Chapter 4

105 3 0
                                    


Naabala naman ako sa naalalang usapan namin kahapon, paano kung maghintay nga iyon? Ahhhhh.

Bigla namang umulan, napakalakas, masyadong biglaan ang bagsak.

"Jaja anak tara doon muna daw tayo sabi ng ate mo at makasilong tayo, dali ang lakas ng ulan oh." pagsigaw ng aking inay.

Nakasilong naman kami, nguni't sa sobrang lakas ng hangin at ulan ay nababasa padin kami kaya kailangan naming lumipat sa may kainan.

Nanlaki naman ang aking mga mata sa naisip at biglang nag-init ang aking dibdib tanda na ninenerbyos ako, paano kung naghihintay nga si Kyle sa akin? Sabi niya pamo sa akin kahapon na nagmo-motor lang siya, ahhh yung talagang tisoy na yun oh..

"Ah ma, sige doon na kayo, may pupuntahan lang ako." pagsigaw ko rito dahil sa ang lakas na ng ulan at dali-dali na akong tumakbo.

Ewan ko pero ninenerbyos ako habang tumatakbo sa kalagitnaan ng malakas na ulan, basang-basa na ako. Mas lalo ko namang binilisan ang pagtakbo, halos gusto ko nang lumipad.

Nakikita kong pinagtitinginan ako ng mga taong naka-silong, sobrang lakas kasi ng ulan pero hindi ko ito pansin dahil nagmamadali talaga akong makapunta sa napag-usapang lugar namin ni Kyle.

"Girl tignan mo yung tumatakbo oh, ang gwapo."

"Ayy bet ko yan."

"Chinito oh."

Mga ilang sandali pa ay nakarating na ako sa lugar kung saan ako susunduin ni Kyle.

Napatigil ako sa aking nakita, nag-init ang buong katawan ko sa aking napagtanto,.. may isang lalaki na naka-upo sa malapit sa kanyang motor, nakasubsob ang mukha nito sa kanyang mga tuhod at yakap-yakap niya ang kanyang binti, dahan-dahan akong lumapit dito, nanginginig ito at basang-basa.

Halos maiyak ako sa aking nakikita, kasalanan ko 'to at naiinis talaga ako sa aking sarili, naiiyak ako sa sobrang awa rito, lalo na at gusto ko itong taong ito at ang realidad pa na dahil sa akin kaya ito nagkakaganito. Dali-dali akong tumakbo papunta sakanya.

Niyakap ko agad ito habang nakasubsob lang ito sa kanyang mga tuhod, ramdam ko ang panginginig nito.

"J-j-jus-tin?" putol-putol nitong sabi, ramdam ko ang panginginig nito habang naka-akap ako dito, niyakap ko ito nang napaka-higpit.

"I'm sorry Kyle." mahina kong sabi rito.

Nagtagal kami sa ganung pwesto ng halos isang minuto.

Naramdaman ko namang kumawala ito sa aking pagkakayakap, tumayo ito, mas lalo akong nahiya dahil tiyak na galit na galit ito sa akin, napaduko lang ako.

Nagulat naman ako rito, hinawakan ako nito sa aking mga balikat saka marahan ako nitong itinayo, nakatingin lang ako sa mga mukha nito, pareho kaming basang-basa, alam kong nagpipigil ito ng panginginig tulad ko. nagtitigan kami saka ako nagulat sa sunod nitong ginawa.

Niyakap ako nito ng mahigpit, saglit akong natulala dahil ang buo kong akala ay galit ito at sasabihan ako ng masama, at dahan-dahan ko na rin itong niyakap.

"Kyle naman eh, ba't hindi ka man lang sumilong?" tonong panenermon ko rito.

"Diba sabi ko maghihintay lang ako dito? Kaya hindi ako umalis at talagang hihintayin kita kahit hanggang bukas pa." ramdam ko ang sinsero sa boses nito.

"Ahh ikaw talaga, tara na nga nanginginig ka pa oh, baka magkasakit ka, tara punta na tayo sa inyo." saad ko rito, saka ako kumawala sa pagkakayakap.

Can't We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon