Maging si Sandra ay walang ideya kung anong sasabihin ng love of her life.

"Buntis na si Sandra." Ani niya kaya malakas na batok ang naipatikim ni Sandra sa kaniya.

"GAGO!" Isang malakas na sigaw ang kumuha sa atensyon ng buong sangkatauhan sa cafe.

"Congrats magkakaanak na kayo." Sambit ng isang pamilyar na boses na kararating lang.

Saan ko nga ba narinig ang boses na 'yon?

Hindi muna ako lumingon sa kaniya dahil iniisip ko parin kung saan ko narinig ang boses niya.

"Excuse me, sino ka?" Tanong ni Sandra.

"I'm Riene's boyfriend." Ani niya kaya agad akong napalingon dito.

Isang napakapamilyar na mukha ang bumungad sa akin na naging dahilan upang mapatayo ako at mapayakap dito.

"Grey." Sambit ko at sumubsob sa kaniyang dibdib.

Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kusa na lang tumutulo..

It may be weird to them kasi hindi na nila naaalala ang lahat but I don't effin care.

Inalis ni Grey ang pagkakayakap ko sa kaniya saka inangat ang aking mukha sa kaniya at hinalikan.

"I told you not to call me that name." Sambit niya kaya isang hampas lang ang naisukli ko.

"Bakit ang tagal mo? Bakit ngayon ka lang?" Patuloy parin ang paghampas ko dito hanggang humina na ito ng humina at muling yumakap sa kaniya.

"Why aren't you applying your rule?" Tanong niya habang hinihimas ang likuran ko.

Tiniad ko ang aking mga paa at sinuklian siya ng halik.

"I love you Grey." Sambit ko at muli niya akong hinalikan.

I can't believe this is happening. Kayakap ko siya ngayon at malayang nahahalikan kaya nilasap ko na ang pagkakataon at muli pa siyang binigyan ng halik.

"I love you too tomato pie." Ika niya.

"I love you times infinity, onion rings." Tugon ko at tinadtad siya ng halik sa pisngi.

Hanggang sa kunin niya ang aking mukha and kissed me passionately.

"Ehem." Tikhim ni Sandra na tila ba gustong marinig ang aking paliwanag.

Nginitian ko lang sila saka hinila si Grey palabas.

Marami akong gustong itanong at malaman. Gusto ko ring sulitin ang bawat oras naming magkasama dahil hindi ko na alam kung kailan muling maglalaro ang tadhana kaya hinila ko siya patungo sa isang tahimik na lugar.

Napunta kami sa isang bench katabi ng lampost at doon naupo.

Niyapos ko siya at sumandal sa kaniyang dibdib at nanatiling ganoon.

"Paano ka nakabalik?" Tanong ko.

"Bakit, hindi ka ba masaya?"

"Gago! Syempre masaya ako, higit pa nga siguro sa saya 'tong nararamdaman ko. Curious lang ako kaya ko naitanong." Ani ko.

"I had a conversation with the Almighty back the first day of the camp." He answered. " I figured out how I truly feel for you so I had a deal."

"I told Him that if accomplished this mission, he'll grant me a wish." Pagpapatuloy niya. "I actually don't beg for conditions but I felt I have to do it that moment."

"Anong wish ang hiniling mo?" Tanong ko at tumingin sa kaniyang guwapong mukha.

"If I accomplished the mission, I'll have to be a mortal and live the rest of my life with Riene Allison." Sagot niya kaya mas hinigpitan ko pa ang aking pagkakayakap.

He was patting my hair and every touch of him makes me think that this is not a dream.

He is real and this is reality.

"E ano nga palang mangyayari sa mga makasalanan? Wala na si Tan pati na rin yung mga alagad niya. Ano na rin ang mangyayari sa mga kaluluwa? Mortal ka na." Sunod-sunod na tanong ko.

"All people who sinned greatly will become grim reapers. 5 years sila dapat maglingkod as a grim reaper bago sila makapasok sa langit." Sagot niya.

So sila pala minsan ang nakakasalubong ko na nakasuot ng black coat.

Basta wala na akong pakialam. Hindi na ako magtatanong. Bahala na sila sa buhay nila. Basta ako, kasama ko ang taong mahal ko. Kuntento na ako.

"Fuck you." Saad ko nang walang dahilan.

"I love you too." Saad niya.

May mga tao tayong hindi natin inaasahang magiging malaking parte pala ng buhay natin. Ganiyan si Grey sa'kin dati.

Hindi ko inexpect na mahuhulog ako ng ganito. Bawat araw at oras na kasama ko siya ay mas lalong lumalalim ang pagkahulog ko sa patibong nitong pag-ibig na 'to. Same with him.

I won't regret meeting him. Ngayon makakapagsimula na kami ng totoong kwento, kwentong matatapos lamang kapag nalagutan na kami ng mga hininga. Kwentong kaming dalawa na ang magdidikta.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now