"Kaya 'wag kang matakot kung namana mo ang organization na 'yan dahil alam kong kakailanganin mo 'yan para protektahan ang mga taong gusto mong protektahan," dugtong niya pa.

Napa-isip ako bigla dahil sa mga sinabi niya at napatango ako. May point siya doon at alam kong p'wede kong gamitin 'yon sa legal na paraan.

"Sige po, ahmm..." Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya. Natawa siya ng mahina nang napansin niyang hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya.

"Kahit manong na lang, miss," sabi niya.

"Salamat po, manong. Salamat po sa pag-kuwento sa 'kin," bulong ko.

"Masaya akong makatulong sa inyo, miss. Kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako at handang makinig," sabi niya.

"Opo, manong. Naiintindihan ko po," bulong ko. Ininom ko na ulit 'yong tsaa ng tahimik at handa na akong harapin ang lahat sa susunod na araw.

~ NEXT DAY ~

Nandito na ako sa kompanya at pinagtinginan ako ng lahat ng empleyado sa lobby. Hindi ko na lang sila pinansin pa at pinagpatuloy ang paglalakad papuntang elevator.

Hindi ko alam kung bakit nila ako oinagtitinginan ng ganiyan ngayon pero, hula ko ay tungkol 'to sa nangyari kahapon?

Huminto na ako sa harap ng elevator at hinintay na bumukas 'yon.

"Henricka!" Napalingon ako sa tumawag at nakita ko si Kyle. Tumakbo siya palapit sa 'kin at tumabi.

"Good morning, Kyle," bati ko sa kaniya.

"Good morning. Bakit pala hindi mo sinabi sa 'kin na tagapag-mana ka? Nagulat tuloy ako kahapon nang narinig ko 'yon," komento niya.

"Pasensya na kung hindi ko sinabi. Ayoko lang talaga na layuan ako dahil lang doon at saka, tinuruan pa naman ako eh," palusot ko.

Hindi ko din naman alam na tagapag-mana ako no'ng unang araw na nag-trabaho ako dito eh.

"Kaya naman pala gusto kang kidnapin. Baka gusto nilang makuha ang pera mo o kung ano pa man," komento niya.

"'Yan din ang nasa isip ko eh. Kaya nga nagiging maingat ako sa paligid ko. Kaso..." Napayuko ako.

"Naintindihan ko. May nagpakalat ng issue na hindi naman totoo. Sa department namin nagsimula 'yon dahil sa may nag-iwan ng mga maliliit na papel at doon nakasulat ang tungkol sa 'yo," pag-kuwento niya.

"Nasa sa 'yo pa ba 'yong kopya? Baka ma-trace namin 'yong handwritting at malaman kung sino ang nagpakalat n'on," komento ko.

"Wait." Agad siyang may hinalungkat sa may bag niya at hula ko ay hinahanap niya ang kopya ng papel sa kaniya.

"Anong mayro'n at mukhang nagma-madali ka, Kyle?" tanong ng isang babae. Agad akong nakaramdam dahil sa siya ang nakita ko doon sa may litrato na pinakita ni tito sa 'kin.

"Hinahanap ko 'yong papel kung saan nakasulat ang tungkol sa issue na hindi naman totoo. Ipapa-trace kasi ni Henricka kung sino 'yon nang makasuhan," sagot ni Kyle.

Napansin ko na nagulat 'yong babae at agad siyang nataranta habang nakayuko. Ino-obserbahan ko siya ng todo para malaman kung may kinalaman ba siya doon o wala.

"Hindi ba tinapon mo na 'yon, Kyle?" tanong n'ong babae.

"Hindi. Hindi ko tinapon 'yon, Moni. Tinago ko 'yon para maibigan kung hindi siya totoo," sagot ni Kyle.

Napansin ko na namawis si Moni sa kaba at malakas talaga ang pakiramdam ko na siya at ang babaemg kausap niya ang may kagagawan n'on.

"Here." Kukunin ko na sana 'yong papel nang naunahan ako ni Moni. Agad kaming napatingin ni Kyle sa kaniya.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now