Kabanata XXVIII

236 33 1
                                    

Check the external link para sa theme ng chapter (or ni Chloe na rin? XD). Enjoy! :)

-----

Ang amoy ng maalat na dagat ay humahalo sa hangin at lumalandas sa bampira. Ang araw ay pinipintahan ng kahel ang kanina'y asul na kalangitan. Sa pagsikat nito ay nag-iiwan ito ng alaala sa dagat, ang perpekto nitong anyo ay bumabalangkas sa marahang mga alon nito.

Tumulo ang luha mula sa mata niya. Inangat niya ang urna na hawak at binuksan ito. Bumalik sa mga alaala niya ang kaniyang kabataan. Strikto si Reina ngunit hindi ito nagkulang ng pangaral.

Maging mabuti. Matulungin. Mapagkumbaba.

Marahil ang kabutihan niyang iyon ang naging dahilan ng kaniyang pagbagsak.

May dumaang malakas na hangin na nagpalipad sa buhok niya. Isinaboy niya ang abo para sumama rito at dalhin sa malayo, sa kalangitan, kung mayroon man.

Hindi siya kailangang tulungan ni Reina. Wala rin itong tungkulin sa mga tao.

Ngunit ginawa niya. At ipagpapatuloy iyon ni Chloe.

"Tapos ka na dyan?" sabad ni Margeau na kararating lamang.

Luminga si Chloe sa kaniyang tabi at inismiran ito. Pinunasan niya ang kaniyang mga pisngi. "Obsessed ka talaga sa 'kin, 'no?"

Sa pagkakataong ito, hindi nagpadala sa kaniyang damdamin si Margeau. Seryoso siya nang tumingin kay Chloe. "We've been expelled from the academy. At buong akala ko ay ikaw na ang huli sa hate journal ko."

Hindi na ito malaking sorpresa para sa kaniya. Alam niyang mangilan-ngilan lamang ang kakampi niya sa bagong mundo at bawat galaw niya ay binabantayan. Ngunit kahit anong pagbabantay ang gawin nila, hindi nila kilala si Chloe.

Kaya't habang nakasakay sa motorsiklo, inilunday niya ang isip sa iisang bagay lamang; iligtas si Zachary. At ang pagtutuon na ito ang mas lalong nagpabilis sa takbo ng kaniyang sinasakyan.

"W-wala na bang ibibilis 'yan?!" sarkastikong sambit ni Margeau habang napapahigpit ng pagkakahawak sa kaniyang baywang.

Napangisi siya rito. "Takot ka talaga kapag nawawalan ng kontrol, ano?"

"Whatever, Chloe Ashbourne!"

Hindi naglaon ay narating nila ang destinasyon. Nais niyang matawa pagkababa ng motorsiklo ngunit hindi magawa. Sobrang mapaglaro ng tadhana. Hindi. Ang mga elders ang mapaglaro para piliin ang Lochan Academy bilang huling hantungan ni Zachary Pierce. Halos hindi pa niya ito aninaw sa gabing nababalot ng hamog.

"I don't think I'm as strong as they expect me to be," biglang bulong ni Margeau, sobrang hina na sa tainga ng isang tao ay parang dumaan lamang ang hangin.

Ngunit hindi kay Chloe.

Inilagay niya ang palad sa balikat ng katabi bilang pagbibigay suporta.

"Naalala mo 'yong mga manananggal? Hindi ko sila consort dahil sa malakas ako, o dahil binibigyan ko sila ng dugo. But rather... it's because of blackmail. I hide their lower halves."

Tumungo si Chloe—inaasahan na ito at sa kabilang banda, hindi rin makapaniwala.

Nginitian niya ito. "You're strong, Margeau. Kasi nandito ka kahit natatakot ka."

Magsasalita si Margeau nang may sumabad sa madamdamin nilang usapan. "Akala ko hindi na kayo darating e," pagbati ni Millie na nasa balikat ni Yshmael. Tumalon ito at sinalubong ng palad ni Chloe.

"Pwede ko ba namang indian-in ang date namin ng mga elders?" pabalik na biro niya.

Kasama ni Yshmael, naroon din sina Gregor at si Lyle, isa pang debonair. Naikukubli ang kanilang amoy sa pamamagitan ng walang humpay na mga eksperimento ni Zachary.

Bad Blood: MetamorphTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon