Binuksan 'yung pintuan at nakita ko Sir Herald. Isang beses pa lang naman siyang nakapunta dito so, naalala niya pa pala kung saan ako nakatira.

Wala naman akong problema tungkol dito pero, kung may trabaho man ay dapat tinawagan na lang niya ako para dito.

"Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito ngayon." Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano mayro'n sa kaniya? Nakulam ba siya o nasapian ng masamang espirito?

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko at pinapasok ko siya. Pumasok siya at umupo sa sofa. Alam kong napuntahan na niya ako dito pero, isang beses lang 'yon.

Sa tuwing day-off ko kasi ay alam niyang nasa shop o nasa kompanya ako dahil sa mina-manage ko 'yon habang wala akong trabaho sa kompanya niya.

"Pumunta ako sa shop pero wala ka doon kaya pumunta ako dito agad dahil baka nandito ka ngayon," sagot niya at umupo ako sa sofa na nasa harap niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sa kaniya at bumuntong hininga siya. Hindi niya ko sinagot at tinignan niya lang ako.

"Tulad ng sinabi ko kanina, hindi ko alam," sabi niya na para bang naiinis. May nakakainis ba sa tinanong ko?

"P'wede bang kwentuhan mo ko?" Napatingin ako ulit sa kaniya dahil sa sinabi niya. Kuwentuhan siya ng ano?

"Kuwentuhan kita ng ano? Saka ano ka? Bata?" sabi ko naman sa kaniya at tatayo na sana ako nang bigla niya kong hinawakan sa braso ko kaya napatigil ako.

"Kuwentuhan mo na ako," sabi niya at hinila niya ko pa-upo sa sofa at humiga siya sa lap ko. May lalaking nag-iisip bata dito.

"Ano naman iku-kwento ko sa 'yo? Nakakatok ba?" tanong ko at sinamaan niya ko ng tingin. Alam ko na!

"May usap-usapan na 'pag nag-iisip bata daw 'yung mga tao na nandito sa condo na 'to, pinapakitaan daw sila ni Bloody Mary eh." Nagulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ko ng walang pasabi!

"I told you na hindi nakakatakot. Isa pang magkuwento ka nang nakakatakot, bubuntisin na talaga kita." Tumahimik na ko dahil sa sinabi niya. Ayoko pang mabuntis.

"Hindi ka makaka-alis diyan hangga't hindi mo ko kinu-kwentuhan," nakapikit niyang saad at wala na kong nagawa kundi ang mag kwento sa kaniya.

•*•*•*•*•*

Kanina pa ko nag-iisip nang mga p'wedeng i-kuwento sa kaniya. Hanggang ngayon ay tahimik pa rin kaming dalawa at hindi pa rin ako nagku-kwento.

"I'm waiting, Henricka," rinig kong sabi niya at huminga muna ako ng malalim. Bahala na nga kung ano 'yung mangyayari.

"Simula pagkabata never ko nang naramdaman na may tao diyan na magmamahal sa 'kin at tatanggap sa 'kin sa kung sino at kung ano ako," paninimula ko sa kaniya.

"Sino nga naman ang gagawa n'on, 'di ba? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang magkamali at pumalpak. Lahat na lang ng ginagawa ko, mali. Lahat na lang ng ginagawa ko, palpak. Kaya hindi na ko naasa na may tatanggap pa sa 'kin ng buong-buo."

"Kaya tuwang-tuwa ako nang narinig kong may nakuha akong mana mula kanila tito at kahit na hindi ko sila nakilala ng personal ay tinanggap nila ako saka, pinagkatiwalaan," dugtong ko pa at nakita kong minulat niya 'yung mga mata niya.

"We're living in a world, wherein no one is perfect. Walang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo, magkakamali at magkakamali, gustuhin man natin o hindi," seryosong saad niya.

"Since na dumating si Thea sa buhay namin, siya na lagi ang tama. Siya na lagi ang magaling. Siya na ang perfect. Na sa kaniya na lahat at wala nang natira sa 'kin," sabi ko naman sa kaniya.

"So, your parents never gave you what you want and what you need?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"Never nila akong inintindi, minahal, inalagaan, and most especially, pinaramdam nila sa 'kin na wala akong kwenta sa mundong 'to. That's why I've decided that umalis at magpakalayo mula sa kanila." Pinunasan ko 'yung luha ko at tumingala.

"Lahat na lang ng mga nakukuha kong kaibigan at boyfriend ay naagaw ni Thea - kaya hula ko ay wala naman talaga tatanggap sa 'kin kasi hindi ako siya."

"Kaya nga masaya akong nalaman kong gusto mo ako at naging kaibigan ko sila Nebby at ang iba pa dahil ramdam kong tanggap niyo ako."

"Please, 'wag mo na akong pakwentuhin. Ayokong ilabas lahat ng mga tinatago ko ngayon," sabi ko pa sa kaniya at pinunasan 'yung mga luha ko.

"Mas maganda kung nilalabas mo 'yan at hindi tinatago. The more na itago mo, the more na mas lalo kang nasasaktan," seryosong saad niya at lumuhod siya sa harap ko.

"I know what you feel. 'Yan din 'yung nararamdaman ko noon kay hyung no'ng hindi pa kami nagkakabati. The feeling na pakiramdam mo, wala kang halaga at patuloy mong hinahanap 'yun mula sa ibang tao," pagku-kwento niya sa 'kin at ngumiti siya ng malungkot.

"At nahanap ko 'yun sa asawa niya ngayon na iniwan ko noon nang walang pasabi," dugtong niya pa sa 'kin at napayuko ako.

"Nahanap mo na ba 'yung halaga mo ngayon?" Umiling ako bilang sagot sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap.

Pero, minsan ay nararamdaman kong mahalaga ako sa kaniya kaso, hindi ko na lang pinapansin dahil sa ayokong umasa at masaktan sa huli.

Kahit na matagal na kaming nagde-date ay hindi ko pa din maiwasan na hindi isipin na naging kami lang dahil sa may nangyari sa 'ming dalawa noon.

"What if, sabihin kong mahalaga ka sa 'kin? Will you trust me?" Hindi ko alam kung ano 'yung magiging reaksyon ko sa sinabi niya.

Or should I say, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Ito ang nararamdaman na hindi ko gustong maramdaman pa.

"You don't have to say anything, Henricka. I can be your everything that you need. Everything. Just tell me," sabi niya pa sa 'kin at pinagdikit 'yung noo namin.

"Bakit mo 'to ginagawa? Alam kong naging tayo lang dahil sa may nangyari sa 'tin dalawa," tanong ko sa kaniya at natawa na lang siya. Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinalikan 'yun.

"To be honest, I love you, Henricka. That's why I want you to be happy whatever happens," sagot niya sa 'kin at hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero hinalikan ko siya.

••••• END OF CHAPTER 23. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now