"I know, iha. Doon tayo sa office para makapag-usap pa ng maayos." Tumango ako at saktong bumukas ang elevator kaya pumasok na kami.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa loob ng opisina at agad umupo sa sofa. Tumingin ako sa kanila at ngumiti.

"We are now investigating about the situation right now. Sinisiguro din namin na ipapakulong namin ang naninira sa 'yo," sabi ni tito.

"May kilala po ba kayong Elishda, tito?" tanong ko agad. Nakita kong nagulat si tito at napatingin si tita sa kaniya.

"I-I know them. Why?" tanong niya.

"Sabi po ni Nebby sa 'kin ay galing kay Malari Rami ang sulat kung saan nag-umpisa ang paninira sa 'kin at nagta-trabaho po siya sa EA Company," pag-kuwento ko.

"Kalaban sila nila Hariko, Henricka. Sila ang numero unong kalaban nila Hariko at wala silang ibang ginawa kundi, isipin na pabagsakin sila Hariko kahit saan mang paraan," sabi ni tito.

"Narinig ko din mula kanila dad noon na magkamag-anak daw ang mga Xerxes at Elishda kaso, tinakwil ng mga Xerxes ang mga ito dahil sa paninira," pag-kuwento naman ni tita.

"So... Kamag-anak...?" Tumango sila sa 'king dalawa.

"Pati rin po ba sila daddy?" Tumango sila.

"Tinakwil din nila Hariko ang mga magulang mo dahil sa kumampi ito sa mga Elishda," sagot ni tito. Napalunok ako ng laway dahil sa nalaman ko.

"Bakit pakiramdam ko po ay parang may mali?" tanong ko naman. Agad kumunot ang noo ni tito dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" tanong niya. Umiling na lang ako at hindi na sinabi pa ang tungkol sa naiisip ko.

"Wala po, tito. Mukhang nago-overthink lang po dahil sa sobrang kaba ngayon," sagot ko at tumango na lang siya.

"Pagha-handaan ko lang po kayo ng tsaa habang nandito po kayo," sabi ko. Tatayo na sana ako nang bigla akong pinigilan ni tita.

"Hindi na, iha. Aalis na din naman kami dahil binisita ka lang naman namin para makasiguro kung okay ka," sabi niya.

"We're going now, Henricka. Call us if something happened, okay? We're going back to our company now," sabi naman ni tito.

"Sige po. Ingat po kayong dalawa, tito," sagot ko. Nag-mano ako sa kanila at naglakad na sila palabas ng opisina at naiwan akong mag-isa ditp sa opisina.

Kaya naman tumayo na ako at naglakad palapit sa pwesto ko at pinagpatuloy na ang trabaho ko para matapos na 'yon.

THIRD PERSON

Pagkapasok nila Vaughn at Aisharinne sa elevator ay agad tumingin si Aisharinne kay Vaughn dahil sa nangyari.

"Sa tingin mo ba ay nakakaramdam na siya, hon?" tanong ni Aisharinne.

"Yeah. It feels like it. We need to make sure that she's going to be okay and kung malalaman man niya ang totoo ay alam kong pupunta siya sa 'tin o kanila Nebriano," sagot ni Vaughn.

"Alam kong magtatanong lang siya pero, alam ko din na maiintindihan niya kung bakit natin inilihim sa kaniya ang totoo," dugtong niya pa.

"Hon, nag-aalala ako..."

"Don't be, Aisharinne. I know that she's going to be okay. Let's just guide her as her legal guardian," saad naman ni Vaughn.

"Okay, hon. Kung 'yan ang tingin mo ay magti-tiwala na lang ako sa 'yo kasi mas alam mo 'yan," sagot ni Aisharinne.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon