang babae pero kung kumilos lalaki! P, tignan mo na yang papel" pagkasabi niya nun dahan-dahan kong binuksan yung papel.

Line: Angie_Angie

"Wooooooahh!!" sabay-sabay naming sabi.

"P, binigay niya!" tuwang-tuwang sabi ko.

"Oo! Congrats!"

"Angieeee!!! My babyyyy!!!" at umalis na ko para sundan siya.

Sarap mainlove sa akala mo hindi babae kung kumilos parang lalaki. Angie Thiticha Sombatpiboon, chan rak khun!

 Angie Thiticha Sombatpiboon, chan rak khun!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kamikaze presents (2017)Where stories live. Discover now