Until Trilogy by jonaxx

1.2K 26 4
                                    

Until He Was Gone.

Until He Returned.

& Until Forever.

Sino'ng 'di pa ang nakakabasa nito? Friend, I'm telling you, start. now. This trilogy brought a great impact to me. Funny truth: I've read this a lot of times. Paulit-ulit lang. Di ako nagsasawa. Halos ma-memorize ko na ang lines, lalung-lalo na ang parte ni Klare at syempre, ni Elijah.

One time, sa Literature class namin, napag-usapan yung mga inappropriate stories sa Wattpad. Na bad influence raw ang stories kasi pinapairal ang immorality. For instance daw, taboo relationships (cousin-cousin, brother-sister) at mga rated SPG stories. Tinuturuan daw ng Wattpad na maging immoral ang mga bata lalo na yung mga nasa 12 years old na nagbabasa rito. I have a lot of protests. Parang gusto kong sabihin na...

1) Nakadepende sa tao kung gagayahin nya yung binabasa niya o hindi. Common sense. Alam naman palang mali, gagayahin pa.

2) May nakalagay naman kung Mature or hindi ang isang story. At uso magbasa ng synopsis. Kung wala, ikaw na bahala magrate kung kaya mo bang basahin or hindi. Nakakawalang respeto sa mga authors.

3) Pumili kasi ng maayos na story. Yung professional ang pagkakasulat. Hindi baduy, hindi corny at mas lalong hindi jejeng basahin. No offense meant pero yung mga baguhan pagdating sa pagsusulat at pagpopost ng stories sa Wattpad, kadalasan, pangit ang plot. Or maganda nga, pangit naman pagkakasulat. But it will pass, practice lang. Pairalin ang intellectual ability.

Yung mga co-jsls ko sa room, nag-ingay (including me). Naging mainit na usapan tuloy ang good side ng Watty at ang pag-uusap about sa relasyon ng Klarijah. Takte! Instant celebrity yung dalawa hahaha!

Anyway, Klarijah's relationship didn't give me chills as in yung pandidiri chenes. Dahil na rin siguro sa pagbasa ko ng To Stay bago ang UT. Oo, yung story ni Erin ang nauna kong basahin bago ang UT. Binasa ko ang UT, last year lang. Mga August 2015 something.  Takte! Halos di ako makatulog kakabasa!

After ko siyang matapos, at ulit-ulitin palagi (lalo na nung summer mehe), nagtaka ako kung ano'ng meron sa Until Trilogy at gustung-gusto kong basahin. Kung ano bang meron ang istorya na yon at nagagawa kong ulit-ulitin. Siguro mga nasa 15 times ko na siyang inulit (adik lang). Pati yung One Night, One Lie. Vinisit ko ang profile ni Queen at in-open yung site niya. May nakita ako do'ng Trivia section kung saan nakalagay ang mga dahilan kung bakit nabuo ang mga stories ng ating pinakamamahal na Reyna.

{Visit her profile for you to find out: www.jonaxx.com/trivia}

Natawa na lang ako. Kaya pala. Kaya pala iba ang hatak ng UT. It's because. . .Queen poured her heart in writing it. Kaya pala may something. Damn! Magic talaga ang kamay ni Queen J! (wag green mga jsls)

Maraming nagkakandarapa sa Montefalco boys. No, 'di lang sa kanila, sa Jonaxx boys pala. Isa ako roon. Kapag naririnig mo ang name nila, or anything na connected sa kanila, napapahiyaw ka nalang. Yung feeling na parang kilala mo yung tao? Tsk. Adik na kasi tayo. Basta. Di ko alam. Basta, gusto ko ang Jonaxx boys. Dream boys kasi, e. Sa kanila nalang tayo maadik kesa sa masasamang bisyo. Hmm. . .masama rin atang bisyo ang Jonaxx boys? Binabaliw kasi tayo. Hahahaha!

Klare's personality is the best. Tama si Elijah, mabait si Klare. Basta. Tsaka, parang general personality na rin siya kung sakali mang ako, ikaw or lahat ng babae ay maka-experience ng ganito sa kapwa nila pinsan. Ganun naman talaga, 'di ba? If you feel like you're liking your cousin, of course, you'll gone berserk. Syempre, 'di ba? Pinsan mo 'yon ineng! Mas malala kung kapatid mo. Pero siguro, hindi naman talaga pag-ibig 'yon. Nagkataon lang na nagustuhan mo yung pakikitungo niya sayo at nalalagyan ng malisya. Siguro dahil na rin sa katotohanang ang tao ay naghahanap at maghahanap ng pag-ibig. Dahil 'yon ang available, pak. Ganun. Naka-serve na, kakainin mo nalang. Kahit alam mong may lason 'yung pagkain, go pa rin, kasi gusto mo.

Girls, boys, if you feel something towards your cousin or sibling. . .think about it in a normal way. Kasi, oo, kapag pogi o maganda talaga yung tao, magugustuhan mo. But never forget that you guys have the same blood. Marami pang iba dyan, wag masyadong uhaw sa pag-ibig.


Pero iba kasi ang sa Klarijah, they're not cousins. Wag na tayong magpakagaga at tanggapin ang katotohanan na hindi pwede ang magpinsan. Sa panahon ngayon. Di bale, baka pag tumuntong na tayo sa 22nd century, baka pwede na. Pwede na kayo lol. De, seryoso, 'wag. Nagkagusto na rin ako sa pinsan ko pero syempre, naisip kong mali yon. Crush lang naman. He's gwapo kasi plus the personality he has. 'Wag papalinlang sa feelings at emotions, dudes.

Anyway, HIGHLY RECOMMENDED NA BASAHIN TO. Bakit?

Maraming lessons kang makukuha. All about life.

Mamulat man lang ang mga isip nating immature kung mag-analyze ng mga bagay-bagay. Nakaka-frustrate kasi yung mga judgmental sa relationship nila Klare at Elijah. Pwe.

For us to know what true love means. What love can do to everyone. Kitams, natanggap din sila Klarijah (pero tigang pa rin si Ej hahaha!)


Maganda kasi. Promise. Hindi to joke-joke lang. Maganda talaga. Naiyak din ako rito kasi nga. . .WALA AKONG SARILING ELIJAH RILEY MONTEFALCO!

Anyway, because of UT, isa na sa bucket list ko ang pagtravel around Cagayan de Oro. Nalaman ko rin na maganda pala don (wiw). Syempre, pupunta ako ng Dahilayan, Siargao (kahit di to sa CdO), Lifestyle District, Xavier University (!!!), Xavier Estates(?) (nang makita ko to sa MAPEH namin nung Grade 10, halos sumigaw ako hahaha pinagtawanan nalang ako nung friend ko na nagbasa rin ng UT kasi grabe raw ako at natandaan ko pa yung place lol, sabi ko "DYAN NAKATIRA SI ELIJAH!" kahiya ever huhu ; ;)

Anyway ulit, hindi ko masyadong nareview kasi. . .di ko alam haha! Basta, alam niyo na 'yon. I'm running out of words kasi di enough yun para ibalandra ko ang beloved Until Trilogy plus parang isang update na to sa isnag story wiw!

Anong favorite part mo ng Until Trilogy? :) Ako. . .LAHAT! Hehe! Tense sa Until He Was Gone. Kilig vibes sa Until He Returned. Relief sa Until Forever. Hay. Sana makahanap din tayo ng kanya-kanya nating Elijah at Klare hihi

Okay lang pala di ako masyadong nag-elaborate kasi mai-spoil yung mga di pa nakakabasa (bait ko dabah)

Kaway-kaway sa mga jsls dyan! :)

Ps: visit jonaxx's profile for you to read Until Trilogy.

Pps: nasa external link yung site ni jonaxx mehe!

Pieces of Thoughts (Recommended Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon