Alas-dos na ng tanghali at naka-upo ako ngayon sa pwesto ko. Kinuha ko na ang baunan ko at nilapag 'yon sa lamesa.

Nakapag-luto kasi ako kanina bago umalis at tinulungan ako ni Nebby kaya nakagawa ako. Ang niluto ko ay adobo at kain saka, Orange Shortbread Cookies.

Marami akong nagawang Orange Shortbread Cookies dahil gusto kong bigyan si Kyle kasi naging mabait siyang kaibigan sa 'kin at lagi niya din akong nili-libre sa tuwing nakain kami sa labas

"Hmm... Mukhang masarap 'yan ah?" komento ni sir.

"Gusto niyo po ba ng cookies, sir? Mayro'n po skong sobra dito," sabi ko. Natuwa siya at tumango.

"Sure. Please, give me some para matikman ko naman. Tulad ng sinabi ko noon, gusto kitang tulungan," sagot niya.

Binigay ko sa kaniya ang ziplock na may laman na sibrang cookies at tinanggap naman niya 'yon.

"Thank you. See you later, okay?" Tumango ako sa kaniya at naglakad na siya palabas ng opisina. Kumain na din ako para mapuntahan na si Kyle mamaya para maibigay na ang cookies.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos kumain ay nandito sko sa department ni Kyle at agad ko siyang nakita na may kausap na ka-trabaho at ayokong maistorbo siya.

'Paano ko kaya maibibigay sa kaniya 'to?' tanong ko sa isip ko.

"Henricka? Anong ginagawa mo dito? May inutos ba si Sir Herald?" tanong ni Kyle nang napansin niya ako. Naglakad siya palapit sa 'kin.

"Ahmm... Hindi. Nandito ako para ibigay 'to sa 'yo bilang 'thank you' kasi lagi mo akong nili-libre sa tuwing sabay tayong nakain," sabi ko.

Inabot ko sa kaniya ang ziplock na may mga cookies at tinanggap niya 'yon. Napangiti siya at natuwa.

"Salamat sa cookies, Henricka. Saka, hindi mo naman kailangang gawin 'to para hindi ka na mapagod," sabi niya.

"Okay lang naman sa 'kin 'yan. Gusto ko lang talagang gawin 'yan para makapag-pasalamat sa 'yo. Kaya una na ako bago pa ako mahuli sa trabaho," paalam ko.

Tumango siya at naglakad na ako paalis nula sa department nila at bumalik na sa opisina ni sir.

THIRD PERSON

Pagka-alis ni Henricka ay agad napangiti si Kyle at bumalik sa pwesto niya. Tumingin sa kaniya ang kausap niya kanina.

"Ano 'yan? Saka, bakit ka niya binigyan?" tanong nito.

"Thank you daw sa pag-libre ko sa kaniya sa tueing sabay kaming nakain. Ginusto ko namang i-libre siya kaya hindi niya naman kailangang gawin 'to," sagot ni Kyle.

"Type mo ba siya?" tanong naman ng kaibigan ni Kyle.

"Nagse-selos ka ba, Moni?" pang-aasar ni Kyle. Agad siyang tinaasan ng kilay ni Moni at agad natawa si Kyle dahil sa reaksyon nito.

"Joke lang naman, Moni. Type ko siya kaso, mas gusto kong maging magkaibigan na lang kami dahil sa mas gusto ko 'yon," sabi ni Kyle.

"Okay..." Umalis na si Moni. Napa-iling na lang si Kyle dahil sa reaksyon ni Moni at kumain na lang si Kyle ng cookies.

•*•*•*•*•*

Dito sa kompanya na pinagmamay-ari ng mga magulang ni Henricka ay nasa loob ng meeting room para pag-usapan ang problema.

"Talagang pinalitan ni Henricka ang number niya para hindi natin siya ma-contact at ma-locate," komento ni Mr. Xerxes.

"Hula ko ay ginawa niya 'yon para hindi natin makuha ang pamana na 'yon. Aangkinin niya 'yon at hindi tayo hahatian," sabi naman ni Mrs. Xerxes.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now