Chapter 2: Fall

4.2K 209 103
                                    

Anna's POV

Pagkapasok ko palang ng canteen tinginan na sila lahat saakin. May dumi ba sa mukha ko?

Yung iba gulat na gulat saakin, yung iba nagbubulungan, sabi ko na nga eh. Yung iba naman parang nandidiri.

**********

"Look gurls! Papunta sya kila Andrew!"

"Ano ka ba! Syempre kapatid nya yun!"

"Ahy... Ganun ba? Anlayo kasi eh"

"Hahahahahaha"

Leche.

Ha? Wait, nasaan si Xander? Bakit si kuya at si Liam lang andito?

Ang daming tao dito. Sabagy iisang shift lang naman. Aba dapat lang! Ang mahal mahal ng tuition fee eh. Dito kasi sa
Gillands University, puro mayayaman lang. Mayaman din naman kami pero hindi as in totally mayaman na bilyonaryo, kumbaga milyonaryo lang. Nagtataka kayo kung bakit hindi ko napapaayos yung mukha ko? Haha manahimik nalang kayo. Mas sanay ako sa ganito, ayoko naman pa-famous katulad nung mga iba dyan na famous, hindi naman ginagamit sa tamang paraan.
Yung iba nga nagpapa-famous lang eh.

Umupo agad ako sa tabi ni kuya at bigla nalang akong napatingin kay Liam. Naka earphones sya tska tutok sa phone nya.
Si kuya naman kumakain lang. Di man lang nya ko pinansin.

Naisip ko na pumunta nalang sa gymnasium para hintayin ko nalang yun P.E. teacher ko.
Di naman ako gutom eh.

Tumayo ako at biglang may kumapit sa damit ko kaya napaupo nanaman ako. Ang sakit ng pwet ko dun.

"Excuse me? Saan ka pupunta? Ha?!"

"Kuya naman eh! Di ako gutom okay? Let me go!!!"  Napalakas nanaman pagkasabi ko kaya tinginan na naman sila.

"Bahala ka nga dyan!"
Sa wakas nabitawan na nya!

Pagkalabas ko ng canteen naalala ko na kukunin ko pala yung panyo ko dun sa babae na pinaiyak ni Xander kanina.

Hindi ko sya mahanap kaya dumeretso nalang muna ako sa locker ko.

Huh? Nakita ko yung panyo na binigay ko sakanya kanina, nasaloob ng locker ko.  Napansin ko na may nakasulat na letter.

[Thanks nga pala sa panyo Anna! Gusto ko sana makipag meet sayo mamaya kaso may mga works pa kasi ako eh... Thank you ulit >_<]

Ang saya pala ng feeling na may mag thank you sayo?

Kinuha ko nalang yung panyo tapos dumeretso nalang ako sa gymnasium.

**********

"Anna Garcia!"

Huh? Sino yun? Ang familiar ng boses...

"Hi Anna! Nabigay ko na pala sayo yung panyo mo. Nakita mo na? Thanks pala ah."

"Ah... Wala yun. Oo nga pala, bat ka pinaiyak ni Xander?"

"Hmm... Ayoko na maalala..."
Ah.. Haha sorry naman!

"Ahh.. Sorry... Akala ko kasi ayaw mo makipag meet sakin eh.." sabi ko.

"Haha oo nga eh kaso nakita kita kaya binuhos ko na yung time ko sayo! Ahh.. Sige na bye na. Pupuntahan ko pa yung section ko. By the way, I'm Ghiyanne...
Iyay nalang for short."

Umalis na sya, naka ngiti. Ang ganda ganda niya tska napaka-perpekto ng katawan niya.

*BLAG!*

"So Anna pala pangalan mo?" Speaking of the devil. Ano ba kasing pake niya sakin? Pati ba naman dito?

Hindi ko sya pinansin. Buiset to! Nginisian ko nalang sya tapos di ko napansin na nakaupo na pala siya sa tabi ko.

Nakukuryenta na ako. Ang daming tumitingin saamin ng masama, lalo na yung mga babae. Sino ba kasing hindi titingin saamin ng masama kung TATABIHAN BA NAMAN AKO NG ISANG GWAPONG LALAKI?

PERO NEVER, NEVER KO SYA MAGIGING GUSTO! AS IF NAMAN KUNG GUSTO NYA AKO, IMPOSIBLENG HINDI KAMI I-BABASH NG MGA TAO DITO LALONG LALO NA MGA BABAE!

Matagal pa bago dumating ang PE teacher namin kaya naagaw agad nung tindahan ang atensyon ko.

ICE CREAM!!

Ice cream!
Tamang tama, ang init dito. Pampalamig na nga lang.

"Kuya vanilla ice cream nga po." Inabot ko yung bayad ko kay manong.

Nung umalis na ako may biglang tumabig saakin kaya na out of balance kami dalawa.

Hinawakan nya yung bewang ko at pinaikot nya kaming dalawa kaya sya yung nasa baba at nakapatong yung katawan ko sakanya. Feeling ko nanginginig na ako. Tapos ang blurry pa ng paningin ko.

Tumayo agad ako tapos kinamot ko yung mata ko para sigurado kung namamalikmata lang ba ako.

Nung lumiwanag na onte yung paningin ko, na realize ko nalang na pinapaligiran na kami ng mga tao, tahimik lang sila pero karamihan sakanila naka tingin saakin... Pagkatingin ko sa baba nakita ko nalang na may lalaking nakahiga sa sahig.
Wait, SYA BA SI------

SI XANDER?!

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon