T H I R T Y - F O U R

8.3K 197 8
                                    

Chapter 34: Caged

Riene Allison's POV

Narito ako sa isang maliit na silid. Madilim ang buong paligid at tanging liwanag lang mula sa nag-iisang maliit na bintana ang nagbibigay tanglaw sa kabuuan nito.

Paano ako napunta dito?

Napalingon ako sa may gilid at mayroon itong rehas na gawa sa matibay na bakal.

Nakakulong ako?

Paano? Kanina naman nahimatay lang ako.

Nagulat ako nang biglang lumitaw ang babaeng kamukhang-kamukha ko sa kung saan.

Sa tingin ko nanaginip na naman ako.

"Anong pakiramdam?" Tanong niya saka ngumiti sa akin na para bang nang-iinis.

"Sino ka ba talaga?" Tanong ko dito.

"Ako si Lucy, ang bagong ikaw." Sagot nito at muling ngumiti ng nakakakilabot.

"Nasaan ako? Panaginip ba 'to?" Tanong kong muli.

"No my dear, it is not a dream. Narito ka ngayon sa isang silid kung saan ako nakulong ng labing siyam na taon."

"Nakulong? Hindi kita maintindihan."

"Narito ka ngayon sa loob ng katawan mo. Isang lugar na bahagi ng puso mo." Ani niya.

"Paano ako makakalabas dito?" Tanong ko ngunit natawa lang siya.

"Hinding hindi mo na magagawa iyon. Habang buhay ka na dito at habang buhay na rin akong maghahari sa katawan mo." Tumatawang sagot nito at muling naglaho.

Death Grey's POV

"Nasaan si Riene?" Nag-aalalang tanong ni Blake.

"Dinala siya ni Tan." Maikli kong tugon at ikinuyom ang aking kamao.

"Saan?" Tanong nito.

"Hindi ko alam." Matipid kong tugon.

Sinuntok niya ang dingding sa gilid niya at nabalot naman kaming lahat ng katahimikan.

Ito na ang ikinatatakot ko. Ito rin ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman niya ang tungkol sa kaluluwang kasabay niyang ipinanganak.

Nakulong ito sa loob ng katawan niya at ngayon ang kaluluwa naman ni Riene ang nakulong.

"Paano ba nagising si Lucy sa katawan niya?" Tanong ni Nicole.

"Binanggit niya ang pangalan nito. Because of that, Lucy's soul was summoned and controlled her body." Paliwanag ko.

"So anong gagawin natin ngayon? Sino ba naman kasi ang nagpalabas ng videong iyon?" Sabat ni Tim.

We need to think of a plan. At isang solusyon lang ang naiisip ko.

The Sword of the Great Warrior.

I don't want to lose her. Ang bawat minuto na wala siya sa tabi ko ay parang araw na nagdaan sa akin.

"We need to find that sword." Saad ni Nicole na tila ba pareho ang itinatakbo ng aming isipan.

"Saan?" Tanong ni Blake na parang agresibong mabawi ang kaniyang kapatid.

"Nakay Riene ang libro na nagtuturo kung saan ito matatagpuan. Pinatago ko 'to pero hindi ko alam kung saan niya tinago." Sabi ni Nicole.

"Sa kuwarto niya. Sa drawer, nakita kong may libro siyang hawak nung gabing nagcelebrate tayo ng birthday ni Sandra." Wika ni Jenny.

Agad na akong tumakbo doon at sinira ang drawer. Hindi ako nabigo dahil natagpuan ko ito.

Ang problema lang ay tanging isang tao lang ang makakahawak nito. Matagpuan man namin ito ay hindi pa rin namin iyon mahahawakan.

Kinuha sa akin ni Nicole ang libro at binuklat ang mga pahina.

"Wala namang laman 'to." Reklamo niya.

"Tanging sa taong makakakuha lang ng espada nagpapakita ang mga nakalimbag sa librong iyan." Ani ni Blake.

"Sino? Sino ang taong iyon?" Tanong ni Sandra.

"Si Riene." Sagot ni Zac.

Paano niya nalaman?

"Gaano ka kasigurado?" Tanong ni Tim.

"Nakita kong may hawak siyang magarang espada kanina sa kuwarto niya. Aksidente kong nakita dahil pinasilip niyo sa'kin kung ano ang ginagawa niya." Tugon nito.

"Kung gayon ay narito na sa bahay ang espada?" Tanong ni Nicole.

"Hindi kaya nasa librong iyan?" Saad ni Sandra.

Hindi ako sigurado pero may misteryong nababalot kay Sandra.

Paano niya nalaman na ang espada ay nasa loob ng libro?

Isa pa, nakita ko siya noong gabing iyon. Gabing naganap ang panghoholdap kay Riene.

Tinanong ko sa kaniya kung nakita niya ito pero hindi ang sagot niya.

Ang ipinagtataka ko lang ay ang tanging daan patungo sa lugar kung saan kami nagkita ay ang kinaroroonan ni Riene, hindi kalayuan kung saan kami nagkatagpo kaya imposible na hindi niya ito nakita.

"Posible." Tugon ni Blake saka binuklat ang pahina kung saan nakaguhit ang espada.

"Pero wala ring kwenta dahil nasa kamay ni Satanas si Riene." Saad ni Sandra.

"Kaya kailangan nating gumawa ng paraan. I have a plan." Saad ko at nakinig silang lahat.

3rd person's POV

Sa wakas ay mabubuhay na ang katawan ni Tan. Maisasagawa na nila ang makapangyarihang ritwal na maghahasik ng gulo sa buong sangkatauhan at magpapalakas sa pwersa ng kadiliman.

Nasa kamay na niya ang huling sangkap, ang katawan ni Riene kaya hinihintay na lamang niyang ihanda ang lahat ng kakailanganin para dito.

Narito sila ngayon sa madilim na ilalim ng dating eskwelahan nina Riene.

Sinigurado niyang hindi na ito matatagpuan ng sinuman dahil gumawa siya ng isang barrier na nagbura sa lugar na ito mula sa mga mata at isipan ng mga tao.

"Handa ka na bang maging reyna ng mundong ito?" Tanong ni Tan kay Lucy na ngayo'y nakatayo sa kaniyang harapan.

"Siyempre." Saad niya.

"Kung gayon ay maghanda ka na para sa gagawin nating ritwal. Nang sa gayon ay magkaroon na ako ng sarili kong katawan at maghari sa buong sangkatauhan." Masiyang sambit nito.

"Masusunod." Sagot naman ni Lucy at lumabas na sa silid.

Samantala, kasalukuyan namang nagpaplano ang grupo nina Grey upang lumusob sa kuta ng kalaban at bawiin si Riene sa kanilang puder.

"Pupunta ta'yo doon?" Nag-aalalang tanong ni Kim sa mga posibleng maganap.

"Baka hindi natin kayanin ang dami nila." Saad naman ni Zac.

"Ito na lang ang natitirang paraan." Sagot naman ni Grey sa kanilang mga reaksyon.

"Palihim natin itong gagawin. Maghahati tayo sa tatlong grupo katulad nang ginawa natin sa mga misyon noon." Sabi naman ni Blake.

"Kung gayon ay kasama ko si Sandra at Riko." Saad ni Grey kaya napatingin sa kaniya ang lahat.

Hindi kasi nila nakikitang mamili si Grey ng kasama sa mga misyon kaya sila ay nanibago.

"Sige. Sa akin si Tim at si Kim at si Jenny at Zac naman ay sa'yo Nicole." Ani ni Blake at nagsimula nang maghanda para sa nalalapit na unos.

Malapit na ang pagtatapos.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now