32: Role Play

2.1K 158 91
                                    

Anna's POV

This Is It panSHIT!

"Anna ito na yung isusuot mo! Isukat mo kung sakaling hindi kasya!" Binato sakin ni miss Andrea yung Costume na mukhang ewan.

"Miss Andrea hindi pa po ako ready." Nag pout ako.

"Grades mo nakasalalay dyan. Kelangan focus ka mamaya sa play."

"But---"

"No Buts!"

Waaah lintek ayoko na! Wala akong nagawa kundi isukat nalang yung costume ko. Bahala na kung magmukha akong tanga sa stage.

Nung humarap ako sa salamin, okay. Okay na. Mukha na akong tao.

"Anna! Labas ka dyan!" Kinabog kabog ni Selina yung pintuan ng dressing room.

Pagkalabas ko mukhang nagulat si Selina na mukhang ewan kung titignan mo. -_-

"Mukha na ba akong timang?"

"Hindi... Ang ganda mo!"

"Psh... Bolera? Nangangati na nga ako dito sa suot ko tapos ang init init pa. Hays!" Kinamot ko yung leeg ko. Ang kati sa katawan nito.

"Ano ka ba! Ay teka, kaya mo bang ilakad yung heels mo?" Shoot! Oo nga pala may heels pa ako. Huhu pano na 'to? Bahala na si Pikachu kung madadapa ako. Eh ano pa bang magagawa ko? Aigoo.

"Nga pala, asan si Kie?" At bakit ko ba hinahanap si Xander?

"Nagreready. Uy bess infairness," Lumapit siya sa tenga ko tska may
binulong. "Ang gwapo niya!"

Binatukan ko. "Sira!"

"Seryoso! Ang gwapo niya sa suot niyang costume! Omo!" Langya talaga 'to si Selina kung kiligin akala mo sakop niya buong mundo. -_-

"Weh?" Bakit ako naging interesado?

"Oo nga! Tignan natin tara!" Hinila niya ako papunta dun sa boys room pero pinigilan ko siya. "Wae?"

"Anna! Make over kita halika na!" Sigaw nung teacher sa section 9.

"Ah sige po!" Tinignan ko si Selina. "Mamaya nalang."

"Okay go."

Pumunta ako dun sa likod ng stage. Andun na rin pala yung mga ibang babaeng role players, nakita ko dun sila Cassandra, Ara, Jamille tapos yung mga juniors at seniors na mga babaeng role players.

"Hi Ara! Jamille!" Hindi ko binati si Cassandra kasi magsusungit lang naman sakin yan.

"Hi Anna!" Sabay pa sila.

Nga pala, si Ara tapos si Jamille, bestfriend ko din yang mga yan. Di lang kami nagkakapansinan kasi
magka-iba naman kami ng mga department.

"Ang gaganda niyo naman!" Ang ganda ni Ara sa suot niyang Belle costume. Si Jamille naman ang sexy niya sa suot niyang mala-sleeping beauty. Partner niya si kuya mamaya eh.

"Hi ate Anna!" May kumalabit sakin na isang junior sa likod ko.

"S-sino ka po?" Nung una akala ko si Selina siya pero iba pala.

"Ahmm Anna, siya si Sheena, yung lil' sister ni Selina." Singit ni Ara.

Omo! May kapatid pala si Selina? Well I wasn't expecting that, haha. Magkahawig nga sila.

"Ah hello Sheena!"

"Friend ka ng ate Selina ko diba? Pwedeng friends na rin tayo?" Ang bubbly niya, hyper.

"Sure! Oo pwede. Haha."

"Talaga? Yipiee!" Para siyang bata, mana sa ate Selina niya. Haha.

"Anna! Make up time!" Sigaw ni miss Andrea.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon