E L E V E N

14.3K 353 23
                                    

Chapter 11: Papatong

Death Grey's POV

Matapos kong marinig ang mga sinabi ni Riene ay agad akong nagtungo sa likod ng school.

I have a feeling na dito ang kuta nila, dito nila ginagawa ang mga masasama nilang balak.

Maraming puno ang makikita sa paligid at tila isang gubat na ito.

Natanaw ko na ang isang lumang bahay sa gitna nito at kampanteng naglakad patungo dito.

Mukhang walang nakatira dito but I'm sure na may nilalang na naninirahan dito because I can feel his presence.

Akma ko nang pipihitin ang door knob nang bigla akong nakaramdam ng presensiya sa aking likuran. Napapaling ako dito at nakita ang lalaking may suot ng puting maskara.

"Death Grey." Sambit nito.

"Blake Steel." Sambit ko rin na naging dahilan sa mahina niyang pagtawa.

"You still remember me,huh?"

"Of course, how can I forget you?"

Magtatakip silim na at maririnig na ang alulong ng mga asong gubat.

"They're not here." Wika niya sa akin.

"Then do you know where I can find them?" Usisa ko kasabay ng paniningkit ng mga mata.

Kilala ko si Blake, masama siyang nilalang pero alam kong may isang salita siya at mapagkakatiwalaan.

"No." Maikling tugon nito. "They're to hideous for me to find out." Dugtong niya.

"Then what's your reason for doing this?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung anong balak niya sa pagpasok sa buhay ni Riene.

"My reason is also your reason."

Lalong naningkit ang aking mga mata sa winika niya.

Riene Allison's POV

Pasado alas-gis na ngunit wala padin siya.

Why the hell am I caring for him?

Umuwi na din ako kanina dahil nainip na sa paghihintay bagkus, dinala ko na lang ang gamit niya pa-uwi.

Pumunta ako sa salas para kunin ang gamit niya na kanina'y nilapag ko doon.

Dadalhin ko ito sa kuwarto niya.

Tumaas na nga ako at tumigil sa harap ng guest room kung saan siya natutulog.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakabangong amoy.

Amoy na amoy lalaki ito pero hindi masakit sa ilong.

Wow, nalaglag ang panga ko dahil sa nakita ko.

Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kuwarto at ni-isang gabok ata ay wala kang makikita.

Nadaig pa niya ako. Yung kuwarto ko kasi parang dinaanan ng ipo-ipo sa gulo.

Ngayon lang din kasi ulit ako nakapasok dito after how many months. Wala naman kasi akong gagawin dito kaya hindi ako madalas pumupunta.

Inilapag ko na ang kaniyang bag sa side table niya at naupo sa malambot na kama habang inililibot parin ang mga mata.

Grabe, sobrang linis at organized talaga nito. Hindi niya pinaltan ang blue na wallpaper nito at ang tanging ginalaw niya lang ay ang side table na pinaglagyan niya ng iba't ibang klaseng relo.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now