Seventh Sense by purpleyhan

248 7 9
                                    

May 18, 2017 // 1:40 am

Natapos ko siya. Natapos ko ang Seventh Sense with puffy eyes. Like really puffy.

Uumpisahan ko siya sa Tantei High.

Matagal ko nang alam ang Tantei High, Seventh Sense, Oh My Ice Goddess, at yung mga novella. Nakikita ko syempre sa news feed. Hindi ko sila binasa or tiningnan man lang, but I am aware that the author is purpleyhan. The funny thing is that I love reading her works (she got me at Campus Royalties) pero hindi ko binasa yung Erityian Tribes series.

I was shocked? Iba kasi yung genre niya and I was more into romance. Kaya nagulat ako nang makita ko itong mga librong ito at si purpleyhan pa ang author. So... hinayaan ko lang. Parang... wala lang. Dedma lang kumbaga.

I decided to read Tantei High ngayong year lang. This summer pa nga, eh. Ang tagal-tagal na pero ngayon ko lang binasa. It was a sort of fresh story for me. Sa sobrang fresh, wala akong masyadong feels pero naastigan ako.

Since tapos na ako, dapat proceed na ako sa ss. Kaso may mga nakita ako sa twitter... kesyo nakakaiyak at masakit daw. Nagdalawang-isip tuloy ako.

I was torn.

Sa isip ko, masakit daw eh so ano... babasahin ko pa ba? Ayaw kong umiyak.

I even tweeted my view about Tantei High. Maganda siya, okay? It's a very great story. Ang astig na mystery/thriller, pero hindi ako ganon ka-go para basahin talaga siya. Para kasing lowkey-lowkey lang ako kay purpleyhan.

Syempre, di ba? May mga selective authors lang tayo na masasabi nating grabe makakuha ng loob natin. Basta. Depende na kasi yun sa reader. May author kasi na okay lang manghatak ng fans, may iba naman na bongga.

Anyways, what I'm saying is... hindi ako ganun ka-fan ng TH pero nagandahan ako. Nabigla. Namangha. Maganda siya, alright? Ang astig.

So, eto na. Binasa ko na nga itong Seventh Sense. Syempre, history nung mga parents nila Nathan at Rainie. Same pa rin yung feels, basa-basa ako... hanggang sa nakaabot ako sa Chapter 40 yata yun. Basta, parang naaapektuhan na yung damdamin ko talaga na parang tearjerking na yung mga pangyayari. Sa totoo lang ay di ko pa siya tinatapos kanina pero heto binasa ko hanggang 1:40 am. I think I started reading nung pa-12 am na.

Shit.

Grabe.

Ang. Sakit.

GUSTO KONG SUMIGAW SA SOBRANG SAKIT !!!

Sunod-sunod na chapters tapos lahat iniiyakan ko. As in yung mapapahawak ka sa puso mo tapos pipigain mo kasi ang sakit. Ang sakit-sakit. Hindi ko in-expect na ganito kasakit.

Sayang yung pagkakataon, pero sadyang masama ang tadhana dahil hindi binigyan ng pag-asa si Rielle at Aaron na magsama pa nang mas matagal. Pati si Mitsuo... si Akira at Mayu. Shit. Nakakainis. Ang sakit kasi. Sobraaaang sakit.

Habang umiiyak ako nang umiiyak, napaisip ako. Tapos na-realized ko na...

Ito lang yung story na iniyakan ko nang ganito katagal... karami... ito na rin yata yung pinakamasakit. Well, may isa pang story na dumurog pa sa puso ko pero iba yung tama nito.

Kung pwede kong sabihing tagos sa puso, sasabihin ko ma-suffice lang yung nararamdaman ko.

Words... are not enough. They are not enough to explain how much I felt while reading the remaining chapters.

My heart wants to cry, too. Sumusuko na yung mga mata ko pero hindi ko ine-expect na may iluluha pa pala sila.

Seventh Sense... :-----(

Ito yung story na hinding-hindi ko na uulitin. Once is enough. Twice will definitely kill me.

Hinding-hindi ko na 'to ilalagay ulit sa library ko o kahit sumilip man lang sa mga masasayang alaala ng the great seven.

Kasi tama na. Sobrang sakit.

Sa sobrang sakit... namanhid yung puso ko na after kong basahin at iyakan nang sobra... hindi ko na maalala yung sakit.

Shit. Buti na lang hindi sila totoo. Mas masakit, eh. Hays.

Hands down po, purpleyhan. My respect for you got bigger because of your Erityian Tribes Series.

Keep making great stories. God bless!

Ps: guys... paano makalimot?

Pieces of Thoughts (Recommended Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon