Chapter 3

110 5 0
                                    

Tumayo na ako nang tuwid saka naglakad, nasa kawalan ang aking isip habang naglalakad hanggang sa natisod na pala ako, ewan ko kung bakit pero parang nahihilo ako kaya pumikit na lang ako dahil akala ko ay babagsak ako pero nagtaka ako dahil parang walang nangyayari at pagbukas ko na lang ng aking mga mata ay may taong sumalo pala sa akin.

Ngayo'y nakasubsob ako sa dibdib nito, nakakapit din ako sa mga braso nito at naka-akap naman ito sa akin, alam kong lalaki ito at napaka-bango pa nito, narinig ko ang mas malakas na mga tilian saka ako natauhan.

Iniangat ko ang ulo ko upang makita kung sino itong sumalo sa akin, agaran naman akong namula at nanlaki ang aking mga mata sa nakita nang mawari ko kung sino itong sumalo sa akin, parang nawala naman ang hilong nararamdaman ko kanina.

Sa sobrang gulat ay napatitig ako rito, nakipagtitigan rin naman ito. Nang mag-sink sa utak ko ang mga nangyayari ay natauhan ako bigla.

Kumawala ako sa pagkaka-kapit ko dito, tumayo ako agad nang tuwid, naka-ngiti lang ito sa akin. Sobrang bango nito.

"Salamat Kyle." ang nasabi ko na lamang, dumeretso na ako sa harapan nang hiyang-hiya dahil sa dami nang pwedeng sumalo sa akin ay si Kyle pa talaga.

"Lord, sabi ko sapat na yung nakikita ko yung mga crush ko, at wag na yung ganito pa." nasabi ko na lamang sa aking isipan.

"Okay! Eto na pala siya." nang makalapit ako rito, rinig ko naman ang mabilisang sigawan nang mga babae at pusong babaeng mga istudyante pagkaharap ko sa kanila.

"Is there anything you want to say Mr. Dizon?" pag-aabot nang mike nito sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hanggang ngayon ay ang nangyari sa amin ni Kyle parin ang aking naiisip, hiyang-hiya talaga ako.

"Ahm,. Good morning everyone. I am Prince Justin Dizon,... a scholar student of this university." maikli kong saad sa mga ito para makababa na.

"Okay Prince Justin, mukhang napakarami mong taga-hanga rito ah?" sa dami ba naman kasi nang mga sumisigaw ay talagang hindi pwedeng hindi mapansin nang head ang mga ingay ng nagsisitilian.

Ngumiti lang ako rito.

---

Ngayon ay nasa room na kami, at hanggang ngayon ay hindi padin mawala sa aking isipan itong asungot na katabi ko, si Kyle.

Tama!,.... kailangan kong magpasalamat ulit dito, tutal katabi ko lang naman. Humarap ako rito.

"Ahm, Kyle?"'pagpansin ko rito habang may binabasa ito sa kanyang phone.

Tumingin naman ito sa akin nang may nagtatanong na mukha. Oh my god, ang gwapo talaga nito.

"Why?" tipid nitong tugon.

"Maraming sala..." hindi ko na agad natapos ang aking sasabihin dahil sa agarang pagsabat nito.

"No problem." pagngiti nito sa akin, mas lalo naman akong nagkagusto sakanya dahil sa mga ngiti niya, pero hindi pwede dahil asungot ito. Haha. By the way, everytime kasi na nasusulyapan o tinititigan ko ang mga taong nagugustuhan ko ay mas lalo akong nahuhulog sa mga ito, lalo na sa mga ngiti nito.

Ngumiti din ako sakanya saka na ulit umayos nang pagkaka-upo.

"Valedictorian ka pala." nagulat ako at nagsalita ulit ito, natuwa naman ako dahil kinausap ako nito.

"Oo eh." nahihiya kong sabi rito.

"Kaya pala ang galing mo magsalita, parang professional ah." pagpupuri nito, hindi ko alam kung ano ang susunod kong sasabihin, gusto ko kasi na tumagal yung pag-uusap namin.

Can't We Try?Where stories live. Discover now