43: Boys VS. Girls

Magsimula sa umpisa
                                    

PAMBIHIRA!! Napansin kaagad ako ng lecturer kaya ayun napagsabihan ako. Waaah namumuro na si Jamille ah! Grabehan nalang ba gusto niya!?

"Belat!" Tinignan ko si Jamille ng masama. Lintek na babae 'to siya lang yung nagtangkang barahin ako eh.

Next subect, Physics. 2 hours yun. Buiset nga naman oh.

Habang nagtuturo yung lecturer bigla naman akong kinausap ni Jamille.

"Wag kang mag alala. Aasarin pa kita mamayang lunch break."

Sa ngalan ni Jamille. Amen.

Kulang nalang ako yung maging babae at siya yung maging lalaki eh. Baliktad ampucha. Dapat nga ako yung nangaasar sakanya. Pambihira naman talaga oh..

Natapos na yung tatlong subject namin. Ibig sabihin, taena. Lunch break na.

May text ako galing kay Kie.

From: Tinapay
Taena kayong dalawa nalang ni Jamille yung wala dito. May ginagawa ba kayong kababalaghan dyan?

Kababalaghan? Teka, napaisip ako dun ah... GAGO!

To: Tinapay
Gagu manahimik ka nga! Punta na kami dyan.

"Hoy panget tara na!" Kahit labag sa kalooban hinila ko si Jamille. Ang lambot pala ng kamay ng babaeng 'to.

Wala lang, dedma lang siya. Hindi ba siya na babahala? Ay bahala siya.

Pagkadating palang namin ng canteen ang daming taong nakatingin samin.

"O my G! Nahawakan niya yung hands ni fafa Andrei!"
"Baka ginayuma!"
"It's okay girls, malandi naman yan kaya siya ganyan eh."

Hindi malandi si Jamille. Alam ko lahat ng kalandian ng mga babae dahil yun na nga, womanizer ako. Hehe. Pero hindi ko pa nakita yung salitang 'Malandi' kay Jamille. TEKA! Pinagtatanggol ko ba siya? Tsk lintek naman.

Pagdating namin ng table nila Xander hila hila ko pa din si Jamille.

"Whoa."

Napatingin silang lahat samin sabay tingin naman sa kamay namin ni Jamille. Binitawan ko agad yun, baka ano pang isipin nila eh.

"Uy! Ano yan, ha?" Naka ngisi si Andrew samin.

"Ang alin? Tumahimik ka nga!" umupo nalang ako.

So bale katapat ko nanaman 'tong babaeng gurang na takas sa mental na suplada at amazona tska britanella na Jamille.

Pagkasubo ko palang ng pagkain biglang may sumipa ng paa ko ng napakalakas.

"ARAY!! BAKIT MO SINIPA YUNG PAA KO HA JAMILLE!?"

Lahat ng tao napatingin samin. Napalakas ata boses ko. Tsk lintek ang sakit nun ha!

"Ha? Ang ano?" Tumingin sakin si Jamille na may maamong mukha, parang inosente pa siya ah?

"Ano bang nangyayari sayo Christian?" Tanong ni Tinapay. Si Kookie nga pala yun.

"Si Jamille! Sinipa niya yung paa ko!" Napatingin sila kay Jamille sabay tingin ulit sakin.

"Ah paa mo pala yun? Sorry. Akala ko kasi bakal, ang tigas eh. Hehe." Yumuko siya tska nag evil grin. Sinadya niya yun. Taena talaga.

"See? Hindi niya yun sinasadya. Easy ka nga lang Mr. Mendoza. Tsk."

So kinakampihan na talaga nila ngayon si Jamille ah? Ha! Mga ugok talaga kahit kelan.

Humanda ka sakin, Jamille Alcantara.







[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon