Chapter Two

767 27 3
                                    

INAYOS ni Sasha ang set ng instrumento na gagamitin niya sa pagtugtog ng gabing iyon. Nasa isang kilala siyang bar sa Commonwealth at kasama ang banda na pinapasikat ng kuya niya bago ito mawala. Nang mamatay ang kuya niya ay sumasama na siya sa pagtugtog ng mga ito tuwing weekends. Gustong-gusto niya naririnig na kumanta ito. Bata pa lang siya ay alam na nilang musically inclined ito kaya nang kumuha ng kurso sa kolehiyo ay Music ang kinuha nito. Malaki ang tutol ng mga magulang dahil sa tingin ng mga ito ay anong mapapala ng kapatid sa ganoon. Siya alam niya kaya suportado niya ito. It makes him happy and complete. Iyon din ang nakakapagpasaya sa kanya.

After this death, hindi niya kayang iwan ang mga kabanda nito. Kaya nag-presinta siyang maging drummer at second voice ng mga ito. Bata pa lang siya ay mahilig na talaga siyang magpupukpok sa drums. Iyon lang yata ang instrumento ng kuya niyang minahal din niya ng husto. Pakiramdam niya ay nailalabas niya ang mga emosyon niya sa bawat pagbitaw niya ng palo sa drum. Hindi alam ng ina niya ang katauhan niyang iyon dahil alam niyang tututol ito. Nag-aaral siya ng maayos para maiahon ang mahirap nilang buhay  pero gusto niya manatiling buo ang pinaghirapan ng kapatid niya. Malaki ang tutol ng kanyang ina na mapasama siya sa isang banda. Hindi niya alam kung ang dahilan ay nang mamatay ang kapatid niya sa pagsali nito doon. Pero aksidente ang nangyari at nanagot na ang mga dapat managot.

Dalawang taon na rin ang nakalipas nang mamatay ang kuya niya sa isang riot. Napaaway ang banda nito sa kalaban na banda at naging sanhi iyon ng pagkasaksak nito. Mabilis naman na isinugod ang kapatid sa ospital pero wala na ito. Nabagok ang ulo ng kuya niya habang umaawat ito at dineklarang brain dead pagdatig sa ospital. Ito lang kasi ang kapatid niya kaya pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kinuha ang kalahati ng pagkatao niya. Mahal na mahal siya ng kapatid. Ito lang ang tanging tao na umiintindi sa kanya at tumutulong kapag kailangan niya. Well, Jacob, Hector and Noah was his brother bestfriends too. Sila ang bumubuo sa "Red Tag"--- ang pangalan ng banda nila. Kaya alam niyang masakit din sa mga ito ang nangyari sa kuya niya. Halos magkakapatid na ang turingan ng mga ito sa isa't-isa.

Nawalan ng gana ang mga ito pagkatapos mamatay ng kapatid. Kaya hindi niya hinayaan masira ang mga ito. They need a new member, there she is. Willing siya gawin ang lahat para manatili ang bandang pinagpaguran ng kapatid niya. Siya ang nagbigay ng bagong pag-asa sa mga ito. Kung ano ang importantevsa kuya niya, iyon din ang sa kanya.  Kaya hindi niya makayanan magalit sa mga ito. Alam din naman niya na hindi kasalanan ng mga ito ang nangyari. Aksidente ang nangyari sa kuya niya at wala dapat na sisihin sa nangyari.

Subalit hindi rin niya masisisi ang ina na matakot para sa kanya. Pero hindi niya kayang hayaan na lang masira ang banda na mahal ng kapatid niya. Alam niya na sa oras na malaman ng ina niya ang pakikipag-komunikasyon niya sa mga ito ay magagalit ito sa kanya. Pero naging buhay na ng kuya niya ang banda at ang musika nito. Hindi niya kayang mawala ang natitira nitong alaala.

Lumingon ang mga kasama sa kanya.

"Are you ready, Sash?" tanong ni Hector, ang bassist at male singer nila.

Ngumiti lang siya.

"Ano bang kakantahin mo ngayon?" tanong ni Jacob, ang keyboardist nila.

"Yellow ng Coldplay. Matagal ng request 'yon kaya pagbigyan natin."

Sumipol si Noah at inakbayan siya."Nice. Ang ganda ng version mo ng Yellow."

Noah was the band guitarist. Tinapik niya ang gitara nito kaya inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya.

Napatingin siya sa glass-walled sa kanyang gilid kung saan kitang-kita ang repleksyon niya. Hindi niya suot ang kanyang may gradong salamin sa halip ay nakasuot siya ng contact lens. Nakalugay ang kanyang nakapusod na buhok tuwing umaga. Fitted black T-shirt with demi-jacket at maong pants ang suot niya. High-cut pink chulk taylor ang sapin niya sa mga paa. Ito ang tunay na siya, walang halong pagpapanggap.

Nasty SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon