Chapter 10

50 5 0
                                    


Kurl's POV.

Sunday

8:00 in the morning.

Almost two weeks na ang nakalilipas simula nung hindi na ako pinapansin ni Nicollo.

Siguro dahil parin dun sa Burger kaya ayan.

Nakikita ko siya sa school pero hindi niya talaga ako pinapansin.

I even attempted to approach him pero kapag nandun na ako ay wala sa sarili akong napapaurong.

Si Paulo naman biglang nawala!! Ewan ko ba?

Maski si sir Ken ay nawala din ng biglaan.

Aksidente kong narinig sa bagong manager na si Paulo pala ay nasa ibang bansa at doon pinag-aral kasama ang iba pa niyang kapatid.

Kaya pala hindi ko naintindihan ang huli niyang text. "Mag-iingat ka palagi "

Tumigil na pala ako sa pagtatrabaho. Pinakiusapan kasi ako ni lola eh.

Nakaraang linggo lang ay nagkasakit ako. Sabi ng doctor ay dahil sa puyat at pagod.

Ayoko namang mag-alala si lola kaya sumunod na ako sa gusto niya.

"Apo magsisimba ako kasama ang mga bata. Sasama kaba?"

Agad akong tumayo at sinabing sasama ako.

Ipagdadasal ko na sana bumalik na yung dalawa kong kaibigan. Si Paulo at Nicollo.

Si Paulo mukhang malabong babalik dahil doon na siya mag-aaral.

Samantalang si Nicollo? Ewan. Hindi niya ako pinapansin eh.

...


"Lola gusto ko po nung kalamay." pagturo ko dun sa mga nakahilerang tindahan sa may gilid ng simbahan.

"Ayy mamaya na po pagkatapos nating magsimba." nakakahiya kasing kumain sa loob, haha.

Hindi ko alam pero bigla ata akong naging matakaw. Nahawa ata ako kay Nicollo?

Mga ilang sandali lang ay nagsimula na ang misa. Buti at hindi magugulo itong mga apo ni lola. Bale lima kaming lahat.

After 20 minutes.

"Kuya may nangangalbit sa akin." pagsusumbong nung apo ni lola.

Hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino.

"Hayaan mo. Baka crush ka lang." natatawang balik ko.

"Kuya ang kulit eh. Pati si patpat kinakalbit na." naiinis nang sabi ni Kit.

"Huwag niyong pansinin." inis kong balik.

Nasa kalagitnaan kasi kami ng sermon ni father eh at nakikinig din ako.

"Kuya ang kulit eh." inis na inis nang sabi ni patpat.

Hanggang sa nainis narin ako ng tuluyan at agad kong binalingan yung nangangalbit.

"Pwede bang tumigil kayo? Nagsisimba kami huwag kayong mang-istorbo!! Ano bang problema..."

Wala sa sarili akong napatigil ng mapansin kung sino ito.

Saglit pa akong natulala sa taong nangangalbit. Nang makabawi ay agad akong bumaling sa harap.

Si Nicollo pala. Kasama yung apat na lagi niyang kasama sa school, barkada siguro.

Kung anu-ano pamo pinagsasabi ko.

Kamusta na kaya siya? Sa totoo lang miss ko na talaga siya. Gustuhin ko man siyang kausapin pero hindi ko magawa.

Can't We Try?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα