Chapter 13: Last message

Zacznij od początku
                                    

"I'm Sorry, Mahal kita Clare mahal na mahal pero pasensya na hindi na pwede eh. Hindi na pwedeng maging tayo, alam ko masakit pero kalimutan mo na ko clare mag move-on ka dahil wala ka nang babalikan pa sakin. Pleasse kahit ito lang maging masaya ka para sakin. Layuan mo narin ako dahil masasaktan ka lang, maging masaya ka kahit wala ako sa ganun paraan magiging masaya na rin ako para sayo."-Nakangiting sabi niya
Sabay punas sa mga luha ko


"P-pero *Sniff* bakit?"-sabi ko 




"Sa isang relasyon may parte talaga na masasaktan kayong pareho, tulad neto ayaw kitang saktan clare, ayaw kitang pakawalan, ayaw kitang mawala sa buhay ko pero hindi pwede eh.
Ayaw ko man wala akong magagawa para sayo naman itong ginagawa ko para sa ikakabuti mo."-sabi pa niya ignoring may question, nakita ko pang nangilid ang mga luha niya pero nag-iwas siya ng tingin at pasimpleng pinunasan ang mga iyon



"A-anong para sakin? Para sakin na masaktan talaga ako? Kyle hindi para sa ikakabuti ko ito dahil nasasaktan ako! Nasasaktan! Parang dinudurog yun puso ko."-Sabay hampas ko sa dibdib niya



"Alam ko kailangan eh, nasasaktan rin naman ako at mas dumudoble pa dahil mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita kitang nasasaktan. Maiintindihin mo rin ang lahat,
malalaman mo rin ang lahat pero hindi pa ngayon. Mawawala rin ang sakit clare at sa panahong iyon makakalimutan mo rin ako, makakamove-on ka na, magiging masaya narin ako nun kapag nakita kitang masaya
Sa ngayon paalam muna,



Kahit na kalimutan mo man ako katulad ng sinabi ko, ako hinding-hindi kita kakalimutan.
Ito ang tandaan mo at last message ko para sayo Clare, Mahal na mahal kita."-Sabi niya sabay halik sa noo ko tsaka niya na ko tinalikuran at iniwang nakatulala

****

Pagdating sa bahay agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko sabay lock sa pinto kahit na tinatawag ako ni mommy.



Inilapag ko lang ang bag ko sa couch tsaka nag-alis ng sapatos
Pagkatapos dumapa na ko sa kama at kinuha ang unan ko
Sinubsob ko ang mukha ko dun at dun nagpakawala ng mga hikbi at humagugol




"Nakakainis ka!!!!! bakit!? bakit mo ko iniwan!? Sinungaling ka!
sabi mo mahal mo ko pero iniwan mo ko! Ang daya mo!"-Sigaw ko at maya-maya lang narinig ko ang sunod-sunod na katok mula sa pinto ng kwarto ko




"Anak!? Anong nangyayari!? Bakit ka sumisigaw!?"-sabi ni mommy sa may labas ng pinto ko habang kumakatok parin pero hindi ko siya sinagot tuloy lang ako sa pag-iyak



Ewan ko kung ilang minutong nagkakakatok dun si mommy bago ko maramdaman ang mga yapag pababa ng hagdan




Ang akala ko titigil na siya pero narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto ko, ginamit nila yung susi sa kwarto ko




Naramdaman ko ring nagbaba ang kama ko sa may gilid



"Anak what happen?"-boses ni daddy ang narinig ko kasama niya siguro si mommy



Hinarap ko sila at umupo.
"M-mommy...daddy...."-Sambit ko at sinunggaban sila ng yakap
Naramdam ko namang niyakap nila ako pabalik at hinagod ang likod ko, ako naman umiyak lang sa mga balikat nila



"Ssshhhhh...."-pagpapatahan ni mommy sakin


"Ano bang nangyari anak?"-tanong naman ni daddy


Kumalas ako sa pagkakayakap sakanila at pinunasan naman ni mommy ang mga luha ko


"M-mom...d-dad...break na kami ni kyle."-pumipiyok na sabi ko



"Huh? Why?"-takang tanong ni mommy habang inaayos ang mga buhok kong nagkalat sa mukha ko



"M-mom...m-magpapakasal na siya."-sabi ko at napahagulgol ulit, walang namang nagawa sina mommy kung hindi yakapin at icomfort ako

Your last message........................ it's hurt a lot

----------------------
A/N: Wooahhhh, ano na kayang mangyayari kina Clare at kyle?
Magkakaayos pa kaya sila?

Uggghhhhh, i'm sorry badtrip ako ngayon yung feeling na nagcr ka lang saglit iniwan mo yung phone mo tapos pagbalik mo may nakialam na at nagsearch ng kung ano-ano at sinend pa talaga sa messenger ko, sa isang gc pa naman at sobrang importante nun

At alam niyo kung ano yung sinend? SPG lang naman o Matured content

Uggghhhh! Kainis kahit na burahin ko yun makikita parin ng lahat kaya ayun nagexplain nalang ako at nagleave dahil narin sa main reasons

Mapapatay ko talaga kung sinong nakialam ng phone ko, grrrrr!!!!

Sorry kung sinasabi ko ngayon ito dito, naiinis lang talaga kasi ako

MEIACP 2: Playful Feelings [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz