Chapter 26. [Date?]

Start from the beginning
                                    

Tinawanan ko lang siya pero nagbayad na rin ako ng ticket. Tapos bumili na rin ako ng tumbler of popcorn tapos dalawang drinks.

"Lika na." sabay hila ko sa kanya.

"A-ah? Sige!" natawa lang ako sa reaksyon niya. Halatang takot eh. :D

Pumasok na kami at pumwesto sa gitna. Ayoko sa gilid. Tae lang, daming mga nag-aanuhan. Tss.

Nagsimula na yung movie. Napansin kong kain ng kain si Kaycee ng popcorn.

"Hoy. Ang siba mo. Tataba ka nyan."

"Paki mo ba?" pagtataray niya.

"Tss. Takot ka lang." sabay ngiti ko.

"Che."

Hindi naman talaga nakakatakot yung movie. Okay lang. Exorcism. Natatawa nga ako kasi parang documentary siya pero grabe, parang true to life talaga.

Nung nasa may babarilin na ng pari yung sarili niya. Biglang sumigaw ng malakas si Kaycee.

"Ahhhhhhhhhh!"

Nagulat ako kasi binaon niya yung ulo niya sa braso ko.

O_______O

"Kaycee?"

"Huhuhu *sniff* huhuhu *sniff"

Teka. Umiiyak siya?

Inangat ko yung mukha niya tapos nakita kong may luha sa mata niya. Natatakot siya?

"Sorry kung pinilit pa kitang manuod nito." nasabi ko na lang.

Ang tanga ko. Di ko man lang inisip yung nararamdaman niya. Ah shit! Gulong-gulo na naman ako. Paki ko ba sa kanya?

"Let's go." hinila ko na lang siya papalabas ng cinemas.

The Young Master's Maid (EDITING)Where stories live. Discover now