"Wow! Ang ganda. Plano niyo po ba bang ipagawa ito?" tanong ko sa kaniya.

"No... That's yours, iha. Isa 'yan sa mga namana mo from Hariko. Ngayon lang namin nasabi dahil sa gusto naming isa-isahin para hindi ka masyadong magulat," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko at hindi ko inaasahan na may villa din ako at subdivision. Parang mas maganda nga na hindi nila sabihin sa 'kin ng sabay-sabay ang lahat.

"'Yong subdivision po ba ay open sa lahat ng mga gustong bumili?" tanong ko.

"Yes. It's open for all clients who wants to purchase their own house. You have three subdivisions at nasa iba't ibang lugar 'yon," sagot ni Kuya Ark.

"Each house can be purchase between five hundred thousand to one million pesos - depending to the size," paliwanag naman ni tito.

"Whoa! Hindi ko po inaasahan na gano'n 'yon," komento ko.

"I know. Kaya nga ini-isa-isa namin na sabihin sa 'yo para hindi ka masyadong ma-pressure at magulat," sabi niya naman.

"Sa may villa po?" tanong ko naman.

"That villa will be your resthouse. Malapit kasi 'yong sa isang beach and I know that you'll love that place once you seen it," sagot niya.

"Okay po, tito. Pupuntahan ko po 'yon once na p'wede po akong mag-bakasyon," sagot ko naman.

"'Wag mong sabihin na may nagta-trabaho din doon, Nebby?" tanong ko. Baka kasi mangyari na naman ang tulad nang nangyari dito sa mansyon.

"Mayro'n ka din pong mga personal assisstant, chef, at cleaners doon, miss," sagot ni Nebby.

"Ang mga chef doon ay tumutulong din po sa paggawa ng mga orders sa café kung malapit po doon ang nagpapa-order," paliwanag niya pa.

"Three hours kasi ang byahe papunta sa syudad mula sa villa mo, Henricka," sabi naman ni Kuya Ark.

"Okay po. Naiintindihan ko na po," sagot ko naman.

"Miss, mayro'n ka pong dapat malaman tungkol sa mga magulang mo." Napatingin ako kay Carilo na naglalakad palapit sa 'min habang may hawak na laptop.

Nilapag niya ang laptop sa lamesa at tumingin kaming lahat sa screen nito at nakita namin sila mommy na may ginagawang kung ano doon.

"Sino 'yong mga kausap nila?" tanong ko. Umiling lang si Carilo bilang sagot sa 'kin.

Sa video kasi ay may kausap silang isang grupo at maraming pera ang nandoon sa lamesa, mayro'n ding mga naka-ziplock doon pero hindi ko masabi kung ano ang mga laman n'on.

"Are those drugs?" tanong ni Kuya Ark habang nakaturo sa mga naka-ziplock. Tinitigan nila Nebby 'yon at hininto ni Carilo ang video.

"Mukhang drugs nga 'yon," komento ni Lay.

"If they're selling drugs then that means..." Napatingin ako kay tito dahil sa hindi ko alam ang ibig sabihin n'on.

"Ano po ang ibig sabihin n'on?" tanong ko.

"That means, they're going underground now. They want protection from someone who's very powerful and also, who's a criminal," paliwanag niya.

"P'wede 'yong mga sindikato na hindi mahuli-huli ng mga pulis o ang mga kasabwat ng ibang mga korupt na politiko dito sa bansa," sabi naman ni Kuya Ark.

"Ano po ang gagawin natin? Baka mapahamak po ako o tayo dito," nag-aalala kong saad.

"Nebriano, we have no choice but to tell her the truth about her other inheritance." Nagtaka ako sa sinabi ni tito. Lumingon ako kay Nebby.

"Miss, ayoko mang sabihin 'to pero kailangan mo nang malaman ngayon," paninimula niya sa 'kin.

"Isa din po ang mafia organization ni Mr. Hariko mula sa mga namana niyo mula sa kaniya," sabi niya.

"Mafia organization?" Napa-isip ako nang may naalala ako bigla mula sa mga sinabi ni Herald sa 'kin noon.

"To be honest, I'm a mafia boss."

'Ibig sabihin ba n'on ay totoo 'yong sinabi ni Herald sa 'kin noon?' Biglang nanginig ang mga kamay ko dahil sa sobrang takot.

"Illegal din po ba 'yon?" tanon ko. Agad akong pinakalma ni Kuya Ark at hinimas niya ang magkabilang braso ko.

"Just calm down... Don't be afraid, everything will be okay and trust us, okay?" Tumango ako sa kaniya at kinalma ko na ang sarili ko.

"We'll explain to you everything, okay? So, listen to us carefully, Henricka." Tumango ako kay Tito Vaughn at nakinig na sa paliwanag nila.

•*•*•*•*•*

Nandito ako sa hardin ngayon at mag-isa. Pagkatapos ipaliwanag sa 'kin ang lahat ay agad akong nagpaalam na magpapahingin na muna dito.

Napabuntong hininga ako at hindi ako makapaniwala dahil sa nangyari ngayon. Hindi ko inaasahan na ito pala 'yong hindi masabi sa 'kin nila Nebby.

Base sa paliwanag nila tito ay ginawa ni Tito Hariko ang org para sa proteksyon ng pamilya niya mula kanila daddy dahil sa nagiging bayolente na sila bawat araw.

At ang car accident kung saan namatay sila tito at tita ay mukhang hindi aksidente talaga base kanila Nebby dahil mukhang sinadya iyon.

At ang suspect nila ay sila daddy ang pumatay kanila tito para makuha ang lahat ng ari-arian nila dahil sa sila ang maiiwan na kamag-anak kaso, sa 'kin lang nila binigay 'yon.

Huminga ako ng malalim at napasandal na lang sa upuan habang nagpapahangin sa hardin.

••••• END OF CHAPTER 18. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now