Nagising ako ng bandang alas-dose ng madaling araw at napatingin ako sa cellphone ko nang nag-ring 'yon.

Tinignan ko 'yung cellphone ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nabasa kong message. Agad kong binaba 'yon at natulog na ulit dahil sa maaga pa ko bukas para sa trabaho.

~ NEXT DAY ~

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa 'kin ng kapatid ko kaya hinampas ko 'yung kamay niyang yumuyugyog sa 'kin. Narinig ko namang natawa siya kaya umupo ako sa kama ko.

"Ano ba kailangan mo? Ang sarap ng tulog ko eh," sabi ko sabay kamot sa buhok ko. Tumayo na ko mula sa kama at nagsuklay na.

"Ate, papasok na ko sa school. Hatid mo ko." Napatingin ako sa kaniya ng masama. Ano problema ng babaeng 'to?

"Kaya mo na 'yan. College ka na, remember? Pumasok ka nang mag-isa mo at may pupuntahan pa ako ngayon," sabi ko at pumasok na ko sa loob ng CR at naligo na.

•*•*•*•*•*

Pagkatapos kong maligo ay nakita kong wala na dito 'yung kapatid ko kaya napangiti ako. Hindi naman talaga kami close dahil lahat ng nagugustuhan ko ay nagugustuhan din niya.

'Yun din 'yung isa kong rason kung bakit ayokong magka-boyfriend ulit dahil alam kong aahasin din naman niya ulit.

Hindi naman siya pinagalitan ng mga magulang namin dahil sa siya ang paborito nilang anak at hindi ako.

Nagbihis na ko at lumabas sa kwarto. Kumain ng pang-umagahan at umalis na ko ng bahay. Nakaramdam ako ng inis dahil kinuha ng kapatid ko 'yung kotse ko! Punyeta!

Kaya pala pumunta sa kwarto ko para kunin na naman 'yung susi ng sasakyan ko. 'Wag na 'wag niya lang talaga sisirain 'yung kotse ko kundi, maglalayas na talaga ako dito sa bahay na 'to.

Tinawagan ko na si Gabbi at agad naman niya itong sinagot.

"Out of way ka ba dito sa bahay namin?" tanong ko agad sa kaniya. May narinig akong boses ng lalaki sa kabilang linya at alam kong kasama niya ang boyfriend niya.

"Nope. Why? Sasabay ka ba?" tanong niya sa 'kin at napatingin ako sa orasan. Hindi ako p'wedeng matanggal sa trabaho dahil ito 'yung unang araw ko.

"Oo. Kung okay lang," sagot ko at nakita ko na yung sasakyan niya. Ang bilis nito ah. Naka-abang ba 'to sa bahay namin?

"Tara na, Jenny!" Pag-aaya niya at sumakay na ko sa sasakyan niya. Pagka-upo ko ay agad akong tinignan ni Cadiel.

"'Wag niyo nang tanungin kung bakit wala ang kotse ko dito. Nabu-bwiset ako sa batang 'yun. Bahala siya 'pag nahuli siya ng pulis dahil wala siyang lisensya," sabi ko sa kanila at tinawanan nila ako.

•*•*•*•*•*

Nabyahe na kami ngayon at kanina pa ko pinapakalma ni Cadiel dahil sa nangyari ngayon.

"'Wag ka nang magalit, Jenny. Kalma ka lang at baka ma-apektuhan ang trabaho mo mamaya niyan," sabi niya pa.

"Okay, fine. Naiinis na kasi ako sa bantang 'yon dahil sa sobrang spoiled," komento ko naman at tumahimik na.

"Hayaan mo siyang mapahamak. Hindi naman ikaw ang masasaktan kundi, siya din," komento ni Gabbi at tumahimik na ko habang nakikinig sa radyo.

"Oo nga pala, ito 'yung card na pinapa-print mo sa 'kin kaninang madaling araw, Jenny." Kinuha ko 'yung card na inabot niya.

"Salamat talaga. Kailangan ko 'to para mamaya eh," sagot ko naman at nilagay na 'yon sa loob ng bag ko.

"Magkano pala bayad?"

"Walang bayad 'yan, Jenny. Tulong ko na 'yan sa 'yo saka, sinabi ko na, 'di ba? Tulungan din kita dahil tinulungan mo kong mapasagot si Gabbi." Natawa ako ng mahina at tumahimik na kami.

•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa building na pagta-trabahuhan ko at agad akong bumaba mula sa sasakyan.

"Salamat talaga." Pagpapasalamat ko sa kanila at naglakad na ko papasok ng building. Habang naglalakad ay kinakabahan ako dahil baka may magawa agad akong mali.

Lumapit ako sa guard na nagbabantay at may binigay na card. Kinuha niya 'yun at ngumiti sa 'kin.

"Ang ganda niyo, ma'am. Kayo pala 'yung bagong secretary ni Mr. San Marquez," nakangiting saad niya at nginitian ko siya ng konti.

"Mabait 'yung dalawang boss pero 'yung isa masungit pero mabait naman." Yumuko ako sa kaniya bilang pagpapasalamat. Hindi ako makapag-salita dahil sa sobrang kaba.

"S-sige po. Salamat," sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa loob. May nakita akong lalaking naka-suit kaya lumapit ako sa kaniya.

"G-good morning po," kabado kong saad do'n sa lalaki. Mukha siyang masunget. Ayoko na po dito. Suko na po ako.

"Henricka Jennilyn Xerxes, right?" Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa kaya mas trumiple 'yung kaba ko.

"Five minutes late." Napapikit ako ng mga mata ko dahil do'n. Nanginginig na ko dahil sa sobrang kaba. Please sabihin niyo na lang sa 'kin kung tanggal na ko dahil late ako.

"Don't worry. It's okay. I'm Alexandrei San Marquez, but I'm not your boss. Herald San Marquez is the name of your boss," malamig niyang saad at tumango ako.

"Hyung, bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ng isang bagong dating na lalaki at napa-nganga ako. Ang gwapo niya at mukha siyang hindi masunget.

"She's your new secretary. Be nice to her," sabi ni Mr. Alexandrei at naglakad na siya paalis. Yumuko ako do'n sa boss ko bilang paggalang.

"I-I'm Henricka Jennilyn Xerxes po sir," pagpapakilala ko at tumango siya sa 'kin.

"Follow me." Gusto ko nang umiyak. Mas malamig pala siya kaysa kay Mr. Alexandrei. Wala ba talagang mabait na boss dito?

•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa loob ng opisina at tinuro niya sa 'kin 'yung isang table kaya pumunta ako doon at umupo sa upuan.

"Sir? May mga rules po ba kayo dito?" tanong ko nang naka-upo na siya sa upuan niya. Napatingin siya sa 'kin ng seryoso.

"Yes. I have," seryosong saad niya sa 'kin kaya napalunok ako.

"A-ano po 'yung mga rules niyo?" tanong ko at ngumisi siya sa 'kin. Ayoko ng mga ngisi niya sa 'kin.

••••• END OF CHAPTER 1. •••••

Loving The Broken Bastard (San Marquez Series #2)Where stories live. Discover now