"Mabuti na lang at mabait ang boss ko at hinayaan lang ako! Pero, naisip niyo ba na nakakahiya 'yong gano'n, huh?" sigaw ko pa.

"Paano -"

"Lagi ko siyang sinasabihan na 'wag gamitin ang kotse ko dahil wala siyang lisensya, nakinig ba siya? Kaya lumalaking matigas ang ulo niyan dahil lagi niyong kino-konsinte eh!" pagpatol ko sa gusto niyang sabihin.

Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko dahil galit na galit na talaga ako ngayon dahil sa hindi nila alam ang tama sa mali.

Wala silang sinabi at nakita ko 'yung kapatid ko na gulat na gulat dahil sa ginawa ko ngayon. Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko.

"Kung hindi niyo kayang pigilan lahst ng ka-shitan ng batang 'yan pwes, 'wag niyo akong idamay at bahala kayo sa buhay niyo kung may mangyari man sa kaniya na hindi niyo magugustuhan!" sigaw ko pa.

Nang wala akong narinig na sagot ay agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang mga gamit ko.

Doon na lang ako sa condo ko mag-stay at gagawin ko na lang 'yung balak kong mag-benta sa online ng mga pagkain para lang magkaroon ng extra na pera sa pang araw-araw kong gastusin.

Tutal, wala naman akong aasahan sa kanila dahil sa wala naman silang pakealam sa 'kin at si Thea lang naman ang mahalaga sa kanila.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos kong impake ay lumabas na ako ng kwarto ko at nakita nila ako. Wala silang sinabi kaya naman pinagpatuloy ko lang ang paglalakad palabas ng bahay.

Hindi ko nakita ang sasakyan ko at hindi ko na lang pinansin 'yon dahil hindi naman nila ibibigay sa 'kin 'yon kaya mag-iipon na lang ako ng pera para makabili ng bago sa susunod.

Nang may humintong taxi ay agad akong pumasok sa loob at inabot kay manong 'yong address ng condo ko at pina-andar na niya ang sasakyan.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Gabbi.

"Hello, Gab... Pasensya na kung sobrang late na at tinawagan pa kita," paninimula ko.

"Hmm...? Okay lang, Jenny. May problema ba? Bakit parang naiyak ka?" tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"'Di ba, kinuha ni Thea ang sasakyan ko nang walang paalam at wala siya lisensya, 'di ba?"

"Tama. Mali niya 'yon. So, anong ginawa ng magulang niyo? Sinaktan ka ba? Pinagtanggol ba nila 'yong walang hiya mong kapatid?" tanong niya.

"Oo. Sinaktan ako ni papa at pinagpapalo ng yantok. Kaya naman nagsalita na ako at hindi sila nakasagot," sagot ko naman.

"Mabuti naman at lumaban ka. Dapat talaga ay ipamukha mo sa kanila na wala silang kuwentang magulang at pababaya," sabi niya.

"Sa sobrang inis ko na lang ay lumayas na ako sa bahay at sa condo ko na lang ako mag-stay. Magbe-benta na lang ako through online para lang magka-extra ako," pag-kuwento ko.

"Okay lang naman 'yan. At kung need mo ng tulong ay nandito lang ako, Jenny. Tutulungan kita, okay?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Thank you, Gab. Pasensya na sa istorbo," sagot ko.

"Wala 'yon. Lagi ka din naman nandiyan for me sa tuwing kailangan kita, Jenny. Kaya nandito din ako para sa 'yo basta tawagan mo lang ako," paniniguro niya naman.

"Thank you talaga, Gab. Kumusta ka pala? May nakuha ka na bang trabaho?" tanong ko.

"Sa totoo lang ay mayro'n na. Tinawagan ako kaninang umaga at bigyan ako ng posisyon sa office at tinanggap ko," sagot niya.

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now