Napalunok ako. Gusto ko siyang halikan. Shiz! MayMay don't!

Linapit ko ang sarili ko sa kaniya. Maslalo na ang labi ko sa kaniyang labi. Dinampi ko ang labi ko sa labi niya saglit lang. Pero sobrang saya ko.

Napangiti ako ng hindi siya nagising. Nahiga ako sa braso niya bago ngumiti sa kaniya. "Good night, Jared." Sabi ko bago pumikit at mahimbing na nakatulog.

MABIGAT na kamay na nakabatong saking baywang ang aking naramdaman pagkagising ko. Minulat ko ang aking mga mata at isang malapad na dibdib ang aking namulatan. Napaangat ako ng tingin sa lalaking katabi ko. Isang maamong mukha ang aking nakita.

Bakit ang gwapo mo kahit nakapikit, Jared? Feeling ko kahit na madaling araw ako nakatulog ang sarap sarap pa din ng aking pakiramdam. Parang hindi kulang sa tulog parang normal lang.

Hindi ako gumalaw para hindi ko siya magising. Sana laging ganito araw araw. Maamong mukha niya ang makikita ko pagkagising ko. Bango niya ang una kong malalanghap at yakap niya ang magpapagising sakin. Pinakatitigan kong mabuti ang kaniyang mukha. Hinding hindi talaga ako magsasawa sa kaniyang gwapong mukha. Kung pwede ko nga sanang angkinin ang mukha niya ginawa ko na. Isama mo na din ang buong katawan niya.

Sobrang gwapo niya talaga. Wala na akong masabi pa. Kung magkakaanak man kami sana kasing ganda o gwapo niya. Ang saya siguro kapag nangyari iyon.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang pilik mata. Ang hahaba. Dinaig pa pilik mata ko. Kainis. Ngayon naman ilong niya ang tiningnan ko. Oh My! Ang tangos! Matangos din naman ang ilong ko pero hindi katulad ng tangos ng ilong ni Jared. Lalo pang bumaba ang tingin ko at napahinto sa mapula niyang labi.

Ito na naman ako. Bigla na naman ang pagkalabog ng dibdib ko. Parang may naghahabulang daga sa bilis. Napalunok ako. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nagawa kong halikan siya kaninang madaling araw. Para bang panaginip ko lang iyon. Sinuwerte lang ako.

Napahawak ako sa labi ko at napatitig sa labi niya. Pwedeng take two?

Hinawi ko ang kamay ko sa mukha niya para makasigurong akong tulog pa rin siya para sa magandang balak ko. Bwahaha
Hindi siya gumalaw at malalim pa din ang paghinga niya. Ibig sabihin tulog na tulog pa din talaga siya.

This is it! Kaya mo yan MayMay! I know that you can do it! Dora lang ang peg.

Okay, ito na talaga. Pumikit ako at para damdamin ang aking gagawin. Linapit ko ang mukha ko sa mukha ni Jared gaya ng ginawa ko kaninang madaling araw. Malapit na ako sa katotohanan alam ko iyon dahil naaamoy ko ang hininga niyang amoy mint. Sarap amoyin!

"What are you going to do?" Mabilis akong napamulat at nakita ko ang matalim na titig niya sakin. Sa gulat ko nahulog ako sa kama.

"Aray!" Nakahawak sa baywang kong pakli. Masakit yon ha! Nakita kong napaupo si Jared sa kaniyang kama. "Anong pinaplano mong gawin kanina?" Naghihinala niyang sabi.

"Huh? A-Anong p-pinaplano? W-Wala noh!" Bakit ako nauutal? Halata tuloy na may masama akong plano. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Napalunok ako bigla. Feeling ko para akong bata na nahuli ng aking ina na nangupit ng pera.

Napatayo ako. "A-Alis na ako." Sabi bago nag-iwas ng tingin sa kaniya. Naglakad na akopaalis ng hawakan niya ako sa braso at binalik pahiga ng kama niya!

"Are you planning to kiss me?" Amused niyang tanong. Huh? Ano daw? Gusto niya akong halikan?

Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako. Hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa kaniya. Para akong nahihipnotismo ng kaniyang mga mata.

"Do you want me to kiss you right now?" Tinatanong pa ba iyan?

"Or do you want to do more than that?" Seryoso niyang sabi.

Napakagat labi ako. Kiss okay lang pero kung mahigit pa doon isang malaking NO na iyon. Bata pa ako! Wala pa sa isip ko ang ganoong bagay. Pero wag niya akong pipilitin baka bumigay ako.

Pinilig ko ang aking ulo. Anong pinag-iisip ko? Wala pa kami sa tamang edad para gawin ang ganitong bagay.

Palapit na ng palapit ang mukha sakin ni Jared.

"J-J-Jared... W-ait lang w-ait lang..," pigil ko sa kaniya.

"I can't wait," malamlam ang matang sabi niya at linapit pang lalo ang mukha niya sa mukha ko. Oh great!

"W-Wait lang Jared. We can't do that. W-Wala pa tayong r-relasyon t-tsaka hindi mo pa ako nililigawan. A-At kasal lang ang gumagawa ng ganito. H-Hindi natin to p-pwedeng gawin hanggat hindi tayo k-kasal." Sabi ko. Nauutal-utal sa nerbiyos.

"Then marry me," walang paligoy-ligoy niyang sabi na literal na nagpanganga sakin. Naririnig niya ba ang kaniyang sinasabi? Totoo bang si Jared tong kaharap ko?

"Huh?" Lito kong pakli.

"Nagbibiro ka lang ba?" Di ko mapigilang usal. Sabi nga nila diba, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

"Do I look like I'm joking?" Seryoso niyang sabi. Napailing ako. Sobrang seryoso niya. Kitang kita ko iyon sa kaniyang mga mata.

"Venice, marry me. Please," parang hjndi ako makahinga sa sobrang saya. Halos tumulo tulo ang luha ko sa saya. Totoo ba to? Si Jared? Gusto akong pakasalan?

"S-Sure ka ba dito?" Taka kong tanong. Halong saya at pagkamangha ang aking nararamdaman. "Mukha ba akong nagbibiro?" Nakangiti niya ng usal sabay halik saking labi.

"Answer me please," sabi niya sakin habang hindi inaalis sakin ang kaniyang malamlam na titig.
Tumango ako. "Pakakasalan kita," sabi ko.

Biglang lumaki ang pagkakangiti niya at tinuloy ang kaniyang ginagawang paghalik sakin. Hindi na ako tumutol dahil alam kong ganito lang din ang kalalabasan ng lahat.

Bumaba ang halik niya saking leeg. Napatingala ako sa kiliting naramdaman ko dahil sa ginawa niya. Napaungol pa ako sa hindi ko maipaliwanag na sensasyon. Ito na ba ang feeling na nababasa ko sa mga romance pocket books? Iyong feeling na hindi mo kayang pigilan.

♡♡♡

Hi sa mga magaganda, gwapo at mababangong readers nitong story kong The Unrequited Love. ^^/

Godbless sating lahat!

Lovelots,
MariaAyagil💕

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Where stories live. Discover now