Chapter 8

103 4 0
                                    

Can't We Try? 8

Makalipas ang ilang oras ay sa wakas at uwian nadin, kailangan ko nang puntahan si Martin at baka magtampo pa yun.

Agad na akong bumaba para puntahan siya, gagawa kasi kami ng
assignments eh, siguradong wala nanamang alam yun, bopols eh, haha.




"Wuy hindi paba kayo tapos magpraktis?" pagpansin ko rito habang nagpupunas ito ng kanyang pawis.

"Oh nandyan kana pala Kurl, katatapos lang namin, wait moko ha?" balik naman nito ng nakangiti.

Pinagmasdan ko lang naman ito habang nagpupunas ng pawis,..

"Diba sabi ko iba dapat pamunas mo sa mukha at pawis mo sa katawan?" inis kong sabi rito.

"Eto po oh, magkaiba yan." saka naman niya pinakita yung dala niya, sabi ko kasi sakanya na hindi niya dapat ipamunas sa mukha niya ang pamunas niya sa pawis ng katawan niya.

"Akala ko kasi,.. osya bilisan mo at gagawa pa tayo ng assignment." pagmamadali ko rito.

"Saan tayo? sa amin o sa inyo?"

"San mo ba gusto?" tanong ko rin dito.

"Ano bang oras yung trabaho mo?" tanong din nito, ganito kami minsan ni Martin, puro tanong walang sagot.

"5 pa naman, 2pm pa lang oh." paglapit ko pa ng relo ko sa mukha niya.

"Edi samin tayo, tara?" ngiti naman nito saka na kami umuwi.

Pareho kaming may motor ni Martin kaya naman para kaming tanga sa daan na naghihintayan, hunghang eh.
Magkapitbahay lang kami kaya kami naging magkaibigan, siguro almost a year na silang nakatira dun.

Sa wakas at naka-uwi nadin kami, tinignan ko naman siya.

"What?" tanong naman nito na naka-taas pa ang isang kilay.

"Ang itim naman ng kaibigan ko." pagbibiro ko rito at mukhang pikon nanaman ang asungot. "Sows kaw talaga, ako na gagawa ng assignments natin at kumopya ka nalang bukas ng maaga okay? maliligo na ako at may trabaho pa ako, farewell my darkfriend!" pang-iinis ko pa rito saka na ako dumeretso sa aking bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay napa-upo na lang ako sa sala, at pinagmasdan ko ang loob ng bahay, nalungkot nanaman ako.

Walang tao, tahimik, malinis. Yung bang walang nanggugulo sa loob, walang maiingay, walang mga nagtatawanan, sa madaling salita, nakaka-lungkot.

"Malungkot ka nanaman." mahinang sabi ng isang matandang babae, si lola zen, siya yung tumutulong sa akin ngayon, kapitbahay ko din siya at siya ang pinakamabait na kapitbahay ko, siya na din tumayo bilang magulang sa akin.

"Lola, papuntahin niyo po mga apo niyo rito, yung mga makukulit na bata para naman mabulabog bahay ko, please?" pabiro kong sabi rito pero alam kong alam ni lola na malungkot ako.

"Alam mong magugulo masyado ang mga iyon." tugon naman nito saka naupo sa harapan ko. "Kurl apo, alam kong namimiss mo nanaman ang mama at papa mo, pero sana tibayan mo pa ang loob mo ha? alam ko din kung gaano kahirap ang mag-isa sa buhay kaya naiintindihan kita kapag sinasabi mo nang ayaw mo na, pero heto ka ngayon nag-aaral at ilang taon na lang ay makakapagtapos kana, kaya sana huwag kang sumuko." seryoso nitong sabi, hindi ko na napigilan ang maiyak, si lola ganyan lagi, halos kilalang-kilala narin kasi ako ni lola eh, siya din kasi ang tumutulong kila inay nung mga panahong nandyan pa sila.

"Syempre po." pagpigil ko sa pag-iyak at pagbigay ng pilit na ngiti. "Si Kurl Santiago po kaya ito." dagdag ko pa saka na kami nagtawanan ni lola, alam niya kasing pilit kong iniiwasan ang maiyak.

Can't We Try?Where stories live. Discover now