Chapter 1

265 6 0
                                    

(on the clock, 5 o'clock in the morning)

"Kriiiiiiiiiinggg!..... Kriiiiinggggg!"

nagising ako sa nakakabusit na tunog nang aking alarm clock at napaka-dilim pa kaya pumikit parin ako, sa sobrang antok ko pa ay kinakapa-kapa ko itong hinahanap sa lamesang katabi ng higaan ko para sana patayin ito, nguni't hindi ko ito mahanap at nangapa-ngapa pa ako habang nakapikit dahil ayoko pa talagang bumangon dahilan para ako'y tuluyang mahulog na mula sa aking higaan sa katangahan sa pagkapa.

"Ahhh!!" inis kong sabi ng bumagsak na ako sa baba, at dahil sa antok na antok pa talaga ako ay pumikit muna ako para sana magpahinga muna nguni't nakatulog nanaman pala ako.

Makalipas ng ilang minuto ay naimulat ko na lang ang aking mga mata, hanggang sa narealize ko na nakatulog pala ako ulit sa sahig at.... teka parang may nagsi-sink sa utak ko at..... Oras na pala!

Napabalikwas ako agad mula sa pagkakahiga at tinignan ang aking maliit na alarm clock.

"6 o'clock." pagbabasa ko sa pamamagitan ng aking isipan, nanlaki ang aking mga mata sa nakita, at ang klase ko ay 7:30am at siguradong late na ako sa first day of class.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at nang mapansin ko ang aking mga kapatid.

"Hoy mga hampaslupa bakit hindi niyo ako ginising? Late na ako oh!" pagturo ko sa aming orasan."

Siya nga pala, may tatlo akong kapatid na dalawang lalaki na 14 at 15 years old na at ang ate namin na 26 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang cashier sa mall. At ngayo'y si ate at ang aming ina ang gumagawa nang paraan para mabuhay kami. Isa lamang kaming mahirap na pamilya, pero saktong nakaka-kain naman araw-araw. At ang number one rule ng aking ina ay bawal ang puro problema ang iniisip at dapat laging masaya. Napaka-swerte namin dahil nagkaroon kami ng mapagmahal na ina, nagtatrabaho ito sa isang Sewing Shop dito malapit sa amin.

Ang aming itay ay matagal nang nasa kabilang buhay at alam naming dahil sakanya ang kung anong meron kami ngayon tulad nang trabaho ni inay at ate, despite sa kahirapang tinatamasa namin. Close na close kaming lahat sa isa't-isa lalo na sa aming inay. Masarap sa pakiramdam na si ate at mama ay parang magbestfriend lang kapag nagkekwentuhan, kapag wala silang trabaho ay nagluluto sila ng masarap na ulam at kapag katapos ay makikita mo na lamang sila na nagtatawanan dahil sa kanilang tsismisan.

"At bakit ha? Sinabi mo bang magpapagising ka? Eh excited nga kayong lahat kagabi sa first day niyo na kung saan ang aga-aga niyo nagsitulog." si inay na nagwawalis pala.

"Tapos na nga kami kumain kuya eh, papasok na kami." aba't naka-uniform na pala ang mga ito, parehong 3rd year students itong dalawang kapatid ko sa isang murang paaralan dito sa manila.

"Osya umalis na kayong mga hampaslupa at oras na." sabi ko sa mga ito para maka-alis na at baka ma-late pa sila.

"Kuya Jaja, paheram naman po kami ng shades mo, sayang ang first day kung hindi kami magpapa-impress sa mga new students." si Charl.

"Nako hindi niyo na kailangan magshades pa, mga gwapo na kayo Arvin at Charl kahit walang ganun. And one more thing is, sigurado ba kayo na sa mga istudyante kayo magpapa-impress? Or sa isa't-isa lang?" natatawa kong sabi sa mga ito.

"Hala? Magpapa-impress ako sa asungot na ito? Never!.....Dagdag points lang kuya, please?" si Arvin, na halos kahawig ko na, swerte nito at nakuha niya pa kagwapuhan ko, pero kung tatanungin lang ay si Charl talaga ang pinaka-gwapo sa aming tatlo na hindi kayang tanggapin ni Arvin na topakin.

Can't We Try?Onde histórias criam vida. Descubra agora