"Sige, naiintindihan ko 'yan," sagot ko naman.

"I'll inform you soon kapag may nalaman pa akong bago," sabi niya naman at binaba na ang tawag. Bumuntong hininga na lang ako at sumunod na kay Nebby para makilala pa ang iba.

~ AFTER ONE YEAR ~

Isang taon na ang nakakalipas simula nang nag-trabaho ako dito sa kompanya ng mga San Marquez at medyo nagiging okay na din naman lahat.

Isang taon na din ang nakalipas simula nang nakuha ko ang mga namana ko at naha-handle ko na ng onti ang mga negosyo kung may oras ako.

Wala ding nangyaring masama simula n'on at laging binabantayan ni Kyle si Moni para lang makasiguro na ligtas 'to mula sa mga pumatay kay Malari.

Mula sa mga nakalipas na buwan din ay nakikita kong nagiging okay na si Sir Alexandrei at nagiging masaya na.

Wala akong alam kung ano ang nangyari pero no'ng nakaraang mga buwan kasi ay napaka-wasted niya pero ngayon at napakasaya na niya.

Mas lalong naging successful ang online business ko kaya naman nakapag-pagawa pa ko ng dalawa pang sarili kong store at marami din akong nakuha sarili kong pwesto.

Laging pinupuntahan din 'yon ng mga customers at nasa iba't ibang pwesto na 'yon mula sa buong bansa. Tinulungan ako nila Nebby sa pag-expand at tinuruan din nila ako para sa susunod ay kaya ko nang gawin 'yon ng mag-isa.

Medyo mas nagiging malapit na din kami ni Herald sa isa't isa pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Sa tuwing kasama ko siya nagiging masaya ako at pakiramdam ko ay napakahalaga ko sa kaniya. Lagi niya din akong inaalagaan.

Alam ko naman na may gusto ako sa kaniya kaso, minsan ay parang mas lumalalim na ang nararamdam ko para sa kaniya.

Pero sa tuwing may kasama akong ibang lalaki ay lagi siyang nagagalit kaya minsan ay naiisip kong nagse-selos siya kahit na impossible 'yon.

Ang mga nakaka-usap ko namang ibang lalaki ay ang mga empleyado dito sa kompanya at tungkol lang naman sa trabaho ang pinag-uusapan namin.

Nandito ako ngayon sa loob ng opisina at ginagawa ang mga pinapagawa sa 'kin ni Herald pati na din 'yung ibang trabaho ni Sir Alexandrei.

Sabi kasi ni Herald sa 'kin ay medyo busy daw si Sir Alexandrei dahil sa naghahanda ito para sa darating niyang kasal.

Minsan nga ay napapa-isip ko kung ang dahilan ba ng pagka-wasted niya ay tungkol sa kasal niya - baka kasi ay gusto nang makipag-break o iwan siya ng finance niya eh.

"Miss Xerxes, are you done now with the papers?" Nawala ang mga iniisip ko nang nagsalita bigla si Sir Alexandrei.

"Opo, sir. Ito na po lahat," sagot ko naman at inabot na sa kaniya ang mga papel na binigay niya sa 'kin kanina.

"Thank you, Miss Xerxes," sagot niya at naglakad na palabas mula sa opisina. Napahinga akong malalim at napatingin sa pintuan ulit nang bumukas 'yon.

"Henricka, I need your help with this," saad niya at may nilagay siyang papel sa lamesa ko kaya tinignan ko 'yon.

Isang blueprint 'yon at may bakanteng parte ito sa isang gilid. Hindi ako nagsalita at hinintay siyang magpaliwanag.

"This vacant place here, I need your bakery and café here. Para may makainan ang mga guests sa hotel. Don't worry, walang bayad ang pwesto mo doon," paninimula niya.

"Is that okay with you?" Tumango ako at napangiti.

"Sure. Basta walang bayad ang pwesto tulad ng sinabi mo sa 'kin." Napangiti siya at tumango.

"Don't worry, walang bayad ang pwesto at hindi ako makikihati sa profit mo doon," paniniguro niya at tumango ako.

"Sige, Herald. Deal," sagot ko at hinalikan niya ko sa noo at agad akong nagulat sa ginawa niya. Hindi niya pinansin ang reaksyon ko at lumabas na lang agad mula sa opisina.

'Bakit niya ginawa 'yon?' Alam ko naman na lagi niyang ginagawa sa 'kin 'yon pero, feeling ko ay mas nagustuhan ko 'yon kaysa noon.

~ 9 PM ~

HERALD

Nandito ako sa loob ng mini bar namin sa bahay at nainom na naman ng alak. Nagiging hobby ko na ang pag-inom ah.

"May balak ka ba talagang sirain 'yung atay mo?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si hyung na may hawak na beer.

Naglakad siya palapit at umupo sa tabi ko. Tinungga niya 'yung hawak niyang beer at kumuha ng mani sa table.

"Problem?" tanong niya at ininom ko muna 'yung alak na nasa baso at tinabi 'yun sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

"Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko na may iba siyang kasamang lalaki," paninimula ko at sinamaan ko siya ng tingin dahil tumawa siya.

"I know that I like her and we're already dating since then but, it feels like I'm feeling something new," I added.

"I have no idea if I'm going to be happy or worried about that. Pero sa bagay, hindi naman natin p'wedeng iwasan na hindi maging possessive sa babaeng naangkin na natin." Binatuhan ko siya ng mani.

Paano niya nalaman kung sino 'yung tinutukoy ko? Pinapatignan ba ko ng isang 'to sa mga tauhan niya? May binigay siyang picture at nanlaki 'yung mga mata ko.

"S-saan mo nakuha 'to hyung?" takang tanong ko. Nagse-selos ba 'to kaya pinapasundan ako? Kumuha ulit siya ng mani at kinain 'yun.

"Just like before, you're very predictable, Herald," seryosong saad niya at hindi ko na siya pinansin pa.

"Alam kong hindi lang 'yan ang una niyong pagkikita." Tama siya doon. Hindi lang sa kompanya ang una naming pagkikita.

"You know her name pero hindi mo siya kilala sa mukha. The night ball na ginawa ni tito, doon kayo unang nagkita, 'di ba?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

"'Yung night ball, nagawa 'yun three months after niyong mag-break." Hinawakan ko 'yung noo ko dahil sa sumasakit na 'yun.

"Since then, hindi mo ba siya inisip ng mga oras na 'yun?" Tumingin ako sa kaniya at binato 'yung mani na hawak ko.

"Usong manahimik, hyung. Tama na. Naguguluhan pa nga ako eh," asar kong saad at tumahimik naman siya.

"Inaabangan pa naman niya ang love story niyo," saad niya at umalis na siya. Ano ba gustong gawin n'on? Asarin ako?

••••• END OF CHAPTER 22. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now