Chapter 26. [Date?]

Start from the beginning
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko lang. Tae naman, bakit kagwapuhan na naman niya napapansin ko?! Landi mo Kaycee!

"Bakit ka nagsosorry?"

"Eh basta! Tss! Naman Kaycee! Nagsosorry na ako o?!?!"

"Galit ka na naman? Ano ba yan! Thanks sa pagiging sincere ha?" sabi ko with full sarcasm. "Uuwi na ko."

Kaso bago pa ako makaalis dun. Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry for making you cry. I'm sorry. I'm sorry..."

Napabuntong-hininga na lang ako. Di ko alam pero napayakap na lang ako.

"Okay lang. I'm sorry for ditching you. Alam mo na yun."

"Tss. Basta sorry."

Bigla na lang akong napangiti sa sinabi niya.

BLAKE'S POV

Nagsorry na ako kay Kaycee. Oo, alam kong g*go ako. Anong magagawa ko? Pero yun nga. Gusto kong bumawi kay Kaycee ngayon. Ewan ko ba. Basta di ko muna iniisip yung plano ko sa kotse.

"Eh wag na! Gastos lang ang panunuod ng movie! Wag naaaaaa!" ah shit. Ang ingay naman ni Kaycee. -_-

"Ako naman manlilibre a? Dali na! Maganda yan! Parang The Devil Inside lang!"

"Ah basta ayoko!" sigaw niya.

"Wag mong sabihing takot ka sa horror films?" sabay tawa ko.

"Ehhh?!?! Hindi ah!"

"Weh? Takot ka eh!" pang-aasar ko pa.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at pumunta sa ticket counter.

"Dalawa nga po sa The Devil Inside! Siya po magbabayad!" sabay turo niya sakin.

The Young Master's Maid (EDITING)Where stories live. Discover now