Nagulat ako nang biglang pinagdaop ni Lade ang kamay namin at pag lingon ko dito agad sinalubong nang labi nya ang labi kong medyo nakaawang pa.Nagkagulo ang mga tao at Halos hindi magkamayaw sa kasisigaw ang mga fans ko pero wala na yatang lalakas pa sa kabog nang dibdib ko habang magkalapat parin yong mga labi namin at parang may nag liliparang ibon sa may tyan ko.Ibon talaga dahil parang hindi kaya nang paru-paru yong kakaibang kuryenteng nararamdaman kong dumadaloy ngayon sa katawan ko.

"Let's go?" Sabi nito pagkatapos.Nag thank you pa ito sa mga fans bago kami tuloyang tumalikod hababang nanatiling hawak nya parin ang isa kong kamay.

Pag dating namin sa basement parking hinihila kona ang kamay mula rito upang magtungo sa kotse kong nasa kabilang side at kitang-kita kona si Jars na kumakaway sakin na syang nakatuka ngayon sa unahan para mag drive.Pero napaangat ang tingin ko kay Lade nang lalong humigpit ang hawak nito.Lumapit ito sa kinaroroonan ni Jars,napasunod na lang ako dito.

"Hi. ' Jars,ahmm.. Pweding isama ko muna si Katrina? Mag di-dinner lang kami don't worry." Nagkatinginan kami ni Jars.

"Tch..' May magagawa ka ba kung sakaling tumutol ko?" Mataray na tanong ni Jars Sabay kindat sakin nang palihim.

"Please..??" Pakiusap naman ni Lade na halatang nag papa-cute dahil nakanguso ito nang bahagya habang naka ngiti naman ang mga mata.

"Kalokes..' O'sya..ingatan mo yang baby girl ko,at pakiusap lang kung maaari,wag mona syang sasaktan." Kunwaring pilit na pagpayag ni Jars, sabay rolyo nang mga mata.

"Thanks, Jars' kaya lalo kang gumaganda."

Muntik akong mapabunghalit nang tawa nang biglang mamilog ang mata ni Jars habang todo ngiti na kay Lade.

------------------------------------------------------

Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant at mas lalo akong kinilig nang ipaghila pa ako nito nang silya upang makaupo bago ito umikot para umopo naman sa may harap ko.May lumapit agad saming waitress at inabot ang menu.

Kasalukuyang kaming pumipili sa menu nang biglang tumonog ang phone nitong nakapatong sa ibabaw nang mesa.Kumonot muna ang noo nito habang tinitingnan kung sino ang tumatawag at nagulat na lang ako sa pagmamadali nitong pag dampot sa phone nya Sabay sagot.

"Yhurie?" Agad na bungad nito.kaya pala halos hindi ito mag kamayaw sa pagsagot."what?!" Taranta itong napahilamos. "Tell me,where are you?!" May pag aalalang tanong nito. Isang tawag lang ni Yhurie para na syang bombero na kailangan ura-mismo.Hindi ko maiwasang masaktan dahil nagkamali na naman ako,akala ko kasi hindi na sya,akala ko ako na,akala ko wala na,akala ko pwedi na.Maling akala lang pala.

"PRINCESS OF TEARS" (Lade & Khat) LESBIAN UNIVERSITY PART 2Where stories live. Discover now