Sinulatan ko na ang fill-up form na binigay sa 'kin at hindi na ako makapaghintay para sa mga supplies ko.

•*•*•*•*•*

Nakauwi na ko sa condo habang hawak ang mga pinamili ko kanina. Kahit na nanalo ako ay binili ko pa din ang mga nasa push cart ko.

Niligpit ko na ang mga 'yon at nilagay sa ref at cabinet. Kailangan kong makapagpahinga agad dahil sa maaga pa ako bukas.

Pagkatapos ay agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo na.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos maligo ay naka-upo ako sa sofa habang nagre-research sa kung paano kumita ng todo sa pagluluto.

Maraming nakalagay dito na mas maganda kung gagawa ka ng Youtube Channel at magpo-post ng videos tungkol sa paglu-luto.

"Parang mas maganda nga kung gagawa ako ng Youtube Channel bago mag-benta. May bayad din naman doon kung maaabot ko 'yong requirement para sa monetization," komento ko sa sarili ko.

"Maumpisahan nga 'to sa susunod para at least, ma-practice ko din ang baking at cooking skills ko," komento ko pa.

Pinatay ko na ang laptop ko at tumayo na mula sa sofa saka pumasok na sa loob ng kwarto para makatulog na.

~ NEXT DAY ~

Pagkapasok ko sa trabaho ay agad na sumalubong si Sir Herald sa 'kin at hinawakan ako sa braso at hinila ako papasok ng opisina.

"May nangyari po ba, sir?" tanong ko. Mukha kasi siyang nagmamadali kaya napatanong na lang ako ngayon.

"Sa totoo lang ay may nakalimutan akong sabihin sa 'yo," paninimula niya.

"This coming Thursday, you're going with me at may pupuntahan tayong birthday celebrant at she's a friend of mine and my cousin's girlfriend," dugtong niya.

"Anong oras po 'yon, sir? Saka ano po ang dadalhin at susuotin ko?" tanong ko naman.

"You can wear something that isn't formal but, appealing to the eyes. Basta maayos lang ang suot mo ay ayos na 'yon," sagot niya.

"Ang dadalhin mo lang ay ang schedules ko at 'yon lang. Okay?" Tumango ako sa kaniya habang nakangiti.

"Yes po, sir. Naiintindihan ko po," sagot ko naman sa kaniya.

"Okay, umpisahan na natin ang trabaho ngayon," pag-aya niya. Umupo na ako sa pwesto ko at binasa lahat ng mga papeles na nakalagay doon.

•*•*•*•*•*

Binabasa ko lahat ng mga papeles nang may nakakuha ng atensyon ko bigla.

"Ano meaning ng Love Room sa hotel?" tanong ko. Ito lang ang unang beses na narinig ko ang tungkol doon.

Para wala naman akong naririnig na Love Room dati pagdating sa mga hotels. Nag-stay na din naman ako dati sa isang hotel pero wala naman akong narinig tungkol doon.

"Ang Love Room ay para sa mga couples na guest sa hotel. So, alam mo na kung ano ang p'wedeng gawin doon," komento ni Sir Herald.

Bigla akong namula dahil sa sinabi niya nang naintindihan ko na kung ano ang gusto niyang sabihin sa 'kin.

Bakit ko ba kasi tinanong pa ang tungkol doon? Nakakahiya naman nang nalaman ko ang tungkol doon.

Napa-iling na lang ako at pinagpatuloy ang pagba-basa para mai-report ko na ang lahat ng ito mamaya sa boss ko.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now