Chapter Fourteen

130 7 0
                                    

"SAAN naman tayo pupunta?" may piyok pang tanong ni Sasha kay Daniel. Her eyes were puffy and her cheeks are burning red. Siguro talaga ay kailangan na lang niya tanggapin na mas importante pa rin sa ina ang iba kaysa sa kanyang sarili na anak nito.

Pagkatapos niya umiyak sa bisig nito ay pinasok na siya ng binata sa loob ng sasakyan. Hinaplos lang nito nang paulit-ulit ang buhok niya. Kahit papaano ay naibsan ang sama ng loob niya.

Hindi siya inimik ni Daniel hanggang huminto sila sa Mall. It is already ten-thirty pm. Halos sarado na ang mall nang ganoong oras.

"Anong gagawin natin dito?"

Bumaba lang ito at pinagbuksan siya ng pinto. "Daniel?"

"Come on, we will chill out."

Bumaba na siya at sumunod sa lalaki. Pinapasok lang sila ng guard sa loob hanggang sa matanaw na niya ang malaking skating rink. Silang dalawa lang yata ang nandoon at ang mga guard sa labas.

Pinaupo siya ni Daniel sa may labas ng skating rink at may kukunin lang daw ito. Pagbalik nito ay may dalawa na itong dalawang skating boots, mga skating protective gear, at skating gloves.

"Hindi ako marunong." Sagot niya.

Kinuha nito ang siko niya at sinuot ang protective gear. "I'm here, Sasha. I'll never let you fall."

Akmang isusuot na nito ang protective gear sa tuhod niya nang unahan na niya ito.
"Ako na. Kaya ko naman."

Tumango ito at tumabi sa kanya. Sinuot niya ang binigay na boots nito. Napatingin siya kay Daniel habang sinusuot ang sariling skating boots. He was doing that to ease her sadness. Napangiti siya habang tinitignan ito. Na-appreciate niya itong ginagawa ni Daniel para sa kanya. Gusto nito malibang siya sa ganoong paraan. Nage-effort ito para pagaanin ang loob niya.

Lumingon ito at kinuha ang kamay niya. Hindi na siya nakaalma ng isuot nito ang gloves sa kanya. "Are you falling, Sasha?"

Pakiramdam niya ay kinuryente siya sa simpleng tanong na iyon. Did she falling to him? Umiwas siya ng tingin at inayos ang pagkakasintas ng boots niya. "Advance ka din mag-isip. Sorry to burst your bubbles pero natutuwa lang ako kasi nag-effort ka pa talaga. Anong ginawa mo para makapasok tayo nang ganitong oras?"

He shrugged. "I pull some string with the help of my friend. Sila ang may-ari nito."

Nanlaki ang mga mata niya. "Rich kid ka talaga. Kaibigan mo iyong mga Mondragon?"

Tumawa lang ito at nilahad lang ang kamay sa harap niya. "Let's go?"

Napakurap siya at tinignan ang kamay nito. "Baka madulas ako sa loob, Daniel."

"You trust me, Sash?"

Tumango siya. Sa ngayon wala naman siya na ibang mapagkakatiwalaan kundi si Daniel. He was always there for her. Through her ups or down, he was always with her. Tinanggap niya ang kamay nito at buong ingat na tumayo. Hindi siya sanay na magsuot niyon dahil hindi pa niya nasubukan ang mag-ice skating.

Mahigpit ang kapit niya sa lalaki hanggang giniya siya sa loob ng skating rink.

"Daniel!" Napakapit siya sa balikat nito nang muntikan na siya madulas. Hinawakan nito ang baywang at braso niya para suportahan siya.

Napangiwi siya nang mahawakan nito ang may pasa sa braso niya. "Sorry. Masakit pa rin ba?"

Umiling siya. "Hindi na masyado. Okay naman na ako."

Bumaba ang hawak nito sa may kamay niya.

"Relax. I'll be with you." Mabining bulong nito.

She bit her lips. She felt tingling sensation on the way he whispered into her ears.

Nasty SinOù les histoires vivent. Découvrez maintenant