Chapter Nine

188 7 0
                                    

"ANO'NG ginagawa mo dito?" bungad ni Sasha kay Daniel nang mabungaran niya ito sa labas ng bahay nila. Nawala ang disoriented niya nang makita ang guwapong mukha nito. Ala-siyete pa lang nang gabi para puntahan siya ng binata. They moved their date due to her accident. May pasa pa rin siya sa braso pero hindi na ganoon ka-violet ang kulay.

Pinamaywangan niya ito habang sinusuri ito. He wore V-neck maroon shirt and fitted pants. He looked incredibly hot.                      

Sashaaa! Ano bang pinagsasabi mo? You hated him, right? Huwag ka maging marupok.
                                                     
"I assume you like what you see," nakangising sabi nito.                                               

"Ilusyunado!" she hissed.

Akmang sasaraduhan niya ito ng pinto nang bigla nito iharang ang sarili doon. At walang paalam na dumeretso ito papasok sa loob.                                                 

"Teka—" Maagap na hinarangan niya ang dadaanan nito nang dumeretso pa rin ito at nagawang banggain siya sa balikat. Hindi naman malakas pero sakto lang para makapasok sa loob.

Napamaang na lang siya sa ginawa nito at umupo sa couch. Hindi pa siya nakakapag-ayos at tingin niya ay maaga pa.

"Magbihis ka na—"                                                                                                                 

Tumaas ang kilay niya. "Sino ka ba para utusan ako? Hindi tayo okay dahil kasalanan mo ang nangyari sa mga tuhod ko."

Napalunok siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. Napaatras siya nang dumukwang ito at inilapit ang mukha sa  kanya. May kumosyon na naman tuloy sa loob ng sistema niya. Daniel knows to knock her inner feelings.

"You owe me a date, right?"   

"H-hindi ako umoo." she stuttered.

"You still owe me, Sasha. Should I drag you out for this date?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Oo na!" Humakbang siya paatras at tumakbo sa kuwarto niya.

Nilingon niya itong prente na nakaupo sa couch nila. May kung ano itong kinakalikot sa phone nito.
"Hintayin mo ko and don't move. Mabilis lang ako."

Pagkasara niya nang pinto ay agad siyang sumandal sa likod ng pinto. Ang bilis ng paghinga niya at pati ang tibok ng puso niya. Pero alam niyang wala itong maidudulot na maganda sa kanya.  Pero hindi niya napigilan ang sarili. May gusto siya sa lalaking iyon. Alam niyang nasa danger zone ang puso niya pero hindi niya mapigilan.            

Pinakalma lang niya ang sarili bago dumeretso sa banyo para magbihis.

xxx

NAGSUOT si Sasha nang simpleng lacy cream dress at doll shoes para sa dinner date nila. Dinala siya ng binata sa isang mamahalin na hotel-restaurant. It is a cocktail bar and lounge on the rooftop with plush seats and an intimate setting along the city skyline.

"You like here?"

Manghang tumingin siya sa liwanag na tila maliwanag na bituin sa harap niya. "Ang ganda-ganda dito, Dan."

Ngumiti ito. "I'm glad you like here,"

Sabay silang napalingon sa boses na nanggaling sa likod nilang dalawa. May ngiti sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya.

"Hi, I'm Andy. We already met in the infirmary." pakilala ng lalaki at inabot ang kamay sa kanya.

Saglit na tinignan niya ang kamay nito at tinanggap. Napasinghap siya nang pisilin at halikan nito ang likod ng palad niya.

Nasty SinWhere stories live. Discover now